Share

CHAPTER FIVE

"I've never been in your mind... alam ko kailan man hindi ako makakapasok diyan sa isip mo at matagal ko na iyong alam," wala sa loob na saad ko sa kanya na alam kong nagbigay ng ibang kahulugan.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at binasa niya ang sariling labi gamit ang dila kaya natuon ang atensyon ko roon. Agad din akong nag-iwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanyang labing mamula-mula.

Lihim akong napalunok. Nahuli niya akong nakatingin sa roon... pero iniisip ko kung ano kayang lasa ng mga labi niyang tingin ko ay ubod ng lambot?

Gusto ko kurutin ang sarili dahil kung anu-ano na lamang ang napasok sa aking kukorte na kung malalaman niya lang ay kahiya-hiya talaga.

Nawala na tuloy sa isip ko kung ano nga bang pinaguusapan naming dalawa. Ramdam ko naman ang paninitig sa akin ni Lennon sa kabilang banda ko. Alam kong hindi niya nagugustuhan ang nagiging takbo ng usapan.

"You know what, young lady. You are always welcome in our home, hindi ka na rin iba sa pamilyang ito, h'wag mo isipin ayaw kita rito sa bahay, hindi lahat ng nararamdaman mo tama at iyon na iyon. Madalas, maghahatid lang iyon sa iyo sa maling isipin," saad niya.

Napatitig na lang ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon, masasabi kong may magandang pagbabago sa kanya, hindi na siya ganoon ka-sungit sa akin hindi kagaya dati na ang talim niya kung tumingin at halos hindi niya ako kausapin at tila hangin lang na dinadaan-daanan ngunit ngayon sinusubukan niya makipag-usap sa akin ng mahinahon at ikinagagalak ko iyon.

"Kung ganoon, palagi mo na akong papansinin at hindi na dadaan-daanan lang?" tanong ko na tinatantiya ang isasagot niya.

"Did I ignore you that much before?" tanong niya na tila wala siyang naaalalang naging ganoon nga siya sa akin.

"Yes... bilang na bilang ko sa daliri ko kung kailan mo lang ako kinausap noon," sagot ko na ibig ko ipabatid na ang lalim ng hinaing ko sa kanya.

He just chuckled. "Kaya ba ngayong pagbabalik mo rito ay ganiyan ka na ka-ilang sa akin?"

Huminga ako ng malalim.

"G-Ganoon na nga, kailan man hindi ka nakitungo sa akin ng kung paano ako pakitunguhan ni Lennon," sagot ko.

Bumaling naman ang tingin niya sa katabi kong si Lennon na mukang wala na sa mood makipag-usap, seryoso ang mukha habang prenteng naka-ekis ang dalawang hita at tahimik na nakikinig sa paguusap namin.

Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdamang nag-se-selos si Lennon sa pakikipagusap ko kay Lennox ngunit hindi naman p'wedeng siya lang palagi ang kausapin ko.

"Me and my brother are not the same, Cherry. I have my own way to interact with people but I want you to know na minsan pareho kami ng taste pagdating sa babae," malamang saad ni Lennox sa akin sabay ngisi habang nakatingin sa kapatid niyang biglang nagtangis.

Lennon looks pissed by what he just said, I can see the irritation on his face. Nawala ang pagiging jolly niya napalitan ng kaseryosohan.

"Nabanggit nga ni Lennon kanina na may babaeng pareho kayong nagugustuhan, ang swerte niya." Nahimigan ko ng pait ang sarili kong boses.

"Yes, but not enough for me to persue her, she's not the right woman for me because she's too young and I don't like young girls, and age gap is not my thing," diretsuhan niyang sinabi kaya napaawang ang bibig ko.

Nanlumo akong bigla, gusto niya iyung babae ngunit ayaw niya i-persue dahil sa agwat ng edad, ano bang klaseng matatawag iyon?

He doesn't want to date young girls below his age just because he thinks it's inappropriate? Kahit pa nasa legal age na iyung babae ay ayaw niya pa rin?

Talagang pinamumukaan ako na ni kahit iyung babaeng gusto niya ay walang pag-asa sa kanya dahil sa sinasabi nitong age gap, at paano na lang ako na bata rin kumpara sa kanya ngunit hindi niya naman gusto?

"The age gap you are talking about is such a bullsh*t, kaya tumatanda ka na wala ka pa rin asawa, you are so picky," hindi na napigilang sabat ni Lennon.

Tumawa lang si Lennox. "Hindi ako nagmamadali, Lennon. Hindi ako mauubusan ng babae, hindi ako kagaya mo na sa dami ay hindi na alam kung sinu-sino at kung anu-ano ang mga pangalan," saad niya na tila batid ang pangaasar sa kapatid.

Bumaling ako kay Lennon. "You have plenty of girls? You didn't tell me."

Magsasalita sana siya nang muling magsalita si Lennox. "Bakit naman niya sasabihin sa iyo na marami siyang babae? Edi turned off na agad?"

Is he aware na may gusto sa akin ang kapatid niya? Ang dami naman pala babae ni Lennon at hindi naman na kataka-taka iyon at ngayon gusto niya pa ako ligawan kahit marami siya nakahilerang babae na nakaka-off nga kung iisipin at si Lennox naman ay may gustong babae ngunit ayaw i-persue! Pero ang mas ikinagagalit ko ay bakit hindi na lang ako!

