Share

45-Be my girl

NAALIPUNGATAN si Aj nang may tumatapik sa pisngi niya. Ang ganda pa man din ng panaginip niya na katabi niya raw si Sandra at nakaunan siya rito habang nakayakap .

Kung sino man itong istorbo makakatikim talaga sa kanya.

Bahagya niyang iminulat ang mga mata. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Sandra. Muli niya tuloy ipinikit ang mga mata. Namamalikmata na yata siya.

"Hey, sleepy head wake up! Kailangan mo ng kumain at uminom ng gamot para gumaling ka. Huwag kang pabebe diyan." Alog nito sa kanyang balikat.

Napabalikwas tuloy siya ng bangon.

Pero napangiwi nang maramdaman ang sakit ng ulo.

"Ayan! Bakit kasi kailangan pabigla-bigla babangon? Hay naku!" rinig niyang sermon nito.

Bahagya niya muling iminulat ang mga mata. Nakita niya itong may kinuha sa mesa at ngayon ay pabalik na sa kanya.

Naka-uniform pa ito.

Hindi panaginip ang lahat. Naalala na niyang pinapunta niya ito.

"A penny for your thoughts?" taas kilay nitong tanong habang hawak-hawak ang tray na may umuusok na lugaw.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status