Share

Chapter 2

"Ano? Naghalikan sila sa harapan mo?" galit na sabi ni Reese.

Tumango ako habang pinipigilan maiyak pero my heart is in pain.Nakita kong napabuntong hininga nalang si Reese. Bigla ay tumayo siya para kumuha ng wine glass at wine. Binigyan niya rin ako at pagkatapos ay ininom niya ng isang lagok ang kanyang inumin.

"Kailan ka ba susuko sa kanya?" monotone na tanong nito. "Kung pagsasamahin iyong kasalanan niya, nakarami na siya." 

Para akong binagsakan ngayon ng langit at lupa sa realidad na ang dami niya na palang ginawang nasasaktan ako pero tiniis ko 'yon at hindi ako umalis. Simula ng nakilala ko siya, pinipili ko siya lagi. "Sayo ko pa talaga natutunan ang dapat iisang chance binibigay sa mga tao dahil nang-aabuso pero heto ka ngayon."

Para akong sinasaksak sa sobrang grabi ng emosyong bumabalot sa akin dahil sa sinabi niya. Nawawala na 'yong dating Layla na gano'n ang panindigan sa buhay. 

"Isa pa sa dahilan ang two years na kayo mag-asawa pero hindi niya pa rin pinapagamit ang epilyedo niya sayo. " Mas lalo akong umiyak ng marinig 'yon. 

Naalala ko na biglaan kaming nagpakasal at isa itong civil wedding. Pagkatapos ay hindi na kami nakapag-apply sa marriage contract dahil nagmamadali siya non. Uncle niya iyong judge na nagkasal at hindi ko na alam kung anong mangyayari sa marriage contract namin. Masyado rin akong busy magdesinyo ng mga damit para maalala 'yon. Ngayon ko lang naalala nang ipaalala ng kaibigan ko. Ang galing talaga nito sa remembering.

"Drink that, let's get wasted tonight." She pours another wine to her glass and added my wine once again.

"I can't," I declined, my baby will not like it.

Tumaas ang isang kilay nito at tinignan ako ng pagtataka. We normally drink if we had problems to share with each other. Nakakatulong kasi itong magbuild ng realizations sa amin habang iniinom namin ito. Planning things while drunk and record it so we could get back on it when were sobber.

"Wow, bagong buhay. Bago ka girl?" pagbibirong sabi nito. Tumawa muna siya bago niya ininom ulit ang wine niya. 

Sasabihin ko na ba sa kanyang buntis ako? Gusto ko sanang si Kael ang unang makaalam pero magtataka ito kung bakit hindi ako iinom. Ayoko rin magtago ng sekreto sa best friend ko.

Natahimik muna kami bago ko napagdesisyonan magsalita na. "I'm pregnant Reese," bumuntong hininga ako pagkasabi ko sa kanya. Biglang muntikan na siyang mabilaukan sa ininom na wine. Lumaki ang mata habang iniintindi ang mga sinabi ko. "You what?"

Hindi na ako umimik ulit dahil nasasaktan lang masyado iyong puso ko habang inaalala na buntis nga pala ako sa magiging anak namin. Nang maabsorb niya na ang pag-amin ko ay saka lang siya parang natauhan.

"B-buntis ka? Oh shit," nauutal na pag-uulit niya sa sinabi ko. Tumango ako pero bigla itong tumayo tapos kinuha niya ang wine at wine glass. Nakita kong nagsimula na siyang maglinis sa lamesa, lababo at sa sahig. She even brought out her disinfectant spray. Lumaki ang mata ko at kinuha palayo sa kanya baka ay mag-spray siya, buntis ako!

"Why are you cleaning?" tanong ko dahil hindi siya ganito. Once a week nga lang or worse 1 month siya naglilinis kung hindi ako makagagala sa condo niya. "I don't want you both to get sick. I need to be extra careful and be clean starting today!"

"Ang OA mo." Tumawa ako sa naging reaksyon ng kaibigan ko. Para namang may virus sa bahay na papatay sa amin ng baby ko. Minsan talaga weird niya.

It's almost 1 am so I took a step to the balcony and saw the beautiful moon outside. I always love scenery like this. Hindi ako nagtatrabaho dahil sabi ni Kael kaya niya naman daw ako buhayin. Kaya nga pasekreto lang ako nagdedesinyo ng damit na akala niya ginawa ko lang libangan pero binibenta ko ito sa mga kompanyang kilala ko. 

Naalala ko ang 'yong mga panahon na naghihintay ako sa kanya umuwi. Minsan nga hindi na siya nakakauwi. Hindi ko rin alam kung asan siya kasi hindi niya naman ako ina-update. Sanay na ako, I also respect personal space. Baka gusto ng asawa ko 'yon o baka 'yon din ang dahilan kaya siya nagtaksil sa akin? Dapat ba hinigpitan ko ang asawa ko?

"Ano na plano mo?" tanong ni Reese habang may dala-dalang tinemplang gatas at iniabot sa akin iyon. Bumuntong hininga muna ako bago inabot ang baso. Sa ngayon ay ayoko muna umuwi.

"Baka hanapin niya rin ako Reese." Napasapo sa noo si Reese ng marinig iyon. "Hopia mani popcorn. Umaasa ka nanaman Layla." 

