Naging maayos naman ang naging paguusap ng mga magulang ko kaharap si Lennon, at humingi ito ng dispensa sa hindi niya pagharap ng pormal sa kanila.Ngunit akas kay Daddy na hindi pa rin siya pabor sa ginawa kong biglaang desisyon na gawin nobyo si Lennon ngunit wala na rin siyang nagawa pa. "Natakot ako sa mga magulang mo kanina, akala ko sasakmalin na ako ng Daddy mo," saad ni Lennon habang nagmamaneho.Natawa ako. "Gano'n lang iyon si Daddy, pero mabait at supportive siya. Ayaw niya lang na naglilihim ako. Pareho sila ni Mommy."Papunta kami ngayon sa bahay nila, gusto raw akong bumisita nina Tito Enriz at Tita Solen.Isang araw lang daw ako hindi nagpunta sa kanilang mansion ay nangulila na raw sila agad sa akin. Natawa na lang ako nang sabihin iyon ni Lennon sa akin kanina.Sa palagay ko ay minsan na nilang ginusto magkaroon ng babaeng anak kaya ganoon na lamang sila kabait makitungo sa akin sa tuwing nasa kanila ako o kahit minsan ay makita lamang nila ako kahit saan."Inaasahan
"Madalas kang bumisita rito sa kanila?" tanong sa akin ni Caroline nang maiwan kaming dalawa rito sa kusina.Gusto niya raw siya ang gumawa ng meryenda namin at nag-prisinta akong tulungan siya, wala naman akong ibang gagawin."Ah, oo, sa katunayan niyan halos magkakabata na kaming tatlo nina Lennox at Lennon," sagot ko na ikinatango-tango niya lang."Then, what's your relationship with Lennon? Friends lang ba talaga kayo?" usisa niya na ikinatigil ko sa kasalukuyang paghihiwa ng garlic.Gagawa raw kasi ito ng garlic bread."Friends lang kami," tipid kong sagot na pawang kasinungalingan. Sino ka para pagsabihan ko ng sikreto."Talagang friends lang? Pero ang sabi sa akin ni Lennox, his brother is now courting you." Bigla namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.Ikaw na Lennox ka, kadaldal mo pala."Nagsisinungaling ang boyfriend mo."She chuckled. "Hay, si Lennox talaga mahilig mag-conclude na porke't magkasama tunay nang nagliligawan.""Eh, ikaw ba? Matagal na ba kayong magkakilala
"Well... then, congrats! My brother got into a serious relationship with a decent woman." Tumango-tango siya habang sinasabi iyon pero mukang hindi naman siya masaya."Thanks, your brother is a good man, he deserves my yes," kimi kong sinabi ngunit alam kong hindi naman ako masaya ro'n sa naging desisyon ko."He will take care of you, I know." He smiled but he seemed like he is in a deep thought.Kung sana lang ikaw iyon, Lennox."But I have a favor... can we keep this as a secret? I-I don't want to make it public, parents ko lang ang may alam at ang parents niyo wala pang idea kaya sana mapakiusapan kita h'wag ito ipamalita sa mga kakilala niyo. Can you do that for me?" May pakiusap sa boses ko. Nangunot ang noo niya at napakamot sa kilay. "You know what Cherry, I think that's not fair for my brother's part, you want to keep him like he's your secret lover? What's your real reason behind that?" nalilito niyang tanong.Natatandaan kong naipaliwanag ko naman na sa kanya ngunit natanon
"Cherry, sorry nawala ako ng ilang oras. Nagpasama sa akin si Daddy tapos nasiraan pa kami ng gulong." Kamot sa ulong saad ni Lennon nang makauwi sila ni Tito Enriz."Ayos lang, Lennon. I was entertained naman by Caroline kaya walang problema," saad ko naman sa kanya na ikinatango niya at dumako ang tingin niya sa kanila.Magkatabing nakaupo sina Lennox at Caroline sa mahabang sofa at bahagya pang kumaway si Caroline kay Lennon at tipid lamang siyang nginitian nito saka muling bumaling sa akin."Kumain ka na?"Tumango ako. "Oo, kasabay ko sila. Ang Mommy mo naman nasa taas ngayon may ginagawa. Kayo, kain na kayo ni Tito Enriz.""Kumain na rin kami habang ipinaayos ang gulong ng sasakyan kanina, I'm full, tara sa garden."Iginaya niya ako sa hardin nila at naupo sa madalas naming pwesto sa tuwing kami ay nagkukwentuhan."Kamusta naman habang wala ako?" tanong niya habang nakatanaw sa malayo. Parang kay lalim ng kanyang iniisip."Ayos naman... walang bago ganoon pa rin," sagot ko habang
