Share

CHAPTER ONE

"Cherry, is everything okay?" tanong sa akin ni Mommy nang mapansin niya ang pananahimik ko.

Sa katunayan kinakabahan ako na may halong pananabik dahil matapos ng ilan taon makikita ko na ulit siya, si Lennox Villiariano. Ang binatang kinasasabikan kong makita.

"Ayos lang po, medyo naninibago lang ako ulit na makita ang kinalakihan kong lugar," sagot ko na may katotohanan din naman.

Papunta kami ngayon sa mansion ng pamilya Villariano lulan kami ng aming sasakyan dahil inanyayahan nila kaming bumisita sa kanila.

Kauuwi lang namin dito sa Pinas noong nakaraang linggo lang galing Switzerland. Doon ako nag-aral ng kolehiyo kaya ilan taon akong nanirahan doon, kami ng buo kong pamilya.

"Kung sa bagay, may limang taon din tayong hindi nakauwi, siguradong miss na miss mo na si Lennox, ano?" saad ni Mommy na may halong panunukso.

Ramdam ko ang panginginit ng pisngi ko.

"M-Mommy! Hindi po!" tanggi ko.

Tumawa siya ganoon din si Daddy na siyang nangmamaneho ng aming sasakyan.

"H'wag mo nang tuksuhin ang anak mo, Lina. Baka mamaya hindi pa iyan pumasok sa loob ng mansion ng mga Villariano dahil sa hiyang makita si Lennox," sabat ni Daddy na mukang hindi naman niya sinasaway si Mommy sa halip ginagatungan pa nga.

"Mom, Dad. Please, stop teasing me. Do you know how old I am now? I'm freaking twenty! Hindi na ako bata na p'wede niyo asar-asarin, nakakahiyang marinig iyang mga panunukso niyo sa akin kay Lennox, bata pa po ako noon and that was just a puppy love," depensa ko sa sarili.

Sila lang ang nakakaalam ng lihim kong pagtingin kay Lennox na ilang taon ang tanda sa akin at sino bang niloko kong puppy love lamang iyon? Hanggang ngayon ay si Lennox pa rin ang nilalaman nitong puso ko, mas lumalim pa sa paglipas ng mga taon.

Hindi na sila nagsalita at tanging mga mata na lang nila ang nangungusap nang makahulugan silang magkatinginan.

Hindi ko na lamang sila pinansin at tumanaw na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

Ano na kayang itsura niya? Ganoon pa rin kaya? Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng tungkol sa kanya dahil sabik na sabik na akong makita siya.

Mabilis na lumipas ang oras, tumigil na kami sa isang malaking mansion ng mga Villariano at mas lalo lang tumindi ang nararamdaman kong pagpintig ng puso ko.

I am now going to see him again, after all these years. Sana wala pa siyang girlfriend.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng kanilang butler at mga maids. Ibinigay ni Daddy ang susi sa butler at ang mga maids naman ay iginaya kami papasok sa loob ng magarang mansion.

Dati na akong nakakapunta rito bago pa kami tumungo pa-ibang bansa noon dahil kaibigan ng pamilya Villariano ang aming pamilya kaya kahit na anong oras ay welcome kami rito sa kanilang tahanan.

"Lina! Augustus!" Tawag sa mga magulang ko ng pamilyar na boses ng babaeng alam ko na agad kung kanino.

She's Tita Solen, Lennox and Lennon's mother.

Naalala ko bigla si Lennon, kamusta na rin kaya ito? Sana ay naririto rin siya, gusto ko rin siyang makita. He is my dear friend, and really a close one.

"Solen!" Sabay na tawag ng mga magulang ko sa ginang na papalapit pa lamang sa amin upang salubungin kami.

Nagyakapan sila at nag-beso sa isa't isa, tahimik ko lang silang pinapanuod hanggang sa dumako ang tingin sa akin ni Tita Solen at nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ito na ba si Cherry??" Manghang tanong niya sa mga magulang ko kaya naghagikhikan ang mga ito.

"Oo, siya na iyan ang nag-iisang anak naming dalaga," proud na sagot ni Mommy sa ginang.

Napasinghap ako nang yakapin ako ni Tita Solen, her hug is warm and very welcoming. She also kissed my cheeks.

Nginitian ko siya nang humiwalay siya sa akin. Hawak niya ang magkabila kong braso habang pinagmamasdan at sinusuri niya ako mabuti.

"Ang ganda-ganda mo, hija! Hindi ko akalain may mas igaganda ka pa pala makalipas ang limang taon! You are glowing and absolutely beautiful young lady!" Puri niya sa akin kaya nakaramdaman ako bigla ng hiya.

Napahawak ako sa aking leeg sabay yumuko. Maraming nagsasabing magaganda tungkol sa akin tuwing nakikita ako ngunit hindi ako masanay-sanay, nahihiya pa rin ako.

Magsasalita na sana ako nang may malagong na boses ang namutawi papalapit sa amin.

"Oh! Nandito na pala ang ating mga bisita!" Boses iyon ng lalaking alam ko na rin agad kung kanino.

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at tama ako. He is Tito Enriz, Lennox and Lennon's father, Tita Solen's husband.

Nakangiti at nagagalak itong lumapit sa amin pababa siya ng hagdanan. Open arms niyang sinalubong ang mga magulang ko.

"Enriz!" si Mommy.

"Kumpadre!" si Daddy.

Malawak din ang ngiti sa kanilang mga mukha, nagyakapan sila at masayang mga nagbatian, dumako naman ang tingin ni Tito Enriz sa gawi ko at kagaya ng reaksyon ng asawa niya ay gulat din siyang makita ako.

