Share

CHAPTER 6: The Mysterious Science Girl from the Future

"I am here, and I am looking at her.

And she is so beautiful.

I can see it.

This one moment when you know you’re not a sad story.

You are alive.

And you stand up and see the lights on the buildings and everything that makes you wonder."

- From the Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

****

Alasingko na rin ng hapon ng matapos ang gyera. Pakiramdam ko ay talagang latang-lata ako sa pakikipaglaban, kahit wala naman talaga ako ginawa at panay tayo lang din ako sa likod ni Alchiel at nung kambal.

‘Kayo kaya dito sa pwesto ko? Siguradong mapapagod din kayo!’

I mean ‘sino bang hindi?’ Nakakapagod kaya yung from time to time eh kakabahan ka dahil baka anytime ay bigla kang mataga ng kung sino man.

‘Kung alam niyo lang talaga kung gaano kalakas ang kalabog ng puso ko habang nasa gitna ako ng mga nagsasalpukang mga espada, umuulang mga pana at mga chariot na masyadong deadly.’

‘Ang nais ko na lang talaga ngayon ay ang matulog sa isang malambot na kama, at mairelax ang aking katawan.’

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang nakatumbang puno na nagsisilbing upuan ng mga natirang sundalong alipin sa pangkat namin, habang nakaharap sa isang bonfire na nakalagay sa aming gitna.

Panay ang hikab at buntong hininga ko dahil sa sobrang pagod. Papikit-pikit ang aking mga mata, habang pinipigilan ang sariling antok na mamayani sa aking pagkatao. Nasa ganoon akong posisyon ng maramdaman kong may tumabi sa aking gilid.

Isa itong malaking lalaki na may malaking pilat sa kanyang muka. Nakasuot ito ng isang kalasag, habang may nakasabit na malaking espada sa kanyang likuran.

‘Hindi ko sya kilala, pero masyado syang feeling close.’

Isa pa ay kanina pa ako nababanas sa suot kong helmet, na kanina ko pa suot. Masyado itong mabigat sa ulo at makati rin ang loob nito. Bukod rito ay para akong nasosofocate, habang suot ang lumang helmet na malaki din naman ang naging pakinabang saakin kanina sa gitna ng labanan. Dahil kung hindi dahil dito ay malamang kanina pa ako namatay dahil sa mga umuulang mga pana.

Muli akong napabuntong hininga dahil napapagod na talaga ako, saka walang ganang inalis ang pagkakaakbay ng lalaki na hindi ko naman talaga kilala kung sino, at halatang nagpi-feeling close lang naman sa akin.

Muli akong napabuntong-hininga ng muling ibalik ng lalaki ang pagkakaakbay sa aking mga balikat.

‘Ano ba kase talagang problema mo, Tol? Tch.’

"Kamusta ka na kaibigan? Hindi ka ba nabibigatan diyan sa suot mong kupya, at kanina mo pa suot?" bati niya sa aking di ko naman pinansin.

Masyado akong pagod at nanlalata para i-entertain ang kung ano mang walang kwentang sasabihin niya. Hindi ko pinansin ang tanong ng lalaking nasa aking gilid, bagkus ay walang sabi ko na lamang pinalis ang kaniyang kamay sa aking balikat, saka muling nagbuntong hininga.

Bagamat binigyan naman kami ng makakakin ng mga kabalyero ng Haring Achilles, ay pakiramdam ko ay kulang parin ito. Kulang na kulang ang apat na piraso ng tinapay na ibinigay saamin upang aming makain. Masyadong nakakadrain ng utak, pag walang laman ang tiyan. Gustuhin ko mang maglagalag at humanap ng makakain ay hindi ko na magawa dahil sa sobrang pagod.

Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga habang nakayuko, ng muling ibalik ng malaking lalaki na may pilat sa muka ang kaniyang mabigat na kamay sa aking balikat.

Sa inis ko ay muli kong pinalis ang kaniyang kamay, saka siya tinignan ng masama na diskumpyado akong kaniyang nakita dahil madilim na ang kalangitan, at tanging liwanag na lamang sa bonfire na nasa aming gitna ang natitirang liwanag, pati narin ang liwanag na galing sa buwan. Bukod dito ay nakasuot pa din ako ng helmet, which made my eyes hidden from the sight of everyone.

"Nga pala kaibigan, nais ko sanang magpasalamat sa iyo ng personal. Dahil kung hindi dahil sa mga kakaibang taktika na iyong ibinahagi sa amin sa gitna ng labanan ay baka napatay narin ako ng mga hayop na kawal mula sa kampo ng kalaban." masayang saad ng lalaki na nagpataas ng kilay ko.

‘Anong pinagsasabi nito?’

‘Sa pagkakatanda ko ay kaya lamang naman ako nagsuggest ng ganon ay dahil ayoko pa mamatay.’

‘You see...’

‘I am one hell of a selfish bitch. I really don't care about others…’

‘I only do things I think will take me to my advantage…’

‘That's how I live my entire life. Even Kezia and my family knows that, and they are just tolerating that kind of attitude of mine, by letting me do what I please.’

‘Well...’

‘I think I can give an exemption if it was Kezia and my family, but if it's about others like them whom I have no intention of knowing?’

‘I might as well, do something where I could use them in the future for my own benefits.’

‘So he, telling me how thankful he was for my crazy antique doesn’t reach meat all. I honestly don't care if he was thankful or not.’

‘Because what matters to me is that, I am alive and kicking.’

‘I don't care about few sacrifices from the slave soldiers here who are happily celebrating our victory against the red soldiers.’

"Hoy Rudeus! Eto at uminom ka muna ng alak. Para kumalma ka, pansin kong kanina ka pa diyan nagbubuntong hininga" nakangiting saad ni Zenon na di ko na namalayang nasa tabi ko na pala.

Kailan pa nakarating dito sa pwesto ko ang kolokoy na ito?

"Oh kaibigang Nikolai! Nariyan ka pala! Halikat samahan mo din kaming uminom ng alak!" dagdag na turan ni Zenon, saka inabutan ako at ang katabi kong tinawag nya na Nikolai ng isang baso ng alak.

Ang baso ay gawa sa matabang kawayan na pinakinis. Yung mga usual na pinag iinuman ng mga soldiers sa mga historical na animes? Ganon yung itsura nito.

"Nasaan sila Alchiel?" walang gana kong tanong saka wala sa sariling uminom ng kaunti sa basong ibinigay sa akin ni Zenon.

Nang magsimulang manuot ang lasa ng alak sa aking lalamunan ay mabilis nitong pinainit ang aking katawan.

Agad na nanlaki ang aking mga mata ng makaisip na naman ng panibagong kalokohan na sigurado akong hindi ko na kailangan pang sumugod sa gitna ng labanan bukas.

"Sila Alchiel ay naroroon sa ilalim ng malaking puno, at nag uusap. Talagang napakalaki na ng pinagbago mo Rudeus! Matatawag ka na naming isang dakilang bayani sa dami ng buhay na nailigtas mo sa gitna ng labanan kanina." nakangiting papuri ni Zenon na sinang-ayunan naman ng karamihan sa mga aliping sundalo na naroroon.

Masaya nila akong pinuri at pinasalamatan, dahil daw sa ginawa ko ay tumaas ang kanilang moral kanina. Pero hindi ko sila pinansin, bagkus ay mataman lamang akong tumingin sa gawi ni Zenon.

"Saan ka nakakuha nito?" Tanong ko sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status