"Sa ngayon ay pinaiimbestigahan ko pa kung ano ang tunay na pagkakakilanlan at kung anong pakay ng organisasyong iyon sa ating pamilya. Ito ang unang pagkakataon na merong makapangyarihang pamilya ang kumalaban sa pamilya Cruise." seryosong sambit ni Duncan na sinudan ng malalim na pagbuntong hininga. Kasalukuyan silang nasa conference meeting room ng palasyo. Malawak ang kabuuan ng kwartong iyon at aapat lang silang naroon. Mula sa kanilang kinauupuan ay kitang-kita ang ganda ng tanawin sa labas sa pamamagitan ng mga salaming bintana. Gayunpaman, hindi nila nai-enjoy ang tanawing iyon dahil lahat sila ay seryosong nakatingin lang kay Duncan. Lalo na si Luke. "Isa rin po ba iyon sa rason kung bakit niyo ako pinatawag ngayon? Upang pag-usapan ang bagay na 'yan?" tanong nito. Marahang tumango si Duncan. "By the time you went to ENDX Corp, sa tingin ko ay mayroon silang tauhan na nakamasid sa'yo. Hindi nila maisasagawa agad ang malinis nilang planong pagdukot sa'yo sa restaurant ni Da
Katulad ni Leon ay makikita rin ang matinding pagtataka sa mukha ni Duncan. "That's really odd. Nakakapagtaka lang kung paano nagawa ng babaeng iyon na atakihin ang kanyang mga kalaban kung napakadilim ng buong restaurant. May sa pusa siguro ang babaeng iyon." sambit nito na sinundan ng mahinang pagtawa.Nagkatinginan si Malcov at Leon. May punto ang birong iyon ni Javier. Paano nagawa ng babaeng iyon na makita ang mga kalaban niya?"Perhaps she's from a very wealthy family, and probably an ally dahil sa iniligtas ka niya." muling sambit ni Duncan habang nakangiting nakatingin kay Luke."Ano naman po ang dahilan niyo 'lo kung bakit nasabi niyong nagmula siya sa napakayamang pamilya?" takang usisa ni Luke. Pero totoo naman talagang isang mayaman si Natalia."That's because of the mask she's wearing. Hindi lang basta sa ayaw ng babaeng iyon na ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan kung bakit suot-suot niya ang maskarang iyon. Sa tingin ko ay marahil meron din itong night vision lenses upa
Kinusot muna ni Luke ang kanyang mata bago pagmasdan ang lalaki. Halos kasingtangkad niya lang ito at halos kasingkatawan. Sa unang tingin palang ay masasabi na ni Luke na nagmula ito sa mayamang pamilya dahil sa mga mamahalin nitong kasuotan. Aminado rin si Luke sa sarili na bagay rito ang istilo ng buhok nitong korean perm. Hindi nga lang tugma sa panlabas na katauhan nito ang nakikita ni Luke na pag-uugali nito. Bahagyang yumuko si Luke upang humingi ng paumanhin. Mas mainam na ang maging mapagkumbaba kaysa patulan niya ito. Isa pa ay inaantok pa talaga siya. Napatakip sa ilong ang lalaki. "Jeez! You reek of alcohol, dude!" Pagkasabi nito ay agad ding umalis ang lalaki. Sinundan pa ito ng tingin ni Luke pagkatapos ay napakunot ang kanyang noo. "Anong ginagawa n'on dito sa dormitoryo namin?" bulong na tanong ni Luke sa kanyang sarili nang mapagtantong galing iyon sa gusali ng kanilang dormitoryo. Hindi iyon ang tipong may bibisitahing kaibigan o ang tipong manunuluyan sa kanilang
Talaga nga namang nakuha pa nitong gayahin kung paano ang pagkakabigkas niya ng sinabi niyang iyon.Hindi agad siya nakasagot na seryosong pinagmasdan lang si Alona habang maya't-maya ang pagnguya."You're the one who's responsible for canceling Kina and Lance's wedding engagement, aren't you?" muling tanong nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.Napasimagot si Luke. Ano naman ngayon kung pinakansela niya ang kasal nina Kina? Kahit man na sabihin niya rito ang totoong rason ay mas paniniwalaan pa rin nito ang dahilan na may gusto siya kay Kina kaya niya iyon ginawa."Talaga? Kinansela ang kanilang kasal? Kailan pa? At bakit daw?" Pakunwaring nagulat si Luke sa ibinalita ni Alona. "Wala akong kinalaman doon. Wala sa ugali ko ang sumira ng relasyon ng iba." sambit pa nito pagkatapos ay muling sumubo.Mariing pinagmasdan lang ni Alona ang mukha ni Luke at inaalam kung nagsisinungaling lang ba ito. Pero dahil sa napakakaswal ng itsura ni Luke habang kumakain ay ipinagkibit balikat
Parehas na nagtungo si Luke at Alona sa kani-kanilang mga klase. Dahil sa Business Management ang kurso ni Luke sa La Berania ay natural na iyon din ang ipinagpatuloy niyang kurso rito sa La Fernandia. Pero sa totoo lang ay hindi naman iyon talaga kailangan pang aralin ni Luke.Samantalang sa Bachelor of Design na kwarto naman si Alona kung nasaan ngayon si Kina. Isa rin sa rason kung bakit hindi na pinursige pa ni Luke na manipulahin ni Javier ang kurso niya makasama lang si Kina sa iisang classroom ay dahil nga sa kurso nitong patungkol sa pasyon. Kung saan ay wala namang kahilig-hilig si Luke.Isa pa ay magkatabi lang naman ang gusali ng kanilang pinapasukan kaya kung may mangyari man ay mabilis lang siyang makakaresponde sa kanila.Pagkapasok ni Luke sa kanyang classroom ay sa kanya agad nabaling ang atensyon ng ibang estudyante."Is he the new guy Professor Alvarez talking about?" tanong ng isang babaeng estudyante."Baka nga. He's kinda hot, but look at his clothes. Cheap as fuc
"Simula sa araw na ito, kami na ang magiging boss mo. Anumang iuutos namin sa'yo ay susundin mo. Maliwanag ba?" sambit ni Andrie kay Luke.Marahan lang na tinugon niya iyon ng pagtango."Maswerte ka na dahil sa ikaw ang napili naming tagapagsilbi namin. Naglipana ang bullies sa paaralang ito. Kami ang magiging proteksyon mo sakaling subukan ka nilang apihin." sambit naman ni Isaac. Iminimuwestra nito ang malalaki niyang bisig upang intimidahin si Luke. "Kapalit n'on ay katulad ng sinabi ni Andrie. Susundin mo lahat ng ipapagawa namin sa'yo."Palihim lang na napailing-iling si Jonas dahil sa sinabi ni Isaac. Para sa kanya, mukha lang tupa si Isaac na nakikipag-usap sa lobong nagbalat-kayong kauri nito. Kung tutuusin ay kayang-kaya ni Luke protektahan ang sarili nito kahit magtulong-tulong pa lahat ng mga bullies sa paaralang ito.Ilang saglit na pinagmasdan ni Luke si Isaac. Hindi na masama ang kundisyon nito kahit na hindi niya masyado maunawaan kung bakit nila ginagawa ang bagay na i
"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag. "Bakit, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang ito sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot ito. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Hindi natapos si Tony sa kanyang sasabihin. Pagkatapos a
Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana.Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame.Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niyan