Share

CHAPTER 7: Her Letter

"I retain an unalterable affection for you,

Which neither time nor distance can change."

- George Washington in a love letter to his wife, Martha

****

"Saan ka nakakuha nito?" tanong ko sa kaniya na nanlalaki ang mga mata.

Gulat namang napatingin sa akin si Zenon at ang mga kasamahan ko, dahil sa pagtaas ng aking boses habang nakatingin sa gawi ni Zenon.

"B-bakit? G-galing yan sa kulandong ng Mahal na Hari. Binigay niya ito bilang pasasalamat at gantimpala sa pagpapakita natin ng katapangan sa pakikipag laban sa ating kaaway na kaharian." mahabang paliwanag ni Zenon, na mukang gulat na gulat pa din sa aking naging reaksyon.

"May naisip akong muli na maaari nating gamitin para sa labanan bukas. Isang ideya na makakatulong sa atin para hindi na natin kailangang matakot mamatay, dahil wala ng mamatay sa grupo natin." mahabang paliwanag ko na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Kahit sila Alchiel at Venoss ay nagawa na ding lumapit sa aming pwesto para makinig sa aking plano.

"Anong pinaplano mo Rudeus?" kunot ang nuong tanong sakin ni Nikolai.

"Walang iinom ng alak na dala ng Mahal na Hari! Dahil gagamitin natin ito bilang bomba para bukas!" saad kong nagpakunot ng kanilang mga noo.

"Bomba? Ano ang ibig mo sabihin?" tanong ni Alchiel na malalim ang pagkakakunot ng noo.

"Alcohol is a good conductor of heat. Kaya kapag binato natin ang mga ito, sa kalaban ay maari natin itong magamit bilang pampasabog." mahabang paliwanag ko.

"Hindi ko naiintindihan ang lengwaheng iyong ginagamit Rudeus. Bagamat ganoon ay naiintindihan ko naman ang nais mong ipahiwatig." kunot ang noong saad ni Venoss, na nakacross-arms pa habang nakatayo sa may isang gilid.

"Pero kung gagamitin natin itong pananggalang ay kailangan natin ng mas marami nito. Zenon, alam mo ba kung saan pa tayo makakakuha ng mas maraming alak?" Tanong ko kay Zenon na matamang nakikinig sa aking paliwanag.

"Huh? Oo naman! Ngunit ang problema ay sa kwartel pa ito ng Haring Achilles matatagpuan. Isang malaking kasalanan ang pagnakawan ang Mahal na Hari, Rudeus. Baka sa halip na nakaligtas nga tayo sa kamatayan mula sa kalabang kaharian ay hindi naman tayo makaligtas sa malupit na hatol ng Haring Achilles." nangangambang turan ni Zenon, na sa tingin ko ay agad nagpababa ng moral ng aking mga kasama.

"Hindi problema iyon. Ang mahalaga ay masigurong wala sa ating mamatay. Kung sakali mang magkarebulkaran ay aakuin ko ng buo ang kasalanan." wala sa sariling bulong ko, na sapat lamang para marinig ng mga taong malapit sakin.

Hindi ko alam kung saan ko nakuhang sabihin ang mga iyon. Wala akong balak umako ng kahit anong ikapapahamak ko. Gayun pa man ay parang nagkaroon ng sariling utak ang aking bibig ng makita ang ang mabilis na pagbagsak ng moral ng aking mga kasama.

‘Diyos ko. Celizia! Ano na naman bang kalokohan ang napasukan mo? Parang nakakahalata na talaga ako sayo ah? Kanina pa umiiral yang katangahan mo.’

Nilingon ko ang muka ng mga kasamahan ko, at nakitang muka silang na-touch sa mga sinabi ko, base narin sa naging reaction nila.

Bukod tangi si Venoss sungit na nakatingin sakin habang mas lumalim ang pagkakakunot ng noo.

‘Ano na naman bang problema ng isang to sa akin? Hindi kita diyan inaano ah!’

"Hindi na kailangan Rudeus, oras na magkagipitan ay maaasahan mo kaming sasamahan ka hanggang kamatayan." seryosong saad ni Alchiel na nagpakunot ng aking noo.

‘Isa pa tong kumag na ito! Masyadong oa mag react.’

"Sumasang ayon ako kay Alchiel kaibigang Rudeus! Handa akong samahan ka hanggang kamatayan oras na magkagipitan. Dahil utang ko sayo ang buhay ko. Kung hindi dahil sa plano mo ay marahil isa na akong malamig na bangkay ngayon." nakangiting turan ni Nikolai na nakuha na namang isabit ang mabigat na kamay sa aking balikat.