"Lennon... b-buntis ako," takot at nauutal kong pag-amin. Bumakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla kasabay ng pagdidilim ng mukha."Nagbibiro ka lang, hindi ba?" tanong niya na tila kinukumbinsi ang sarili na hindi totoo ang sinabi ko."H-Hindi ako nagbibiro... I'm pregnant," sagot ko upang kumpirmahin sa kanya ng pangalawang beses.Tumawa siya sabay yumuko. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa saka siya nag-angat muli ng tingin sa akin.Napaatras ako kasabay ng paglunok dahil sa paraan ng mga tingin niya. Tila anumang oras ay handa siyang manakit."Paano kang mabubuntis kung ni dulo nga ng daliri mo ayaw mo ipahawak sa akin?!" Bakas ang panunuot ng galit sa boses niya kasabay ng panlilisik ng mga mata.Hindi ko na nakayanan pa at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko, nanginginig akong sinalubong ang mga tingin niya.H'wag kang umiyak, Cherry. Kasalanan mo."L-Lennon... I'm sorry..." tanging iyon na lang ang nasabi ko at napatalon ako sa gulat nang suntukin niya
"Cherry, is everything okay?" tanong sa akin ni Mommy nang mapansin niya ang pananahimik ko.Sa katunayan kinakabahan ako na may halong pananabik dahil matapos ng ilan taon makikita ko na ulit siya, si Lennox Villiariano. Ang binatang kinasasabikan kong makita."Ayos lang po, medyo naninibago lang ako ulit na makita ang kinalakihan kong lugar," sagot ko na may katotohanan din naman.Papunta kami ngayon sa mansion ng pamilya Villariano lulan kami ng aming sasakyan dahil inanyayahan nila kaming bumisita sa kanila.Kauuwi lang namin dito sa Pinas noong nakaraang linggo lang galing Switzerland. Doon ako nag-aral ng kolehiyo kaya ilan taon akong nanirahan doon, kami ng buo kong pamilya."Kung sa bagay, may limang taon din tayong hindi nakauwi, siguradong miss na miss mo na si Lennox, ano?" saad ni Mommy na may halong panunukso.Ramdam ko ang panginginit ng pisngi ko."M-Mommy! Hindi po!" tanggi ko.Tumawa siya ganoon din si Daddy na siyang nangmamaneho ng aming sasakyan."H'wag mo nang tuk
Napaisip tuloy ako kung sino ang babaeng tinutukoy ni Lennon na pareho nilang nagugustuhan ni Lennox?Ang swerte ng babaeng iyon... gusto siya ni Lennox, samantalang ako kahit anong gawin kong papansinin simula pa noon parang wala man lang epekto.Ang tagal ko na nililihim ang nararamdaman ko para sa kanya at ang tagal na panahon ko na rin itong kinikimkim ngunit wala akong lakas ng loob sabihin.Natatakot ako, natatakot akong hindi niya tanggapin ang pag-ibig ko para sa kanya.Alam kong hindi kami pareho ng nararamdaman, wala lang ako para sa kanya. Hindi niya magugustuhan ang kagaya kong sa tingin niya ay mas bata sa kanya.Sa paraan ng kung paano niya ako tingnan doon pa lang itinataboy niya na ako, alam ko na ayaw niya sa presensya ko simula pa man noon kahit magpasa-hanggang ngayon.Pero siya, gustong-gusto ko, gustong-gusto ko ang lahat ng mga tungkol sa kanya. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, nabubuhayan ako. Nagkakaroong kulay ang mundo ko. I love him but I'm not hop
"Please, Lennon. Wala akong panahon sa mga kalokohang ganiyan..." pagtanggi ko sa alok niya."Kung para sa 'yo kalokohan ito, pero sa akin hindi. I want to court you, seriously," saad niya na may giit sa boses.Matagal nanatili ang tingin ko sa kanya, hinahanapan ko siya ng anumang bakas ng pagbibiro ngunit wala akong makita. Is he really serious? Gusto niya ako ligawan?"You know I can't, Lennon. Your brother is all I want," saad ko upang patigilin siya sa kanyang iniisip gawin."Pero iyung gusto mo, ayaw naman sa 'yo. Kaya bakit ka mangangarap ng isang taong hindi kailan man mapapa-sa iyo?" Para bang ginigising niya ako sa kahibangan kong ito at nagsilbing sampal ng katotohanan para sa akin.Bakit ang hilig nitong ipamukha sa akin na wala talaga akong pag-asa sa kapatid niya?"Kung hahayaan kitang ligawan ako, ano nang mangyayari pagkatapos? Lolokohin ko lamang ang sarili ko kung papayag ako paligaw sa iyo," saad ko sa kanya upang ipaintindi na ayaw ko ng ideya niya.He wants me to