Eliana P.O.V.
Isang buwan na mula nang lumayo ako kay andrei at hindi ko alam kung may babalikan pa ako.
Alam kong galit siya sa akin sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya nang walang dahilan.
Wag lang sana na iba ang makarating sa kaniyang balita.
"Lia,nasaan ka?" sigaw ni nanay rosa
Lumabas ako mula sa aking kwarto "Andito po ako nay" mahinhing sagot ko
"Diba ang sabi ko sa iyo ay wag na wag kang magkukulong sa kwarto mo?Baka bigla kang atakihin anak" kinupkop nila ako at tinuring na anak at wala raw itong anak sila ni tatay lemuel
"Nahiga lang ako nay" palusot ko
"Halika samahan mo ako sa palengke at mamimili ako ng pagkain natin" kinuha ko lamang ang mask ko at lumabas na.
Nang mamili kami ay napansin ko ang rami ng pamimili ni nanay.
"Nay bakit sobrang dami naman ng binili natin?May bisita ho ba?" takang tanong ko
Tumango lamang si inay at nauna ng maglakad.Nang makauwi kami sa bahay ay tumulong rin ako sa pagluto ng ulam.
Nang matapos kaming magluto ay pagod ang naramdaman ko.
"Nay matulog po muna ako" paalam ko dito saka pumasok nang kwarto.
Neil P.O.V.
Narito na kami sa palawan at tinatahak na lamang namin ang daan papunta sa bahay ng kumukop Kay eliana.
Nang makarating kami sa bahay nito ay kumatok kami.
Magandang bahay ang madedescribe mo rito.Ang alam ko ay may kaya ang kumupkop kay eli.May ari ito ng isang hacienda.Hindi man ganun kakilala pero may kaya.Sa kasamaang palad walang anak ito.
"Kayo ba ang mga kaibigan ni lia?" lia?
Ah eliana nga pala marahang tumango kami ni ria "Pasok kayo" pinapasok niya kami hanggang sa living area nila.
Simple pero may dating ang kanilang bahay.
"Ako nga pala si Rosa, pwede niyo akong tawagin na nanay rosa" nakangiting sambit nito
"Ako po pala si Ria Gonzales at siya nga po pala si Neil Velasquez nobyo ko po" pagpapakilala ni ria sa amin.
"Kilala ko na kayo iha,Palagi kayong kinukwento ng anak ko" natawa siya sa sinabi niya baka naman may sinabi si eliana na kalokohan namin! Nakoo! "Pasensya na kayo ha?At anak ang tawag ko kay lia,nasanay lang ako at wala naman kaming anak ng asawa ko" nakangiting dagdag nito.
"Okay lang po iyon, Kailangan po iyon ni ria at wala na ho siyang magulang na-aksidente ho ito anim na buwan ang nakakalipas" nakangiting kwento ko
"Si eliana po?" pansin kong wala siya rito nang libutin ko ang paningin ko
"Natutulog pa siya,Ihahatid ko kayo doon pero Ihahatid ko muna kayo sa magiging kwarto niyo" nagpasalamat kami at inihatid niya muna kami sa guestroom nila saka inihatid muli sa kwarto ni eliana "Maiwan ko muna kayo" nakangiting saad nito saka umalis.
Lumapit kami sa kama kung nasaan si eliana.
'Ang laki ng pinayat niya' ito ang unang napansin ko sa kaniya,hindi na siya ganun kalaman dahil ngayon sigurado akong kapag hinawakan siya at ramdam mo ang buto niya.
Napahawak bigla sa akin si ria ng makita niya ang kalagayan ng kaniyang best friend.
"Eli" nagsituluan ang kaniyang mga luha ng bangitin niya ang pangalan nito
"Sshh!Hayaan mo muna siyang magpahinga" at pinisil pa ang kaniyang kamay
"Babe,bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito kay eliana?Sobrang bait niyang tao.Marami siyang natutulungan" saad nito habang patuloy ang pag-agos ng luha niya.
Hinarap ko siya sa akin at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.
"Ayaw ni eliana na umiiyak tayo,kaya nga siya lumayo kay andrei para hindi mapahamak si andrei diba?" tumango lamang siya at inayos na ang sarili saka naupo sa gilid ng kama ni eli at marahang hinaplos ang buhok nito.
