Share

CHAPTER 64

Natapos ang hapunan, hindi pa rin nahinto ang pagpa-plano ng mag asawang Zolina at Banville tungkol sa kasal ng kanilang mga anak. Pinili nilang ituloy ang diskusyon sa loob ng opisina ni Logan hanggang sa magpaalam si Claude na lalabas muna upang magpahangin. Isinama na rin niya si Lucine na kanina niya pa napapansin ang pagkabagot sa usaping hindi naman sila sinasali gayong sila naman ang higit na dapat makaalam ng mga mangyayari sa kanilang kasal.

" Alam mo bang lumaki ako sa puder ng mga madre? " biglang tanong ni Lucine habang sila'y naglalakad sa pasilyo patungong hardin. " Pinalaki ako ni sister Bella na magalang at marunong rumespeto sa mga matatanda lalo na sa magulang, pero sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon, pakiramdam ko ang sarap magbitiw ng salitang pinagbabawal. "

" Kagaya ng? " pagtatanong ni Claude, batid ang nais sabihin nito ngunit nais niya pa rin itong marinig.

" Puñeta, " walang pag-aalinlangang sambit ni Lucine habang diretsong ang mga tingin sa pasilyong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status