"Shut up, Kuya. H'wag mo pasamain ang imahe ko kay Cherry," saway Lennon sa kanyang Kuya.

"Man, dakilang babaero ka hindi naman iyon katanggi-tanggi. Stop being a saint because we all know, you are not." Natatawang sinabi nito.

"Sana sinabi mong marami kang babaeng nagugustuhan Lennon, at nakahilera naman pala sa sila iyo wala namang kaso iyon sa akin kung sasabihin mo," saad ko at wala naman akong karapatan magalit at hindi naman ako nakaramdam ng iritasyon sa kanya sa nalaman.

Kung si Lennox pa ang malaman kong babaero parang hindi ko kaya isipin na ganoon nga siya pero sino ba ako para diktahan siya at makialam sa buhay niya.

"Bakit niya kailangan sabihin sa iyo? Is he courting you?" Lennox asked in curiosity ngunit bakas ang pagbabago sa tono ng boses niya.

Huminga ako ng malalim, tiningnan ko si Lennon na inaantay na ako ang sumagot at sabihing oo, nililigawan niya ako. Ngunit para namang may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ako agad makapagsalita. It took a minute, bago ko masagot.

"Yes, he wants to court me so I allowed him to be my suitor," tapat kong sagot at ganoon na lang ang biglang pag-ngisi ni Lennon.

Tumango-tango si Lennox at tumingin sa kapatid. "You are now taking a move, huh?"

Lennon chuckled. "Mahirap kung pabagal-bagal, mapaghuhulihan."

Nagpa-lipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, Lennon went back to being playful and Lennox went back to being stern.

"Cherry, that f*cker is a f*cking womanizer, you like that? Ganiyan lalaki ba ang tipo mo?" nanunuyang tanong ni Lennox na ikinapalis naman ng ngisi ng kapatid niya.

Mali. Hindi siya ang tipo ko, ikaw.

"Watch your words, Kuya. Stop using that kind of words in front of her," saway nito sa kanya.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lennon.

"Ayos lang sa akin, kung ang lalaki seryoso handa iyang magbago kung tunay naman ang kanyang hangarin," saad ko na may kasamang opinyon ko na rin.

Lennox look at me with amusement. Ngumising aso siya sa kapatid at ganoon din naman ito sa kanya. Para silang nag-uusap sa kanilang isipan ngunit asaran lang ang laman.

"You heard that, Kuya? She's accepting my flaws, because she knows how serious I am," pagmamalaki ni Lennon sa kanyang Kuya.

Tumawa lamang si Lennox, gusto ko sanang makitang tumutol siya ngunit hindi iyon ang nakikita ko. Sa halip mukang susuportahan niya pa ito sa panunuyo sa akin...

Ang manhid mong lalaki ka.

"Tingnan ko lang kung makangiti ka pa kapag inaway na siya ng mga babae mo, masiyado pa man din silang wild," banat ni Lennox na tila pinasasama talaga ang imahe nito sa akin ngunit alam kong sinasabi niya lang iyon para asarin ang kapatid.

Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako, paano akong aawayin kung wala naman makakaalam na manliligaw sa akin ang kapatid niya. Baka nakakalimutan din ni Lennon ang kundisyon ko sa pagpayag ko.

"Hindi nila malalaman dahil wala naman makakaalam... ayaw ko i-public, I just want to give it a try, kung mag-wo-work out ba kami ni Lennon o hindi," pag-amin ko.

Nanaig ang katahimikan at ramdam ko ang pag-protesta ni Lennon sa sinabi ko kahit na hindi siya magsalita.

"A secret relationship with my brother? You want to keep it secret from everybody?" Lennox asked in disbelief.

Paano ko ba kasi ipapaliwanag? Hindi ko naman p'wedeng sabihin ayaw ko naman talaga sa kapatid niya at siya ang gusto ko.

Minsan ang pagiging advance ay siyang nagpapahirap ng husto sa akin.

"Respect her decision, Kuya. She wants to keep it private even from our parents. Ako ang nag-insist ligawan siya kahit ayaw niya kaya kung gusto niya ilihim, kailangan ko iyong respetuhin at sana ganoon ka rin," si Lennon na ang nagpaliwang para sa akin dahil hindi ko talaga alam paano ipaiintindi sa Kuya niya gamit ang ibang dahilan.

"At pumayag ka naman? What's the reason behind this? Bakit ayaw niyo ipaalam dalawa na magliligawan kayo? You are confusing me," bakas na ang iritasyon kay Lennox.

Huminga ako ng malalim at mariin pumikit bago magsalita, aamin ako ngunit pahapyaw lang.

"I like someone else... I am broken hearted because the man I love can't love me back the way I want him... and your brother knows that, so he wants me to divert my attention to him so he could help me. Ayaw ko magpaasa ng tao, kaya nilinaw ko sa kanya ngunit he wants to persue me so who am I not to give him a chance?" paglalahad ko.

Lennon didn't expect me to say the truth, he looks stunned by my words and Lennox seems like in deep thought.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Daphne
try niyo basahin guys exciting yung story
goodnovel comment avatar
Daphne
Yay! may another story ka na naman author, meron na naman akong aabangan. keep the good work
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status