Share

CHAPTER THIRTY-SEVEN

MAAGA PA lang ay nagtratrabaho na si Calli. Nililinis niya ang mga frame dahil iyon ang binigay na trabaho sa kanya ng mayordoma. Nagpresinta siyang siya na ang maglalaba pero hindi ito pumayag. Hindi na siya nagpumilit pa dahil wala naman iyong kuwenta. Ito ang namamahala sa kanya at kailangan niyang sundin ito.

Nang mahawakan niya ang litrato nila ni Drake nung mga bata pa sila kasama ang iba pa nilang mga kaibigan ay nanikip ang dibdib niya.

Magkakaakbay silang lahat pero ang kamay ni Drake ay nasa beywang niya at sobrang lapit nila sa isa't-isa. Nakangiti siya sa litrato habang nakatitig naman sa kanya ang lalake. Kung titingnan, makikita mo na may pagtingin sa kanya si Drake na siyang alam naman niyang peke lang naman. Niloko kaya siya nito.

"Miss ko na ang dati," rinig niyang sabi ni Drake mula sa kanyang likuran.

Hindi niya ito nilingon at humigpit anf hawak sa frame. "Pinagsisihan ko naman ang nangyari noon."

Lahat ng may kinalaman sa binata ay gusto na niyang makalimutan,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status