"Eliana,Namiss kita ng sobra" saad nito at hinalikan pa sa noo ang best friend lumapit ako sa kinaroroonan nila at naupo rin sa gilid nito.
Pinagmasdan namin ang pagtulog ni eliana,Nang magising siya ay nagulat siya nang makita kami.
"P-paano kayo nakapunta rito?" takang tanong nito
"Nalaman namin ang kalagayan mo kaya nagleave kami kaagad sa trabaho at pumunta dito" sagot ko
"Dapat hindi na kayo nag-abalang pumunta dito sayang sa pamasahe" nahihiyang sabi niya
"Ayaw mo ba kaming makita?" nagtatampong sabi ni ria
Umiling si eliana sa tinanong ni ria "Syempre gusto" saka yumakap sa aming dalawa "Miss na miss ko na kaya kayo" sabay tawa "Kamusta kayo?" nakangiting tanong niya
"Okay lang naman kami pero di namin maiwasan na mag-alala sa iyo" malungkot na sagot ni ria
"Babalik naman na ako halos isang buwan mahigit na lang naman eh!" saka hinawakan ang mga kamay namin "Wag kayong mag-alala sa akin kaya ko ito,Hindi ako susuko kailangan ko lang talaga ito gawin para sa buhay ng asawa ko" napabuntong hininga ako sa sinabi niya
Pero ang asawa mo may kalandian na babae at worst kinamumuhian ka niya.
"Fight fight lang" at itinaas pa ang kamay niya,pilit kaming tumawa ni ria sa ginawa nito
Bumaba na kami nang tawagin kami ng isang katulong upang kumain na,
Nang kumain kami ay masaya naman si eliana na nandito kami walang senyales na may PTSD siya. Mabuti kung ganoon.
Nang matapos kaming kumain ay inaya kami ni eliana sa garden.Umupo kami sa isang gazebo na nakatayo sa gitna nito.
"Maganda rito sa palawan,Fresh Air at maganda ang tanawin" masayang sambit niya
"Pero alam ko naman na Kaya lang ako napunta rito ay dahil kailangan kong layuan si andrei" at iniwas ang kaniyang paningin
"Eli,Ano ba talaga ang nangyari sa iyo last month?Tumawag ka lang kay neil at nagpaalam bigla sa kaniya.Hindi na rin kita nakita matapos non ay hindi ka nagparamdam tas biglang may tumawag sa amin na kailangan daw namin pumunta dito para saiyo kaya dali dali kaming nagpunta dito" puno ng kuryosidad si ria
"Nang magpaalam sa akin si andrei ay pinayagan ko siya pero kalahating oras ang nakalipas ay biglang may kumatok kaya binuksan ko ang pintuan namin pero sinalubong ako ng mga nakatakip na lalaki at tinakpan nila ang ilong ko nang panyo kaya nawalan ako ng malay saka isinara nila ang pintuan ng bahay namin" bumuntong hininga siya habang inaalala ang pangyayari "Nagising ako sa isang bodega,at sira sira na rin ang damit ko nalaman ko na lang na sinaktan nila ako at binuhasan ng malamig na tubig,Nang magising nga ako ay sinaktan uli nila ako" namuo ang kaniyang luha kaya hinawakan siya ni ria sa kamay habang ako ay hinahaplos ko ang likod niya "At sinabi nila kapag hindi daw ako lumayo ay mamatay si andrei,ang asawa ko" tumingala siya sa ceiling pero nakawala pa rin ang luha niya "A-akala ko mamatay na ako nung araw na iyon" at umiyak na nga siya ng tuluyan "Sinabunutan,Sinampal,Sinuntok at Hinampas ako ng kahoy nang mga lalaki kung saan saan buti na lang hindi ako napuruhan pero nagkaroon ako ng PTSD sa ginawa nila" yumuko siya at pinunasan ang luha niya "H-hindi ko alam kung paano labanan yung s-sakit ko gabi gabi i-inaatake ako nang sakit ko,p-puro panaginip na m-masama ang n-naaalala ko kahit i-iniiwasan ko nang m-maalala iyon" humawak siya sa dibdib niya kaya na-alarma ako.
