Share

Chapter 31 : Part 1

HABANG nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi ng bahay ay tagaktakan na ang pawis ko. Paulit-ulit na rumerehistro sa isip ko ang mukha ni Jass. Ang nakatiim niyang tingin sa akin no'ng una at ang nakakalokong ngiting nanulas sa mga labi niya pagkuwan. Alam kong hindi talaga siya natuwa sa nasaksihan at alam ko ring hindi ako namamalikmata, alam kong siya 'yon at wala nang iba.

Gusto ko na lang maglaho. Parang ayoko nang umuwi sa bahay niya. Nakakatakot. Kung dumeretso na lang kaya ako ng uwi sa bahay namin? Sa Cavite. Sabihin ko na lang kay tatay na nag-away kami. Pero hindi. Pa'no kung puntahan niya ako ro'n? Pa'no kung ibuking niya kung ano'ng pinaggagawa ko? Lalo akong malilintikan nito.

'Lord, alam kong mali ang ginawa ko, sa mata Niyo at mata ng ibang tao. Dahil kasal kami, pero alam Niyo naman in the first place kung sino talaga ang mahal ko, 'di ba? At sapilitan lang ang pagpapakasal namin. Ayaw naman namin talaga sa isa't isa.'

Pa'no kung saktan niya ako? Kapag talaga pinagbuhat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status