Share

Chapter 48

Tears

WALANG kagana-ganang kumilos si Dynee nang umagang iyon. Isipin pa lang ang breakup nila kagabi ni Oliver ay nalulungkot na siya. Gayunpaman, pinilit niyang patatagin ang sarili. Bumuntonghininga siya saka bumangon at humarap sa kaniyang tokador. She scanned her face. Yes, umiyak siya nang matagal kagabi. Lucky her, hindi masyadong mugto ang mga mata niya sa pag-iyak.

She was back to normal. Kumilos siya at pilit inalis sa kaniyang damdamin ang kirot at kalungkutan dahil sa breakup na nangyari. After she finished her breakfast ay tumayo na siya at lumabas ng bahay na wala pa ring gana.

As she expected, nandoon nga si Mang Edgar, ang company driver na laging sumusundo sa kaniya. Walang pagdadalawang-isip na pumasok siya sa sasakyan. Itutuloy pa rin niya ang paghahanda ng almusal nito, iyon ay dahil para ipakita rito na hindi siya apektado.

Kinakabahan siya habang patungo sila sa bahay ni Oliver. Kagabi lang ang pakikipaghiwalay niya dito, kaya sariwang-sariwa pa rin ang sakit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status