"Eliana,anong nararamdaman mo?" tumayo ako at inalalayan siya sa likod
Taas baba ang kaniyang balikat at hinahabol ang paghinga
"Kuhain mo yung inhaler niya kay nanay rosa bilis" dali daling tumakbo si ria papasok ng bahay
"Eli,inhale exhale okay" nakabalik kaagad si ria at nilagay kaagad sa bibig ang inhaler niya
Nang mahimasmasan siya ay bigla siyang nawalan ng malay kaya nataranta kami.
Dinala namin siya sa sala at pinaypayan siya ni ria,pinatawag ko naman si nanay rosa sa mga katulong na natataranta din.
Oh God! Sobrang hirap ng pinagdadaanan ni eli. Please help her!
Andrei P.O.V.Napatigil ako sa pagbabasa ng mga papeles ng biglang tumunog ang cellphone ko.'Babe can we have dinner date later?''i hope we can,Missing you all the time'Napangiti ako nang mabasa ko ang text message ni misty.Misty Acosta.Well,I met her in the bar last two weeks ago,just to endure the pain that eliana did.Pumayag ako sa gusto niya,she wants to be my girlfriend sino ba ako na tatangi? right?Lumalapit na nga sa akin ang grasya tatangihan ko pa ba?How rude if its.I sighed before reply to her message.'We'll having dinner date later so be ready babe,i love you'Wala pang isang minuto ay nagreply kaagad ito.'So sweet of you babe,i love you' hindi ko na siya nireplyan at itinuon na lamang ang paningin sa mga papeles.Eliana.My Wife.
Eliana P.O.V."Ready na po ako nay tay" nakangiting usal ko sa kanilaNag-aalalang nakatingin ang mga mata nila sa akin "Nay tay wag po kayo magalala sa akin,kakayanin ko po ang laban na ito" saka yumakap sa kanila ng mahigpit"Balitaan mo kami anak,Magiingat ka" saad ni inayTumango na lamang ako at sumakay na ng sasakyan tungo sa maynila.Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na ako sa manila.Nagtaxi ako papunta sa bahay namin ni andrei.Todong kaba ang nararamdaman ko habang nagbabyahe."Iha okay ka lang ba?" napatingin ako kay manong driver na nakatingin sa akin sa rear mirror"O-opo manong" at nag-iwas ng tinginHindi na siya sumagot at nagpokus na lamang sa pagmamaneho.Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay namumuo na ang pawis ko sa sobrang kaba."
Andrei P.O.V.Nagising ako sa malakas na sigaw ni manang."Jusko po eliana anong nangyari sa iyo?" tumayo ako at bahagyang binuksan ang pintuan ng guestroom at sinilip silaPilit ginigising ni manang si eliana pero hindi pa rin ito gumigising."Lisa tawagin mo si Bryan" sigaw ni manang "Jusko po kang bata ka"Ilang sadlit lang ay dumating si neil at ria."Manang ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ni neil kay manang"H-hindi ko alam iho""Damn!" binuhat niya ito at dinala sa loob ng kwarto koNang makapasok sila nang tuluyan ay lumabas na ako ng guestroom at pumasok na ako nang kwarto,kumuha lamang ako ng damit sa closet ko at dumiretso na sa banyo."Ano ba ang ginawa kasi ni andrei kay eliana?" inis na sabi ni neil"Babe gising na si eliana" banggit ni ria"Eli?""Lumayo
Eliana P.O.V."Iha,ano ba ang nangyayari sa iyo?" tanong sa akin ni manangHindi ako umimik at nanatiling tulala."Iha,umiiyak ka" napahawak ako sa pisngi ko sa sinabi ni manang.'bakit hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako?'"Anak,magsabi ka ng problema sa akin" umiling lamang ako kaya napasinghap si manang.Halos dalawang linggo na akong hindi makatulog ng maayos dahil sa mensaheng galing sa matandang lalaking nagbanta sa buhay ng asawa ko.Dapat ko pa bang tawagin 'asawa' ang Hindi na ako tinuring na asawa?"Hindi ka sumunod sa usapan,nalalabi na lamang ang oras ng pinakamamahal mong asawa"Laman ng mensaheng pinadala sa akin.Andrei P.O.V."Manang may pagkain na ba?" sigaw ko pagpasok ko sa bahayMaaga akong nag-out sa trabaho at pupunta rito si misty.my lovable girlfriend.
