Share

Chapter 32

Nagkatinginan kami dalawa pero una siyang umiwas. Binati siya ng mga tao dito tapos ang kambal ay lumapit sa kanya para magmano. Nang si Eros na ang nagmano ay umupo siya para pantayan ang bata at saka hinaplos ito. May sinabi siya dito pero natitiyak ko na sasabihin 'yon sa akin mamaya ng bata.

"Cleo, you came." Lumapit si Kael at nagbeso-beso sila dalawa. 

Nag-usap na sila kaya umiwas na ako ng tingin. Wala na akong nararamdaman na selos o pangamba dahil gusto ko lang ngayon ang explanation. Mga ilang minuto ay inimbitahan na kami ni Tita maupo para makakain na. 

Pinagitnaan pa talaga namin ni Kael ang kambal. Katabi niya si Eris tapos si Eros sa akin. Pagkatapos kumain ay nag-usap usap muna sila lahat tapos sentro ng pag-uusap nila ang kambal. Tinanong ng kung ano-ano at sinagot naman 'to nang magalang ng aming kambal. Kung may ipagmamalaki man ako 'yon ay ang napalaki ko ng maayos ang mga anak ko.

Chogiwa

R18

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status