Habang kumakain kami may mga musikero na lumapit sa kinauupuan namin, sabay nagtipa ito ng gitara at ang isa naman ay violin ang gamit sa pagtugtog. Napasenyas tuloy ako sa asawa ko."Darling, bakit may pa ganto?" nahihiwagaang tanong ko."Ha! Ayan ba, pina request ko. Bakit ayaw mo ba?" tanong naman nito."Ah! Hindi naman, nagulat ako. Pero, sige lang maganda naman at hindi masakit sa tainga." ani ko habang sinusubo ang naudlot kung pagkain na nasa kutsara ko na. Ang lamig nang tugtugin dama ko ang bawat tunog na humihimay sa pagkatao ko. Talagang, pinapakilig ako ng asawa kung 'to. Kakaiba rin si tanda, walang ka-kupas kupas sa mga paandar na ganito. Hindi ko tuloy maiwasang pag masdan siya habang kumakain. Ang seryoso ng mukha niya palagi, mukha rin siyang suplado at ubod ng sungit, pero 'yun lang ang akala nila. Alex is a perfect husband and a father to his children. "Darling, bakit nakatingin ka na naman sa'akin?" biglang tanong nito ng mahuli niyang tinitingnan ko siya."Ah!
Maaga kaming umalis ng Isla, sapagkat baka magtampo ang kambal kong magtatagal kami dito. Hindi kasi kami nakapag paalam sa kanila ng maayos at biglaan lang ang pag punta namin dito. Ewan ko ba kasi sa asawa ko ang daming alam at kong ano-ano ang naiisip. Parang hindi ako buntis kong makapag aya ng biglaan. Alam naman niyang napaka mahiluhin ko at ang selan ko sa dinadala ko. Three Months pa lang 'to at marami pa akong pagdadaanan. After naming makabalik ng Mansyon. Inasikaso naman namin ang pag lipad patungong ibang bansa.. Ang pangako niya para sa mga bata medyo maliit pa naman ang tummy ko kaya pwede pa akong mag gala-gala. Hindi rin naman kami sasakay ng plane basta basta at gagamitin namin ang private plane ng kumpanya para iwas sa dami ng tao. Sa Japan ang vacation naming mag-anak Masayang masaya ang mga anak namin nang malaman ito at excited silang lahat makita ang tinatawag na happy place nang mga taong nakakapunta roon lalo na ang sikat na dinarayo sa bansang Japan ang Disne
Year 2009 "Itay, nasaan po ba tayo?" tanong ng disi-otso anyos na si Chynna sa ina akalang kaniyang ama. "Bulag ka ba???? o sadyang bobo ka lang!! Simula ngayon ay dito ka na titira at magta-trabaho, susundin mo ang lahat ng ipag uutos nila, maliwanag ba 'yon, Chynna???" tanong ng ama. Iginala ni Chynna ang kaniyang mga mata sa paligid. Nakikita niya ang mga babaeng kaedaran niya na nagsasayaw suot ang manipis at kakarampot na tela na tumatakip sa kanilang kaselanan. "Delfin, ito na ba ang babaeng sinasabi mo???" tanong ng matandang babae na kararating lamang ang tila pinagmamasdan siya mula ulo at hanggang paa. "Oo, madam, sariwang sariwa at batang bata 'yan." nakangising wika ng kaniyang ama. "Itay, uwi na po tayo. Ayoko po dito." pagmamaka awa niya at baka sakaling maawa ito sa kaniya.Slap!!!Isang nakakabinging sampal ang tinamo niya mula sa malupit na ama. Alam niyang masama ang ugali nito dati pa lumala lang ngayon ng mamatay ang kaniyang Ina."Tumigil ka, hindi kita anak.
