"May gusto ka kay Reese?" tumikhim ito at hindi sumagot sa tanong ko.
Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at pinanliitan ng mata. "Obvious ka ha." Instead na umiwas ay mas lalo siya lumapit kaya napalayo ako sa kanya ng biglaan kaya napunta ako sa direksyon ni Zash. "Yieee," panimula nanaman ng isang junior.Hinigit ako ni Hanz pabalik sa kanya at inakbayan ako. Bumalik ang junior sa pakikinig ng makitang maangas siyang tinanguan ni Hanz. "You're really observant Layla." I smirked and get back to sit properly. Totoo naman 'yon, napaka-observant kong tao at hanggang ngayon isang beses ko lang nakita si Kael! Nag-anunsyo ang speaker na mag-lunch na muna daw. Tumayo na si Hanz at inalok ako na kumain na. Tumayo na rin ako at hinintay ang linya para sa amin dahil sa gym na kami kakain. May mga tables and chairs naman na kami kanina. Dito nalang kami pwepwesto dah"Saya ka ha?" pilosopong sabi ni Cye ng makita niya akong ngumingiti habang may isinusulat sa notebook ko. Hindi ko na pala nasusundan ang sinusulat sa black board dahil ang sinulat ko na lang ay ang flames ng pangalan namin ni Kael. "Medyo lang," tapos ngitian ko siya bilang pagsuporta sa sagot kong tunog may nilalandi. Naisip ko tuloy ulit kung bakit ako masaya. Kahapon kasi pagkatapos ng orientation ay ng tumabi siya sa akin hindi niya na ako iniwan do'n. Hindi naman sa assuming ako pero parang gano'n na nga. Sino ba kasi hindi sasaya no'n eh crush mo tapos para kang nilalandi kahit hindi siya gano'n ka expressive na malandi. Get's niyo? "Layla, tawag ka ni Pres," nilingon ko ang kaklase ko ng tinawag niya ako. Nginuso niya si Zash na nasa labas ng room namin kaya tumayo ako para
"Okay ka lang ba?" tanong ko ng makitang nakayuko siya at parang may iniinda. Hindi ito sumagot pero bigla itong napaluhod. Dali-dali akong pumunta sa kanya at naririnig ko na ang bigat niyang paghinga. "Halika, kapit ka sa akin. Kailangan mo magpa-hospital. Baka may bali ka." Inakay ko siya agad para mapadali ang lakad namin pababa. Mabigat siya dahil may parte sa kanya na nasasaktan siya kaya pinili ko na lang na magdahan-dahan. Sinusulyapan ko siya para malaman kung may masakit ba o kaya niya pa ba. Medyo napapapikit siya bawat hakbang namin kaya tumigil muna ako sa paglalakad. "Magmadali tayo para maagapan agad. Tiisin mo lang 'yong sakit na nararamdaman mo. Okay ba 'yon?" tumango na ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Hindi ganitong eksena ang gusto kong makasama si Kael. Mas nasasaktan ako pagnasasaktan siya. "Tulong," tawag ko ng maabot namin ang huling hagdanan
Zash calling. Call ended. Cye Calling. Call ended. I packed my things and send myself in the near coffee shop library here in our street. Dahil nga malapit lang ang bahay ko sa school ay mas mabuting umalis na muna ako dito baka ay puntahan nila ako. Ayoko muna pumasok at sumama sa org. Magaling na si Kael at papunta na silang Wu Academy para sa school tour. Eh kaso nahihiya pa ako. "Ma, may pupuntahan lang ako," ani ko at umalis na sa bahay. I wore my cap ang jacket and still in pajamas. Mabango naman ako dahil pinangligo ko na ang perfume na bigay sa akin ng pinsan kong galing abroad. Mga ilang minuto lang ang nilakad k