‘Jusmiyo Marimar! Mabigat na nga ang suot kong armor, dadagdag pa yung mabigat niyang kamay. Walang awa talaga saakin ang isang to! Ang payat-payat ko na nga e! Baka tuloy ang mangyare magkalasog-lasog na ang aking mga buto-buto dahil sa trip ng mga kupal na ito.’

"Oo nga! Sasamahan ka naming magnakaw ng alak, para sa ikatatagumpay ng iyong plano!" saad ng iba pang mga foot soldiers.

***FAST FORWARD***

Kaya nang maghating gabi ay sinigurado ng grupo namin na tulog na ang lahat. May mga grupo ng mga kabalyero ang nakita naming naglilibot at nagbabantay sa paligid ng marating namin ang kulandong ng hari. Kaya naman maingat kaming lima ng pasukin namin ang kulandong na pinaglalagyan ng mga bariles ng alak, at iba pang mga pagkain.

Ako, si Alchiel, si Zenon, Venoss at Nikolai ang mga naglakas ng loob na pasukin at nakawin ang mga bariles ng alak na siyang gagamitin namin para bukas. Maingat naming pinagulong ang mga ito papunta sa aming tolda. Ngunit bago pa man kami makaalis ay naisipan kong mag iwan ng isang bariles ng alak, at isang sulat na nakaaddress para sa hari.

"Thanks for the liquor King Achilles! But we need this drink for the success of your war. I hope you understand.

PS: Our group were really sorry for stealing your beloved drink." Ang liham na iniwan ko sa ibabaw ng isang bariles ng alak na iniwan namin sa kulandong ng mga pagkain.

Nang marating namin ang sariling kulandong ay inumpisahan na naming ilagay ang alak na ninakaw namin sa mga boteng may naka-improvise na taling magsisilbing bomba, para sa mga kalaban.

Isang malalim na buntong hininga ang aking muling pinakawalan habang tumutulong sa pagsasagawa ng aming plano.

"This would be a long night..." bulong ko sa aking sarili saka pinanood ang pag-gagawa ng bomba ng aking mga kasama...

*****

Nang kinaumagahan habang nag hahanda ang lahat ng kawal ng palasyo sa pagsugod sa Persia, ay humahangos ang isa sa aking mga kawal na nagbabantay sa kulandong ng mga pagkain. Inatasan ko kasi itong ikuha ako ng alak mula sa kulandong upang aking inumin. Nakakatulong ang lasa nito sa akin upang mapakalma ang aking sarili at makaisip ng magandang plano upang mapabagsak ang kaharian ng Persia.

Ngunit ng marinig ang kanyang balita, ay hindi maitatangging agad ay nag-init ang aking ulo.

"Kamahalan, parusahan niyo po ako! Sapagkat nang aking marating ang kulandong na pinaglalagakan ng imbak nating mga alak ay wala na po ang mga ito roon. Tanging isang bariles na lamang po ng paborito ninyong alak ang natitira at isang liham na naglalaman ng hindi mawaring letra!" saad ng aking kawal saka iniabot sa akin ang isang papel na naglalaman ng sinasabi nitong liham.

Agad na lumalim ang pagkakakunot ng aking noo matapos makita ang liham na hindi ko mabasa.

Anong klaseng letra ba ang gamit ng taong nagnakaw ng aking paburitong alak, at hindi ko mawari? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong kahariang nalalaman, na gumagamit ng kaparehong titik sa paglimbag.

"Bukod sa paborito kong alak, ano pa ang ninakaw ng estrangherong gumagamit ng kakaibang letra?" kunot ang noong tanong ko sa aking kawal na halos iuntog na ang ulo sa sahig dahil sa pagkakayuko habang nakaluhod sa aking harapan.

"Wala na po kamahalan. Tanging ang mga bariles lamang po ng paborito ninyong alak." tapat na saad nito sa akin.

Itinaas ko ang aking kamay, saka nagmostra na maari na itong umalis.

"Maari ka ng umalis sa aking harapan." seryosong saad ko na nakakunot ang noo.

Nilingon ko ang aking kanang kamay na si Beerus, at ang iba pang mga tapat na alagad, na nag-aantay sa aking senyas.

"Iwan ninyo muna ako mag isa." dagdag ko pa sa seryosong tono.

Muli kong pinakatitigan ang liham na ginamitan ng hindi mawaring letra, at sinubukang isipin kung ito ba ay isang klase ng kodigo na pinadala ng hari ng Persia. Ngunit kahit anong pagbaliktad ko sa papel ay hindi ko talaga mawari ang nais nitong sabihin.

"Thanks for the liquor King Achilles! But were neesing this drink for the success of your war. Hope I hope you understand.

PS: our group was really sorry for stealing your beloved drink."

Sa oras na malaman ko kung sino ang nagpadala nito, ay aking sisiguraduhin na malalaman ko ang ibig sabihin ng liham na kanyang pinadala…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status