Share

3: Deny

So, iniisip niya na nagsisinungaling ako? Na hindi talaga nawala ang aking phone? Should I break my phone or not?

Kaso kailangan kong panindigan. Pero tinanggal ko na ang sim ko, e. May bago naman na akong phone kaya it's okay. Magkano lang naman 'to. Kaya kong bumili kahit ilang piraso pa nito. Pero mas masarap pa din kapag libre syempre.

Thanks to Kuya. Ipan-s-shopping ko na lang iyong ipambibili ko sana ng phone. Nandito pa ang mga luma kong phone pero nakatabi lang. Ayaw ko ng gamitin, dahil kapag nakita ng mga kaibigan ko baka pagtawanan pa nila ako. Baka ikahiya pa nila ako.

Pagkatapos kong pukpukin ang aking phone, nilagay ko ito sa bulsa ng isang coat ko, na naka-hang sa aking closet.

"K-Kuya!" I was shock to see Kuya here.

"W-What are you doing here?" nauutal kong tanong.

"I was just checking you. Baka napukpok mo na ang kamay mo. Nasaan ang gagawin mong DIY?"

"I change my mind na.. Hindi bagay sa room ko iyon. And it's cheap. And besides. I'm not a carpenter."

Inikutan niya ako ng mga mata at basta na lang lumabas. Nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti na lang at hindi niya ako nakita.

My gosh! Kapag nakita niya ang ginawa ko sa aking phone, I'm sure he's gonna scold me and he'll gonna tell mommy to freeze my account.

Sometimes he's so annoying pa man din. Nagkakampihan sila ni Mommy kapag wala si Daddy. Bukas pa uuwi si Daddy, nasa business trip siya. While he's not here, siguro I should go out tonight.

Kapag nandito kasi siya, pinapayagan naman niya akong mag-bar kaso may bodyguards, with s, at may curfew. Eleven o'clock. Hindi man lang ginaya kay Cinderella na twelve.

"You're not cinderella," ito ang sinasabi ni Mommy, every time na humihirit ako kay Daddy.

Kung si Mommy lang ang masusunod, bawal akong mag-bar. Good thing at hindi mahigpit sa akin si Daddy.

Nagpaalam ako kay Mommy bandang three pm, pero hindi niya ako pinayagan.

"May bisita tayo mamayang gabi, you need to be here."

Hindi na ako nakapagreklamo pa. Kaya para mawala ang pagkainis at pagka-bored ko, lumabas ako ng bahay.

Sakto namang nakita ko ang mommy ni Lance, papunta ito sa apartment ng kaniyang anak.

May bahay sila dito pero nasa dulo pa. Katabi n'on ang bahay ng grandparents ni pangit. Magkamag-anak sina Lance at ang nakakainis na lalakeng iyon. Naalala ko na naman siya! Nakakagigil talaga!

"Hi, Tita!" Kumaway ako sa magiging mother in law ko soon. Nagmamadali akong tumawid sa kalsada para malapitan siya.

"Oh, hello, Reigna."

"Dadalawin mo po si Lance?"

Tumawa siya, dahil Lance lang ang tawag ko sa anak niya.

"Yes. Ipalilinis ko ang apartment niya. Alam mo naman iyon, hindi marunong maglinis iyon."

"Tulungan ko na po kayo, Tita!" prisinta ko naman.

"Ikaw talaga. Tara na sa taas."

Anim na palapag ang apartment na 'to. Sa sixth floor kay pangit. Iyong fifth ay kay Kuya Ardent. Iyong fourth ay kay Lance at ang 3rd ay sa Kuya ko.

Nasa sixth ang kay pangit, pero dahil sa sobrang libog at hindi na nakayanan, kaya hindi na umabot. Kaya iyong room ni Lance ang ginamit. Ang kapal talaga niya! May guest room naman. Sana iyon na lang ang ginamit niya! Sobrang sama talaga ng loob ko, dahil ginamit niya iyong bedsheet na bigay ko kay Lance.

Nakarating na kami sa apartment. Nagpunta si Tita sa kusina at doon unang maglilinis.

