Share

Chapter 54

JASS

KAPAPARADA ko lang ng sasakyan. Bumaba ako agad at halos liparin ang patungong main door papasok ng bahay. Hindi ko alam kung dahil sa sidhi ng damdamin o sa kagustuhan ko lang talaga siyang makita. Pero isa lang ang alam ko. Masama ang loob ko.

Kanina pa raw nakauwi ng bahay si Jennifer sabi ni Mina. Habang binabagtas ang daan patungong kuwarto, pilit ko pa ring pinakakalma ang sarili ko. Hangga't maaari, ayaw kong makapagbitaw ng mga salitang ikatatampo niya. I still consider her condition. May mali rin naman ako.

Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Jennifer na bino-blower pa sa harap ng tokador ang basang buhok. Nagkatinginan kami ngunit saglit lang dahil binawi niya agad nang pairap ang mga mata.

Isinabit ko sa stand na nasa gilid ng cabinet ang dala kong bag.

"Ano'ng oras ka nakauwi?" kasuwal at seryosong tanong ko. Ang totoo, hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Pero panatag ang loob ko na mukha naman siyang okay. I wanted to stay calm at para magawa iyon ay i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
rey
.........thank u po sa update...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status