Share

Chapter 62

Nakatayo si Sunday sa may railings, yakap-yakap niya ang sarili. Matapos ang nangyaring pag-uusap nila kanina ni Matteo ay hindi na muli silang nag-imikan. Matapos nitong sabihin iyon ay iniwan na s'ya nito doong walang ibang magawa kundi ang isipin ng isipin ang sinabi nito. Pinamimili s'ya nito. Bakit kailangan nitong gawin 'yon? Bakit kailangan nitong pahirapan s'ya ng ganito?

Natigilan s'ya nang mapansing parang tumigil ang yate. At nang tumingin s'ya sa ibaba ay tama nga s'ya. Tumigil ito.

Maya-maya pa'y nakita niya si Mang June na palapit sa gawi niya.

"M-Manong June," bati niya sa matanda. "Bakit ho tayo tumigil?"

"Ah, utos po kasi ni Sir Matteo."

Nagtaka naman s'ya. Mukha namang nakuha nito ang pagtataka niya kaya muli itong nagsalita.

"Sa parte kasi na ito maganda para mag-scuba diving."

Napatingin naman s'ya sa gilid niya. Nakita niya ang islang pinuntahan nila noon.

"Nasa baba si Sir Matteo. Kung nais rin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status