"Ako na ang maglilinis ng kuwarto ni Lance, Tita."

"Ikaw talaga. Sige, ikaw ang bahala kung iyan ang gusto mo."

Halos umusok ang butas ng ilong ko, nang makita ko na magulo ang bedsheet at ang mga unan ay nalaglag na sa sahig.

Dinampot ko ang mga kalat. Pinalitan ang bedsheet. Mabango pa din, amoy pabango ko, pero nakakadiri na dahil natuluan na 'to ng kung ano-anong likido, mula sa dalawang m*****g na nilalang. Nakangiwi ako napapatili sa labis na pandidiri.

Nang matapos kong linisan ang room ay lumabas na ako. Nagkagulatan pa kami ni Bjorn. Nandito na naman siya!

"What are you doing here?" sabay naming tanong. Salubong ang kaniyang kilay, samantalang ako naman ay mataray na nakatingin sa kaniya.

"I'm staying here in the meantime," sabi naman niya.

"At bakit? Nasa taas iyong apartment mo, ah?"

Tinaasan niya ako ng kilay habang nakapamewang naman ako.

"Ikaw iyong nagpunta dito kanina, di ba?"

"Ano? Ba't mo iniiba ang usapan?" maangas kong tanong, pero kinakabahan ako.

Naupo siya sa couch at binuksan ang tv.

"Hoy! Ano nga ang ginagawa mo dito? Nasa taas lang ang apartment mo!"

"Ako na ang nakatira dito. Tapos ang usapan. Why would I explain to you?"

"Kasi iyong bedsheet! Iyong bedsheet na binaboy mo, e, akin iyon!" sigaw ko sa inis.

"Ba't nandito kung sa'yo iyon? Hindi ba dapat nasa kuwarto mo?" tanong naman niya kaya mas lalo pa akong nainis.

"Binigay ko iyon kay Lance! Para kay Lance iyon, tapos ang kapal ng mukha mong gamitin iyon at babuyin!"

"So, ikaw nga talaga iyong nagpunta kanina dito..." Sumeryoso ang kaniyang mukha. Tumayo siya kaya kumabog ang aking dibdib. Nagsimula na siyang humakbang palapit sa akin, kaya kinakabahan akong umatras.

"Hoy!" inis kong awat sa kaniya, pero nagpatuloy siya sa paghakbang, hanggang sa wala na akong maatrasan.

"Gaano katagal kang nanood, huh?" seryoso niyang tanong.

"A-Ano? Ano'ng p-pinagsasabi mo?" Napaiwas ako ng tingin. Unti-unti namang tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"Mukhang matagal kang nanood. That explains your text message."

Nanlaki ang aking mga mata.

"A-Ano'ng text message? Nawala nga iyong celphone ko."

"Talaga? Saan? Kailan? Bakit hindi pinalitan ng nakakuha ng phone mo ang number mo kung ganoon? At bakit ako b-l-in-ocked?" Nanlaki ulit ang mga mata ko.

"Aba, m-malay ko!" Syempre hinding-hindi ako aamin.

"Tsk tsk tsk..."

"I thought you're innocent." Ngumisi ulit siya bago ako tinalikuran. Napa-inhale exhale naman ako, bago ko siya matalim na tiningnan. Ininsulto ba niya ako?

"Hindi nga ako iyon!"

Mapang-uyam siyang tumawa. Dumiretso sa pintuan ng silid. Nang makita niya na maayos na ang silid ay sinulyapan niya ako.

"Thank you for cleaning my room. Clean it every two days."

Matalim ko siyang tiningnan. "At bakit ko naman iyon gagawin?!"

"Para hindi ko sabihin sa kuya mo na may boyfriend ka na at nakikipagkita ka sa hotel."

"What?! I don't have a boyfriend!"

"Who is Derek, then?"

"S-Sino'ng Derek? Imbento ka!"

Tumawa siya. "You're not good at lying. Practice pa."

"And by the way, hindi mo naman siguro tinuloy na sirain iyong phone mo, di ba?" Bago pa ako makasagot, nasara na niya ang pintuan ng silid.

Urgh! He's so annoying!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status