"Respeto daw sa babae e paano naman kaming mga lalaking minamanyak niyo?" "Galit kayong minamanyak pero pag kayo nangmanyak dapat wala lang sa amin yon? Asan ang justice doon?" "Protect the girl e siya na nga mismo ang dumumi sa sarili niya." "Sinira mo reputasyon at dignidad ng mga babae. Nakakahiya ka!" "Guys those were just pictures of abs and ugat ng mga lalaki pero yeah that guy is kinda hot. I would also put fantasy on him if I will be that girl." The comments are getting horrible. May mga lalaki pa na binabastos ako sa comment box at ginagawang memes. Pinakita sa Live ni Cleo ang bulletin board na may mga pictures sa certain bodies ni Kael. Kahit hindi naman ako kumuha ng litrato no'n pero aminado ako na notebook ko 'yong nilagyan. Bakit ba kasi nasa kanila ang notebook ko? &
"Layla, may naghahanap sayo. Boyfriend mo raw," tawag sa akin ni mama. Kailan ako nagka-boyfriend? In a relationship? You mean si Kael? Dali-dali ako bumaba papuntang sala at si Kael nga ang nakita ko na may dala-dalang bulaklak."Good morning," seryosong sabi nito. "Hindi ko alam na may pogi kang boyfriend. Pero sa susunod nalang tayo mag-usap may trabaho pa kasi ako Hijo. Mauuna na ako sa inyo. Make sure na sa school ang punta ha!" Bilin ng mama ko habang nagmamadaling umalis ng bahay. Biglang umiwas ng tingin si Kael. Nilibot ang mata sa bahay namin. "I think yo-you need to ge-get dressed first?" sabi nito na nauutal pa.
"Wow, nagluluto. Bagong buhay ka na te?" pilosopong sabi ni Reese habang lumalapit sa akin. "Gaga, inorder ko lang to. Pinainit ko lang." Tumawa naman si Reese at kumuha ng isang turon. Bagong buhay kasi akala niya nagluluto na ako. Eh sa hindi ako marunong magluto. "Bakit pa ba kasi kinakailangan pagsilbihan si Kael? Paalala ko lang ha? Isang buwan lang kayo niyan tapos peke pa lahat. Bakit pa mag-eeffort? Tanga ka ba?" diretsahang insulto sa akin ni Reese. Minsan talaga wala siyang preno kung magpayo. "Hindi ka naman bobo para hindi alam iyong salitang sulitin ang pagkakataon diba?" Inihain ko na ang kaldereta at inilagay sa Tupperware. Kahit pa p
"Aga mo ha," nagulat ako ng biglang may nagsalita pagkapasok ko sa bahay. Naka-apron pa siya. "Anong niluluto mo?" usisa ko ng maamoy ang mabangong putahi sa kusina. "Jjajangmyeon tapos pares ang dumpling at Chicken joy na gusto mo." Bumalik siya sa pagluluto kaya nagbihis muna ako sa kwarto. Pagkabalik ko sa kusina ay nakahain na ang mga putahi sa lamesa. Umupo na ako at naghain na ng sariling pagkain sa bowl ko. "What makes you upset? You're not lively today?" napakurap-kurap ako sa tanong niya. "Talaga? Hindi ba ako naging lively habang kausap kita kanina?" "Sige pa, tanggi mo pa," ani niya habang kumakain ng jjajangmyeon.
Nabigla ako sa sinabi niya kaya pinilit kong lunukin ang kinakain ng mapagtantong ang dami ko palang sinubo. Napaubo ako dahil nabulunan ako. Dali-dali siya kumuha ng tubig at si Jay naman ay gatas. Nang mapakalma ay hinarap ko ulit si Kael. "Nanaginip ba ako?" Sabay kinurot siya sa pisngi. May pagkamestizo si Kael kaya namula siya agad. Tumawa siya sa ginawa ko tapos dinampian niya ng labi niya ang noo ko. "No, you're not dreaming." "Landi niyo. Bawal 'yan sa harap ng single." Sumimangot si Jay at saka tumayo. Nagligpit ng pinagkainan namin. Pagkatapos namin mag-usap ay pinagpaalam niya ako kay Jay at pupunta raw kami ng