Share

Chapter 17

"Ma, kasama ko si Tita Janine!" sigaw ko ng makarating kami sa bahay. 

Sumabay na rin si Tita sa paghatid ni Hanz sa akin para raw makapag-usap na sila ni mama. "Layla! Nako bata ka. Hindi ako sanay na hindi ka nagpapaalam! Saan ka— Janine." nahinto siya paninirmon sa akin ng makita si Tita. 

Biglang namumuo na ang luha ng mama ko na nakatingin lang kay Tita. Ganoon din ang reaksyon ni Tita na nakatitig lang din sa kanya. "Nene ka talaga!" ani niya sabay niyakap si Tita Janine. 

"Sorry na, Princess." Princess pangalan ng mama ko. Tapos ayaw na ayaw ni mama marinig 'yan at gustong ang itawag sa kanya ay Cess nalang Prin.

Pinapasok ko muna si Hanz na kanina pa nangangawit sa dinalang pagkain dahil dito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status