Share

CHAPTER THREE

"Please, Lennon. Wala akong panahon sa mga kalokohang ganiyan..." pagtanggi ko sa alok niya.

"Kung para sa 'yo kalokohan ito, pero sa akin hindi. I want to court you, seriously," saad niya na may giit sa boses.

Matagal nanatili ang tingin ko sa kanya, hinahanapan ko siya ng anumang bakas ng pagbibiro ngunit wala akong makita. Is he really serious? Gusto niya ako ligawan?

"You know I can't, Lennon. Your brother is all I want," saad ko upang patigilin siya sa kanyang iniisip gawin.

"Pero iyung gusto mo, ayaw naman sa 'yo. Kaya bakit ka mangangarap ng isang taong hindi kailan man mapapa-sa iyo?" Para bang ginigising niya ako sa kahibangan kong ito at nagsilbing sampal ng katotohanan para sa akin.

Bakit ang hilig nitong ipamukha sa akin na wala talaga akong pag-asa sa kapatid niya?

"Kung hahayaan kitang ligawan ako, ano nang mangyayari pagkatapos? Lolokohin ko lamang ang sarili ko kung papayag ako paligaw sa iyo," saad ko sa kanya upang ipaintindi na ayaw ko ng ideya niya.

He wants me to divert my feelings to him. Iyon ang gusto niyang mangyari sa tingin ko. At isa pa, hindi ba ay may gusto siyang babae? Sila ng Kuya niya?

"Just give it a try, Cherry. Walang masamang i-divert ng atensyon mo sa ibang tao bilang distraction. Hindi mo ma-e-enjoy ang buhay mo kung focus ka lang kay Kuya Lennox na wala namang interes sa iyo," pangungumbinsi niya sa akin.

Hindi na talaga nawala sa kanyang pamukaan ako na hindi talaga ako gusto ng Kuya niya.

"Hindi ba may babae kayong gusto niyo ni Lennox? Bakit hindi siya ang ligawan mo kung ganoon?"

"I changed my mind dahil ikaw naman talaga ang babaeng gusto ko noon pa man at ang tagal kong hinintay ang pagbabalik mo dito Cherry." Napansin ko kung gaano siya ngayon ka-seryoso.

Wait. Gusto niya ako matagal na? At naghintay siya sa pagbabalik ko rito sa Pilipinas? Tunay ba iyon?

Duda akong tiningnan siya. "Y-You are now confusing me, I don't believe you, Lennon."

"Anong kailangan kong gawin para maniwala ka?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.

Wala naman siyang kailangan gawin... sadyang hindi lang ako makapaniwala.

"I-I'm just confused and shocked dahil sa ganitong paraan mo sinasabi sa akin..." rason ko.

"Sa anong paraan ko ba dapat sabihing gusto kita? For me, this is the perfect timing, tayong dalawa lang ang naguusap ngayon at ito ang unang pagkakataong nakausap ulit kita after five years of being away from you..." It seems that he really meant his words.

I don't know what to say... baka kung si Lennox pa ay nahimatay na ako sa kilig.

Pinagmasdan ko siya, kasing kisig siya ng kanyang Kuya Lennox ngunit mas soft nga lang ang features niya kumpara sa kapatid niya at higit na mas mabait pa, ngunit hindi mababago nito na kaibigan at kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya at hindi na lalagpas pa roon.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Alam mo Lennon, I really appreciate your confessions and the words you chose but, I just can't allow myself being suitored by you gayong alam mong Kuya mo ang gusto ko at mas tamang sabihing mahal ko," saad ko dahil ayaw ko siya paaasahin.

Mabuti nang mas linawin ko iyon sa kanya.

His face remains stoic, hiding his reaction.

"Gusto ko lang ding subukan natin, Cherry. Just give it a try and give me a chance. Ang tagal kita hinintay kaya sana pagbigyan mo ako sa pagkakataong ito," saad niya na tila mayroong himig ng pakikiusap.

I'm not used to someone who's begging for my attention, he seems like he is really mad in love with me kahit pa sinabi niyang gusto niya lang naman ako. Ngunit higit sa pagkagusto niya sa akin ang nakikita ko sa kanya.

Napaisip tuloy ako, kung aamin ako kay Lennox malamang magiging ganito rin ako. I'm sure I am going to beg for his love and attention.

Kaya hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili kong aminin sa kanya ang tunay kong nadarama.

"Lennon... h'wag—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang agad niya akong pinutol sa pagsasalita.

"Let's just give it a try, Cherry. Kung hindi man mag-work out, titigil ako ng pag-aligid sa iyo," he said with hope.

Huminga ako ng malalim kasabay ng paghagod ng buhok ko. Kung pagbigyan ko kaya ito tutal ay wala naman siguro masama?

I have never been in a relationship, so... I think it's good for experience at isa pa kung palagi kong kasama si Lennon... mapapadalas din ang pagkikita namin ni Lennox...

Alam kong hindi maganda ang iniisip kong rason sa pagpayag ko sa gusto ni Lennon na maging boyfriend ko pero wala rin naman ako pag-asa kay Lennox kahit ano pang gawin ko, kaya bakit hindi ko nga naman subukan? At least palagi kong matatanaw ang lalaking mahal ko kahit sa malayo lang.

At isa pa, gusto lang naman ni Lennon na maging nobyo ko para subukan, sa tingin ko naman ay hindi na hihigit pa roon dahil alam niya kung sino nang nagmamay-ari sa puso ko.