ZUIKanina pa ring ng ring ang cellphone niya at dahil abala siya sa ginagawa ay hindi niya pinansin ito at alam rin naman niya kong sino ang natawag. Kahit 'di niya i-check alam niyang si Luis ang natawag. Kanina pa kasi siya kinukulit ng kaniyang kaibigan.Nang tumigil sa pag tawag ito natuwa siya at matatahimik na siya kaso nga lang nagulat siya ng biglang pumasok ang kaniyang secretary na walang paalam. Kaya kumunot bigla ang noo niya, sisinghalan niya sana ito ng may i-abot itong cellphone sa kaniya."Bakit mo sa akin inaabot 'yan?" pabalang na tanong ko."Sir, tumatawag po kasi si sir Luis." sagot nito."What???" 'di makapaniwalang sambit nito. "Okay! Sige, iwan mo muna ako." utos ko rito. Sa totoo lang mabait naman ako takot lang talaga ako na mapalapit sa kanila lalo na sa mga babaw at baka mafall na naman ako at masaktan."Ano ba Luis? Kanina mo pa ako pine peste. Ano bang trip mo?" tanong ko sa kaibigan ko na kanina pa ako pinipilit na makipag kita sa kaniya sa hotel. May h
CHYNNAHabang naglalakad ako sa dalampasigan tinawag ko ang pansin ng aking Ina."Mommy! Mommy!" tawag ko rito at wari hindi niya ako narinig. Sobrang nalungkot ako ng bigla siyang nawala nang parang bula. Nagpabaling baling ako ng ulo sa kama nang mapanaginipan ko ang Mommy ko. Haixt!!!Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto na panaginip lang pala ang lahat at akala ko ay totoo na. At dahil doon hindi na ako muling dinalaw pa ng antok kaya nakatulala lang ako sa kisame at nag iisip kong bakit nga ba nangyari sa akin ang lahat ng 'to. Bakit nagawa akong ipang bayad utang ng ama-amahan ko sa matandang may-ari ng bar. Hindi ko naman kasalanan kong nalulong siya sa sugal at maubos ang pera niya. Kong buhay nga lang ang Inay, alam kong hindi niya hahayaang mangyari ang nangyari sa akin. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kong hindi ako nakuha ni sir Luis sa mataas na halaga. At dahil nakikita kong gabi pa kaya sinubukan ko ulit na bumalik ng tulog at baka sakaling dumating na siya. Ka
Nang madischarge ako sa ospital totoo ang sinabi ni Ma'am Liliane na tutulungan niya ako na magkaroon ng trabaho at sa gabi naman nag-aaral ako. Kumuha ako ng Office Secretary course, dahil ayon lang ang alam kong kakayanin kong course. Kaya natuwa ako na nakapasa ako sa entrance exam at kasalukuyang nag-aaral na ako ngayon sa isang private University dito sa Manila. Masaya naman ang buhay ko hanggang sa isang araw may project presentation kami sa University nang biglang manlabo ang paningin ko at nahilo ako hanggang sa nagdilim ang paligid ko at wala na akong matandaan kahit isa.Nagising na lamang ako nasa ospital na ako at pinapalibutan ng mga staff ng school. Nandito ang Professor ko na nagmalasakit na dalhin ako dito sa ospital. "Prof. Ano pong nangyari?" tanong ko."Hindi pa namin alam Chynna, basta kanina nagulat na lang kami ng himatayin ka." ani nito."Ganon po ba, siguro dala ng pagod at puyat lang po ito prof." sagot ko.Nang nakarinig kami ng paglangitngit ng pinto at ta
TEN YEARS LATER ZUIGI Ang business expansion na dapat ay two years lamang ay na extend ng na extend at nagkaroon ng iba't-ibang branch sa New York. Nang marinig ko ang announcement ng crew."Ladies and gentleman, welcome to the Philippines. We are at Manila Airport. The local time is 5:00 p.m, and the temperature is 30°c." "I'd like to thank you for joining us on this trip, and we are looking forward to seeing you onboard again. Have a great day ahead." pagtatapos nito.Dahil surprise ang pag uwi ko ngayon, hindi na ako nag abalang tumawag kay Luis para sunduin niya ako. Alam ko namang busy siya sa pamamalakad ng company ko, kaya ito rin ang dahilan na kahit natagalan ako sa New York ay tiwala akong maayos ang estado ng company ko. Kaya naman pagkalapag pa lang ng eroplano ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko at excited na akong makita silang lahat. Matagal tagal rin akong nawala at heto nga naninibago ako ngayon sa pamamalakad nila, siguro nasanay lang ako sa New York kaya g
ZUIKINAUMAGAHANMaaga akong umalis ng bahay para mag asikaso ng mga kailangan sa office. Absent si Luis ngayon at ako na rin naman ang uupo ulit bilang C.E.O, tama na ang nagawa niya sa company ko at lubos kong ipinagpapa salamat na may kaibigan akong katulad niya. Kahit na naghiwalay kami ng lil-sister niya hindi nabawasan ang samahan namin bagkus mas tumibay pa kami. Imbes na kapatid niya ang kampihan nito, ngunit ako ang pinanigan niya. Alam niyang mali ang ginawa nito sa akin. Anyway tapos na 'yon, kinalimutan ko na ang lahat at ibinaon sa limot. I'm looking forward of my new life and career. I have no time to fall in-love again. Tanggap ko ng tatanda akong binata, maybe mag-a- adopt na lang ako ng mga bata sa shelter na sinusuportahan ko. Paalis na ako ng bahay ng makalimutan ko ang cellphone ko kaya bumalik ako sa kwarto nang makita ko 'to kaagad kong kinuha at sinuksok sa bulsa ko. Lumabas ako ng bahay at sumakay ng kotse at pina andar papalayo ng bahay. Solo lang naman akong