Share

Chapter 28

HABANG naglalakad pabalik doon ay nag-uumapaw pa rin ang kabog sa aking dibdib. Galit na galit daw si Jass? Hindi ko ma-imagine kung paanong galit na galit ito. Sisigawan niya ba ako? Sasaktan? Hindi naman niya siguro magagawa 'yon. Kilala siya sa islang iyon na mabait na tao, 'pag ginawa niya 'yon, sisirain niya lang ang sarili niyang imahe.

Dumoble ang nerbiyos at takot ko nang matanaw ko na nga ang asawa ko. Nakatayo ito sa tapat ng kubo kung saan niya ako iniwan kanina. Nakatingin sa dereksyon ko. Nakatiim ang bagang. Sa kanang kamay ay may hawak siyang bottled water. Iniwan ko iyon doon kanina. Uminom pa siya ng tubig at kahit lumalagok ay nanatiling nakapangko ang tingin sa akin.

"Jass..." Uunahan ko na bali siya ng paliwanag pero nakakatakot ang uri ng paninitig niya. Para na naman siyang tigre.

"Where have you been?" seryoso niyang tanong matapos niyang senyasan si Mang Delfin na iwanan na kami.

Lumunok muna ako at huminga ng malalim. "D-Diyan lang. K-Kasi may batang-"

"Sabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
lovingneriza
nice.....update po please (⁠θ⁠‿⁠θ⁠)
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status