Andrei P.O.V.Alas-otso nang gabi nang ihatid ko si misty sa condo niya at galit akong umuwi ng bahay."ELIANA" sigaw ko mula sa salaBumaba siya galing sa taas"How dare you!" at dinuro duro siya"How dare you,Bakit kailangan mong ipamukha kay misty na asawa kita?" hinawakan ko ang panga niya nang madiin "Nung panahon na nawala ka nang isang iglap,si MISTY ang nandyan para sa akin" at sinampal siya,napatabingi ang kaniyang mukha sa ginawa ko "You left me and she came tinulungan niya akong wag malugmok sa pagkawala ng walang kwenta kong asawa" sinampal ko siya uli sa kabilang pisngi "You don't fcking care kung sino ang dadalhin ko sa pamamahay ko" at pabalya siyang binitawan"Pamamahay ko rin ito,tandaan mo at kung pagpapaliwanagin mo ako sa ginawa kong pag-iwan sa iyo,Manigas ka." maangas niyang sabi"Ang angas mo ah" galit kong sabi at sinakal siya "Bakit?
Andrei P.O.V."Iho may sulat para sa iyo pero walang nakalagay kung kanino galing" saad ni manang at ibinigay ang isang brown envelope."Salamat manang" iniwan ako ni manang nang mag-isa ni manang sa opisina koBinuksan ko ang brown envelope at nakita ko ang isang puting papel?Andrei Buenaventura,Malapit na ang iyong pagtatapos.Namnamin mo ang buhay mo na kasama mo ang asawa mo!J.GJ.G? Sino naman ito?Jasper? baka ito ang lalaki ni eliana.Nilukot ko ang papel at galit na lumabas ng opisina."ELIANA" at padabog na binuksan ang kaniyang silid,nasa kama siya at pupungas pa dahil sa pagsigaw ko"B-bakit?"Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas kaya tumabingi ang kaniyang mukha "W-wala naman ako g-ginawa" mangiyak ngiyak niyang sabiSumampa ako sa kama at
Eliana P.O.V.Tatlong buwan...Tatlong buwan simula ng bumalik ako rito sa bahay namin ni andrei.Tatlong buwan na rin akong nakakaranas ng pananakit niya."Care to share your thoughts?" muntik akong mahulog sa swing na kinauupuan ko nang may sumulpot na lalaki "Are you okay?""Pisti ka naman!Bakit ka nangugulat" inis kong sabi"Sorry,Care to share your thoughts?" pag-uulit niya"W-wala ito" utal kong sagot at iniwas ang tingin"Iba kasi ang pinapakita ng mata mo" ha? "Kita ko kasi sa mata mo na may hinanakit ka" totoo naman eh! sobrang dami "By the way, I'm Kristoff" at inilahad ang kaniyang kamay"Eliana" at tinanggap ito"Now shared your thoughts" nakangiting utos niya "Wait" napakunot ang noo ko nang mapatingin siya sa kamay ko kaya "What the heck?You cut your wrist?" hindi makapaniwalang sabi niya
Andrei P.O.V."ELIANA" sinipa sipa ko ang kaniyang kwarto "Hindi ka reyna kaya wag kang babagal bagal ng kilos" bungad ko sa kaniya pagkabukas ng pinto "Maglinis ka ng buong bahay dadating sina mom at titira sila dito ng isang linggo" saka siya nilayasan§ Flashback §"Good morning son""It's too early mom,bakit ka napatawag?" bakas sa boses ko ang pagkairita"Papunta kami diyan ng dad mo,And I expecting eliana in your house" tsk!"And why would you expect eliana?""Hindi ko siya palalagpasin" napangiti ako sa sinagot ni mom.She really is my mom."Okay,I love you and take care" saka pinatay ang tawag§ End of Flashback §Wait and see eliana paparating na si mom.And you'll gonna experience a hell."Tapos na akong maglinis" walang kaemosyon emosyon na sabi"D