Share

Chapter 14

Tanya

Tahimik akong napabagsak sa kama ng makapasok ako sa aking silid. Kahit antok na antok at pagod na pagod ako dahil sa mga pinapagawa niya sa akin kanina, pinilit ko na lamang ang sarili na bumangon ulit at maglinis ng katawan.

Makalipas ang ilang oras na pag aayos ng aking sarili ay napahiga ulit ako bago pinatay ang mga ilaw. Sa gitna ng pagtulog ko ay naalimpungatan ako sa malalakas na katok na nagmumula sa labas, kaya papikit-pikit akong naglakad upang tingnan kung sino ito. Nagtataka naman ako ng makita ang pagmumukha ng aking amo mula sa peephole, pigil ang inis na binuksa ko ang pintuan dahil baka masira na ito sa malakas na pagkakatok niya.

"Sir?" mahinang sabi ko para mapatigil ito sa pagkatok bago ko binuksan ng tuluyan ang pinto.

"Haley?" sabi nito at ngumiti kaya mas lalo akong nagtaka, nilapitan ko ito ng kunti dahilan para malanghap ko ang amoy nito.

"Are you drunk?" wala sa sariling tanong ko kahit na halata naman.

Sinubukan nitong tumayo ng maayos ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status