Kung kailan matutulog na ako, saka naman gumising si Prince. Dumede na naman siya at nag-poop pa kaya pinalitan ko siya habang nakasuot ng face mask. Tama si Kuya, training ko nga itong anak niya. Sumuka pa kaya pinalitan ko naman siya ng damit. Tinimplahan ko ulit siya dahil naghahanap na naman ng dede. Nang maubos niya ay nag-poop na naman. Namewang ako. "Buti na lang love ka ni Tita," sabi ko bago sinisimulang linisan siya. Pinalitan ko na din ang kaniyang pajama bago ko siya binalot ng blanket. Hindi pa din siya inaantok. Nakadilat siya at umuungol kaya kinarga ko siya. Kawawa naman ang baby namin. Baka nami-miss na niya ang Mommy niya. Baka umiiyak na din ang kaniyang Mommy ngayon. I sighed. Sana bumalik siya. Sana hanapin niya ang baby at bawiin. Ala-una na ng matulog ang baby kaya natulog na din ako. Puyat na puyat ako kaya hindi na ako nakapaghanda ng breakfast ng aking asawa. Maaga din kasing gumising si Prince. Dumedede na naman siya habang karga ko siya. Mamaya-maya p
Tulog sa maghapon at gising naman mula alas-sais o alas-siete ng gabi hanggang alas-sais ng umaga. Sinasabayan ko na lang si Dior ng tulog sa araw, pero minsan hindi ako nakakatulog ng maayos dahil may negosyo akong kailangang i-monitor. Nagdagdag kami ng maid pero hands on ako pagdating sa aking anak. Minsan kapag kaya ng oras ko, pinaghahanda ko ng almusal ang asawa ko, kahit sinasabi niyang huwag ko na siyang alalahanin pa dahil pagod at puyat ako. Syempre kailangan ko namang mag-effort para sa asawa ko, dahil hindi lang ako isang Mommy. I'm also a wife. And as a wife I have a responsibility or obligation to my husband. Funny how I mature as the days passed by. But I'm loving this new version of myself. I didn't know that I'm capable to be a wife, capable to be a good wife pala, dahil lahat naman tayo puwedeng maging asawa pero hindi lahat ay kayang maging maayos o mabuting asawa sa ating partner. Kasi dati, tinanggap ko na lang na ikakasal kami ni Bjorn but I promised him that I
"Ah! Shit! Faster!" Patulo na ang mga luha ni Loreigna, dahil sa narinig at nasaksihan ng kaniyang mga mata. Pero nang makilala niya ang likod ng lalakeng hubo't hubad at abalang bumabayo sa ibabaw ng isang babae, agad napalitan ng galit ang kaniyang nararamdaman. "Oh, Bjorn! Ang sarap!" ungol ng babae habang patuloy nitong binabayo ang babae sa kaniyang ilalim. Ang walang hiyang lalake! Napakahayop talaga! Baboy! Gustong-gustong sugurin ni Loreigna ang lalake. Sa dami ng kuwarto na pagdadalhan niya ng kaniyang babae, sa kuwarto pa talaga ni Lance! Sa kama ng lalakeng mahal niya. At sa bedsheet pa talaga na siya ang bumili. Sa mamahaling bedsheet na pinaliguan niya ng kaniyang paborito at mamahaling pabango. Gigil niyang binalibag ang pintuan, saka nagmamadaling umalis ng apartment ni Dr. lance Valdez. Ang kaibigan ng kaniyang Kuya at lalakeng minamahal niya. Ang walang hiyang Bjorn na iyon! Lagi na lang ume-epal! Nang nakaraan ang niluto niyang sinigang sa misu, para kay Lance
Nagpagulong-gulong ako sa kama, habang sumisigaw dahil sa inis. Ang tanga mo, Reigna! Bakit sa kaniya mo s-in-end? Shit! Kanina pa kasi siya naglalaro sa isipan ko, dahil sa nasaksihan ko. Hindi ako maka-move on sa nangyari. Sino ba naman ang makaka-move on sa bagay na iyon? Sa dami-dami ng message na puwedeng mamali siya ng sent, iyong mahalay na text pa talaga na iyon. Dali-dali kong bl-in-ocked si Bjorn, bago pa niya ako maisipan na reply-an. Tiyak na hindi niya palalampasin iyon. Aasarin niya ako o kaya ay lalaitin. Ang sama pa man din ng ugali ng lalakeng iyon. Think, Reigna, think. Ilang minuto akong nag-isip hanggang sa may bright idea na pumasok sa aking isipan. Alam ko na!Sasabihin ko na lang na nawala ang phone ko. Nahulog o kaya nanakaw. In-off ko ang aking phone bago ko kinuha ang simcard. Itatapon ko na sana ito nang maalala ko na naka-save dito ang mga importanteng contacts ko.Tapos iyong mga pictures at videos ko na narito ay kailangan ko din. Hindi ko pa napo-po