Ganito pala ang pakiramdam ng matagal nawala at bumalik na galing sa ibang bansa, maninibago sila sa iyo dahil sa tagal ka nilang hindi nakita.

"Cherry? Ikaw na ba iyan, hija?" manghang tanong din niya sa akin kaya napatango na lang ako at ngumiti.

"Opo," tanging iyon lang ang naisagot ko dahil nahihiya pa rin ako.

Niyakap din niya ako, his hugs are warm and welcoming too kagaya ng pagtanggap sa amin ng kanyang may bahay.

"You've grown up beautifully!" puri niya rin sa akin at tumingin siya kay Tita Solen. "Solen, honey. Ito na ba iyung batang palaging napapasyal dito sa atin noon? Look at her, parang hindi!" tuwang-tuwa na dagdag ni Tito Enriz.

Napaisip tuloy ako, pangit ba ako noon at ganito na lang sila kung magulat nang makita ako ulit?

"Kanino pa ba magmamana? Sa ina siyempre!" Si Mommy na tila proud na may anak talaga siyang maganda na nagmana sa kanya.

Natawa ako, ganoon din sila.

"Maiba tayo, nasaan naman sina Lennox at Lennon? Iyung dalawang binata niyo nasaan na ba?" Hanap naman ni Daddy sa mga anak nila.

Akmang magsasalita na sana si Tita Solen nang may tawanan kaming narinig papalapit kaya napalingon kami sa may hagdanan kung saan ngayon ay pababa na ang dalawang makikisig na mga binata.

Halos mahigit ko ang paghinga ko nang magtama ang mga mata namin ni Lennox.

Ang kaninang masaya niyang mukha na may panaka-nakang pagtawa ay napalitan na ng pagiging seryoso. Habang si Lennon naman ay mas lumawak ang ngisi nang makita ako.

Unang binati ni Lennox ang mga magulang ko nang tuluyan na silang makalapit at si Lennon naman ako kaagad ang una niyang nilapatan at hinigit para bigyan ako ng mahigpit na yakap.

Nagkamustahan ang mga magulang ko at si Lennox, napansin kong ang laki ng pinagbago niya, he bacame more darkly handsome who's ruling everything around him. He looks now more intimidating compared to before.

I appreciate Lennon for being welcoming, pero si Lennox ay nanatiling malamig ang tingin sa akin ngunit nang lumapit siya sa akin nagawa niya naman akong yakapin hindi nga lang kasing init ng pagtanggap sa akin ng kapatid at mga magulang niya.

Kagaya pa rin pala siya ng dati noong umalis ako at ngayon nagbalik ako ay mas naging malamig pa ata siya kumpara noon.

"Such a beauty! You've grown up!" Nagagalak na saad sa akin ni Lennon at nagawa niya pa akong iikot na parang manika.

"Stop! Nahihilo ako!" saway ko sa kanya.

Everyone chuckled, except for Lennox.

"Let's continue our talks in the dinning, the lunch is ready," anyaya na sa amin ni Tita Solen.

Si Lennon ay hindi na ako nilubayan, kahit sa hapag ay naupo siya sa silyang katabi ko.

Sa lahat ata ng narito, si Lennon lang ata ang hindi nagbago, he still clingy and talkative like before which I adore about him. He's really a good friend of mine.

Si Lennox naman ay naupo sa mismong katapat ko, his eyes are piercing and intently and it's kinda dominating. Hindi ko matagalan ang mga mata niya nang saglit na napatitig sa akin at halos sabay lang kaming nag-iwas ng tingin nang kausapin siya ni Daddy.

"So Lennox, balita namin nagtayo ka raw ng sarili mong kumpanya under your name? Is that true?" tanong ni Daddy.

Tumango si Lennox bilang kumpirmasyon.

"Yes, Tito Augustus. Gusto kong bumukod ng sarili kong kumpanya gayong si Lennon na ang magmamana ng kumpanya ng pamilya," sagot niya.

Nanatili akong nakikinig sa kanila, basta talaga tungkol sa kanya ay interesado ako makinig.

"Wala pa naman kumpirmasyon na sa akin nga ipapamana ang company, Kuya," sabat naman ni Lennon.

"Hindi ko ugaling makipag-kumpetensya sa kapatid ko pagdating sa mana, negosyo, o sa kahit na ano pa mang mga bagay," katwiran ni Lennox.

"Kayo talagang dalawa, pareho kayong may karapatan sa company. Okay? P'wede niyong pamahalaan pareho, walang kaso roon," saad naman ni Tita Solen.

"Pero Kuya, sa negosyo lang ba? Paano kapag tungkol sa babaeng gusto ko ngunit gusto mo rin, magpapaubaya ka pa rin?" makahulugang tanong ni Lennon sa Kuya Lennox niya.

Hindi ko alam kung bakit napunta sa ganitong usapan ang kaninang tungkol lang naman sa negosyo. Nanaig ang katahimikan sa naging tanong ni Lennon.

"Depende," tipid na sagot ni Lennox habang naghihiwa ng rib steak sa kanyang plato at hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin niisa sa amin.

"Wala naman sigurong masama sa tanong ko kasi lahat kaya ipaubaya ni Kuya para sa akin kaya na-curious ako kung ganoon din ba siya pagdating sa babaeng pareho naming gusto," saad pa ni Lennon na tila may ibig ipabatid.

Nanatiling seryoso si Lennox at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Ngumisi naman si Lennon kasabay ng pagsulyap niya sa akin at nakita ko kung paano pinanlakihan ng mata ni Tito Enriz ang anak nang magtama ang tingin nila na tila ba binabalaan itong h'wag na ulit babanggit ng ganoon sa harap ng hapag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status