"Kung iyan talaga ang gusto mo, sige. Pumapayag na ako. Wala naman siguro masamang subukan makipag-relasyon sa isang binata," pagpayag ko na sa gusto niya.

Bakas ang tuwa at biglang pag-aliwalas ng mukha niya. He looks really happy with my decision.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Cherry. I will do my best to make you happy," saad niya na puno ng kagalakan sa boses.

"May isang kundisyon nga lang ako," hirit ko.

"What is it? Say it," he asked and let me speak.

"Ayaw kong may makaalam... ayaw ko may makaalam na liligawan mo ako lalo na kapag naging tayo na," kundisyon ko na sa tingin ko ay hindi siya sasang-ayon.

He look at me in puzzled. "You want a secret relationship with me? Dahil ba ayaw mong malaman ni Kuya Lennox?"

Oo na agad ang sagot pero hindi lang iyon ang dahilan, ayaw ko rin malaman ng mga magulang ko dahil siguradong hindi rin naman magtatagal ang relasyon namin ni Lennon. Ayaw ko magkaroon ng ilangan sa pagitan ng mga pamilya namin.

"Hindi lang dahil doon, alam naman natin na walang kasiguraduhan ang patutunguhan ng magiging relasyon natin, ayaw ko lang din na dumating ang panahong magkaroong puwang ang mga pamilya natin dahil lang alam nila na minsan tayong nagkaroon ng relasyon," rason ko na sana ay maintindihan niya.

Nagiging advance lamang ako. Kapag naghiwalay kami sigurado magkakaroon ng ilangan sa bawat isa at ayaw ko mangyari iyon kaya ngayon pa lang mabuti nang ilihim mula sa kanila.

"Kung iyan ang gusto mo, irerespeto ko. Pero sana matutunan mo rin akong mahalin hindi man ako si Kuya, nasisiguro ko na mas kaya kitang pasayahin," mapanuyo niyang saad sa akin na may himig ng pagpapangako.

Lennon is a good man, I can see it.

Pero ngayon pa lang pakiramdam ko ay nakukunsensya na ako kahit alam naman naming pareho ang totoo. He is too kind for me which I don't deserve because I can't give anything in return...

"Let's try if we can work out together, at kung magkaroon man ng tiyansa ako mismo ang magsasabi sa kanilang may relasyon tayo," saad ko na mukang ngayon pa lang pagsisisihan ko na.

Sa sinabi ko parang mas binigyan ko pa siya ng pag-asa. Even though I have no experience in a relationship, alam ko kaakibat ng pag-ibig ang sakit at hindi malabong masaktan namin ang isa't isa sa huli.

"Ipinagpapasalamat ko na pumayag ka at mas lalo akong naging determinado dahil diyan sa sinabi mo... and I'll take that as a challenge, Cherry," saad niya na mukang mas nagbigay pag-asa nga sa kanya.

He is now my suitor, right? Not my boyfriend yet.

Natigil lang ang paguusap namin nang may biglang tumikhim mula sa aming likuran kaya sabay kaming napalingon ni Lennon.

It's Lennox, seryoso siyang nakatingin sa amin, at biglang naging blangko ang mga mata niya nang dumako ang tingin niya sa gawi ko.

His darkly gaze takes my breath away.

"Kuya Lennox!" Nakangising tawag ni Lennon sa kanyang Kuya at bakas ang saya sa tinig niya.

"Kanina pa kayo mag-uusap dito sa labas, wala ba kayong balak pumasok sa loob?" sita ni Lennox sa amin na may himig ng iritasyon sa kanyang boses.

He seems irritated, pero bakit? Baka napagod siya kaka-entertain sa mga magulang ko dahil siya lamang ang naiwan doon kasama nila at kami naman ni Lennon ay naririto lang sa labas.

"Papasok na rin kami, Kuya. May importante lang kaming pinag-usapan nitong si Cherry," saad ni Lennon sa kanya sabay kindat niya naman sa akin.

Ramdam ko ang biglang panginginit ng pisngi ko at ayaw ko ng ganoon lalo na at kaharap pa namin ang Kuya niya.

Nag-taas ng isang kilay si Lennox. "Ano namang pinag-usapan niyo at tumagal kayo rito ng halos dalawang oras?" kuryosong tanong niya sa amin.

"U-Uh... Uhm... Ano, kinamusta niya lang a-ang p-pananatili ko sa ibang b-bansa n-ng limang t-taon," nauutal kong sagot sa kanya.

Gusto ko na lang kaninin ng lupa dahil sa kahihiyan. Hindi ko magawang makapagsalita ng maayos sa harapan niya. He looks really intimidating and his strong appearance makes my legs into jelly.

"You look nervous, why?" puna sa akin ni Lennox nang mapansin niya ang pagiging aligaga ko sa pagsasalita.

He is now talking to me!

He is literally asking me like we are a normal people. I think my heart will get out of my rib cage just because of his simple words.

Ganito ka-grabe ang epekto niya sa akin.

"Because of you, Kuya. You should stop asking her, natatakot siya sa iyo muka ka raw kasing mangangagat," si Lennon ang sumagot na purong ka-pilyo-han lang ang isinagot sa Kuya niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, so my presence makes you nervous, huh?" saad niya sa baritono niyang boses sabay ngisi sa akin na halos ikalundag ng puso ko.

Ang ngiting iyon... it hits my weak spot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status