So, iniisip niya na nagsisinungaling ako? Na hindi talaga nawala ang aking phone? Should I break my phone or not? Kaso kailangan kong panindigan. Pero tinanggal ko na ang sim ko, e. May bago naman na akong phone kaya it's okay. Magkano lang naman 'to. Kaya kong bumili kahit ilang piraso pa nito. Pero mas masarap pa din kapag libre syempre. Thanks to Kuya. Ipan-s-shopping ko na lang iyong ipambibili ko sana ng phone. Nandito pa ang mga luma kong phone pero nakatabi lang. Ayaw ko ng gamitin, dahil kapag nakita ng mga kaibigan ko baka pagtawanan pa nila ako. Baka ikahiya pa nila ako. Pagkatapos kong pukpukin ang aking phone, nilagay ko ito sa bulsa ng isang coat ko, na naka-hang sa aking closet. "K-Kuya!" I was shock to see Kuya here. "W-What are you doing here?" nauutal kong tanong. "I was just checking you. Baka napukpok mo na ang kamay mo. Nasaan ang gagawin mong DIY?""I change my mind na.. Hindi bagay sa room ko iyon. And it's cheap. And besides. I'm not a carpenter."Inikutan
Hindi ako lumalabas ng room ko, kapag nagpupunta sa bahay ang mga kaibigan ni Kuya. Sinusumpa ko na hinding-hindi na magku-krus ng landas namin ng pangit na iyon. Nabalitaan ko na umalis ito ng bansa, kaya nakakakilos na ulit ako ng maayos. Madalas kong puntahan si Lance sa kaniyang apartment, which is on the sixth floor. Pinagluto ko siya ulit. "Nag-abala ka pa.""Not at all. I love cooking..." And I love you. Inayos ko ang suot kong long sleeve blouse, dahil sumilip ang talsik ng mantika. Pinagluto ko siya ulit ng sinigang sa misu na paborito niya at sinigurado ko na matitikman niya. "This is good..." aniya at pumangalawang subo pa. "Talaga? You like it?" natutuwa namang tanong ko sa kaniya. "Yes. Masarap!" Tumango-tango pa siya, kitang-kita sa mukha na nasarapan talaga siya sa luto ko. Kinikilig tuloy ako. Worth it ang mga talsik ng mantika. "Thank you." Pinaghirapan ko iyan. Mabuti naman at nagustuhan niya. Nang matapos siyang kumain, nagprisinta na din ako na maghugas ng
Nagkatinginan kami ni Bjorn. Nakakasuka talaga ang pagmumukha ng lalakeng 'to. Birthday ng kaniyang mommy kaya nagpunta kami dito. Hindi magarbo ang birthday party nito. Isang simpleng salo-salo lang na dinaluhan ng ilang mga kamag-anak at piling mga kaibigan. Si Lance ang hinahanap ko, pero pakalat-kalat 'tong si Bjorn. Lumapit ako sa may grazing table. Hindi ako kakain at plano ko lang na kumain ng ilang piraso ng slice fruits, kaso nagbago na ulit ang isip ko. Nakipag-unahan si Bjorn sa pagdampot sa natitirang tatlong piraso ng malalaking green na ubas. Masama ko siyang tiningnan, pero tila wala naman itong pakialam. "Happy birthday, Tita!" Agad gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko, nang marinig ko ang boses ni Lance. He's here. May dala siyang malaking kahon para sa Mommy ni Bjorn. Nakangiti ito. Nakakasilaw ang mga ngiti niya. Matapos makipag-usap saglit sa ginang, napatingin siya sa gawi namin ni Bjorn. Kinawayan ko siya at pinakita ko sa kaniya ang ala-beauty queen
Akala ko ma-re-relax ako dito sa bakasyon slash kasalan na pinuntahan namin, pero may sumunod na demonyo. Hindi ko alam na kaibigan pala niya ang groom. Nakangisi ang lalake, habang pinipilit siya ng bride na maging substitute doon sa groomsmen na hindi makadalo, dahil may emergency daw sa family. Sa dami-dami ng groomsmen na hindi makapupunta, iyong partner ko pa talaga. Nagpapilit pa nang una ang demonyo, pero kalaunan pumayag naman siya. Papansin talaga kahit kailan. Nang itabi siya sa akin ay para bang bigla itong nandiri. Hiyang-hiya naman ako sa kaniya. SOP lang ang ginagawa ko, kung maka-judge siya wagas. Ano pa kaya ang ginagawa niya, na kung sino-sino na lang ang babae na inuuwi niya at sa hindi pa niya kuwarto gumagawa ng milagro. Hindi kami naghawak ng kamay. Sabi ko practice pa lang naman 'to. Sinubukan namin, kaso sabay kaming napabitiw sa isa't isa. Hindi ko maintindihan pero para bang na-ground kami. Siguro to the highest level ang pandidiri namin sa isa't isa. Mat