Hindi ko alam bakit 'yon ang sinabi ko. Umaasa pa rin akong bukas ay magbago na ang lahat. Inaya niya ako pumasok na sa loob dahil malamig na. Wala pa namang 24 hours kaya baka e-claim lang din niya ako bukas. Isa pa, alam niya naman condo ni Reese. Inaya na ako ni Reese matulog, hindi niya na nga ako tinabihan dahil baka raw masipa niya ang tiyan ko kawawa daw ang baby.

Kinaumagahan ay hindi na nga ako dinatnan ng menstruation ko. Last week of the month ako dinadalaw pero last day of the month na wala pa rin akong menstruation. Inaya ako ni Reese na kumain, pinaglutuan ako ng fried egg, bacon and fried chicken pero naghahanap ako marshmallow na puti. " Pagkatapos nating magpacheck-up sa doctor pupunta tayo sa mall doon na tayo bumili ng marshmallow."

Masaya akong kumain ng naiisip ang marshmallow na puti. Kini-crave ko siya lately eh. Napaginipan ko nga pagkatulog ko. Ang weird naman non.

She send an online appointment for Dr. Rabusa and drove my car to the nearest hospital. I was so sure that the mom of Kael is a friend of Dr. Rabusa so I was expecting that after this she will be happy to hear a news. May parte sa akin na umaasang masaya nila akong tatanggapin sa pamilya pag-nangyari iyon. 

Pagdating namin sa hospital ay nauna na akong bumaba dahil epapark niya lang daw sa parking lot. Binaba niya kasi ako sa front door ng hospital para hindi na raw ako mahirapan pa maglakad. Ang extra-careful niya nga, for the record nagiging OA na siya.

I went in to the hospital and search for a nurse station so we could get information where is the office of Dr. Rabusa. Mauuna na raw kasi ako sabi ni Reese at etext nalang daw siya kung asan ang office. Biglang sumulpot si Dr. Wu, mama ni Kael. Hindi niya ako nakita dahil busy itong magtingin ng records ng pasyente niya para sa rounds. 

The nurse greet Dr. Wu and she smiled a little. I didn't approach her for I respect her busy job. People needs her the most than me for now.

"Alam niyo ba ang chismis? Diba may kinakasama na ang anak ni Dr. Wu 'yong masayahing si Layla. Wala na raw 'yon sa bahay nila. Naglayas daw," rinig kong sabi ng isang nurse habang papalapit ako. "Hala, bakit naman?"

Lumapit pa ako lalo dahil narinig ko nga ang pangalan ko. Wala namang ibang Layla na involved kay Dr. Wu kung hindi ako lang. Ganon ba ang chismis na kumakalat? Paano niya ako naging kinakasama eh asawa niya ako.

"Hindi ko rin alam basta ang isa pang pasabog na balita. Ikakasal na raw sa ibang babae ang anak ni Dr. Wu sa kaibigan nitong maganda," dugtong nito habang may isinusulat sa record book nila.

Napaawang ang labi ko ng marinig 'yon. Chismis pa lang 'yon pero para na akong pinapatay ngayon. Humapdi ang mata ko dahil nagbabanta na itong umiyak. Ayoko na.

Dali-dali akong naglakad at may nakabunggo. "Oh san ka pupunta, magpapacheck up na tayo Layla." 

Umiling-iling ako at naiyak na. Ayoko na makarinig pa ng ibang chismis. It shattered me into pieces right now. Hindi umimik si Reese at inakay nalang ako papuntang sasakyan. 

I checked their I* account while we we're going to the mall. There's no new post here and new stories. Hanz has his own stories and it's his photo with Kael and Cleo drinking wine yesterday night. A photo of Cleo smiling and hugging Kael while Kael is serious. The next photo is a hand that has a couple ring on it. Kilalang-kilala ko ang kamay ni Kael kaya alam kong sa kaniya iyon. May caption itong "My besties are getting married soon."

Biglang kumirot ang puso ko ng mapagtantong sa taon na magkasama kami ay hindi niya ako minahal. Sa taon na nagpakatanga ako ay hindi niya ako pinahalagahan. Pinipigilan ko ang sarili maiyak para hindi ko madisturbo si Reese na nagmamaneho ngayon. Pinatay ko ang cellphone at pumikit na lamang para hindi na ako magdrama ngayon. 

Hindi nga niya ako hinanap eh, anong bago do'n?

"Kung maaari Reese, sa ibang lugar tayo magpacheck-up 'yong walang nakakakilala sa pamilyang Wu," ani ko habang kinokontrol ang sarili na hindi magdrama.

"Edi sa ibang bansa ka magpacheck-up. May sapat na pera ka ba diyan?" seryosong sagot nito habang nagmamaneho.

Baka ay pwede na 'yong naipon kong pera. May kunti pa namang natitira dahil nagastos ko na nga sa high tech pen ni Kael. Tumango ako at nagsimula ng mag-ayos ng sarili. Ayoko naman magmukha akong bagong break up. Kahit pa hindi mo kilala ang mga tao doon sa mall dapat ay presentable ka. Kailangan ko rin bisitahin ang mga desinyo kong damit sa Boutique ni Miss Rye.

Bumuntong hininga ako para maibsan na 'yong pagdadrama ko. Chismis pa lang 'yon nasasaktan na ako ng todo. Paano kung totoo nga 'yong mga chismis na 'yon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status