Share

Chapter 5

"Ano bang ginagawa mo?" Natauhan lang ako ng may humawak sa kamay ko at hilahin ako pababa ng stage. 

The attractive guy is nowhere to be found. Iba na ang may hawak sa DSLR na ginamit niya pangkuha ng litrato sa akin kanina. Namalikmata lang ba ako na may gwapong nilalang sa paaralan na 'to?

Ilusyonada talaga, nakakatawa ka Layla. Kakabasa ko ata to ng fictional characters sa Good Novel kaya ito ako ngayon nagde-day dream bigla.

Natapos ang araw at hindi talaga naalis sa isip ko ang lalaki. "Hoy, anong iniisip mo?" 

Nandidito na pala kami sa bahay ni Jay, isa pang kaibigan namin ni Reese. Madalas kasi kaming magtambay dito para magcatch-up sa mga nangyayari sa buhay namin. "May pogi ba sa school ninyo?"

Kunot noo niya akong tinignan ng tanungin ko 'yon sa kanya. "Oo naman, marami." 

"I mean, nakita mo ba 'yong kumukuha ng litrato sa akin ng kunin ko ang award ko?" She shaked her head saying no.

Bumuntong hininga ako sa inisip dahil baka nga talaga ilusyon ko lang siya. Someone chatted Reese so she open the chat heads. She laughed while scrolling their pictures. It was sent by their SSG President in a group chat. My eyes widened when I saw my pictures. "Ako? Ako 'yan diba?" 

Reese also widened her eyes when she confirms that it's me. She zoomed in the pictures and it was really me. Nagtaka pareho ang mukha kung bakit andodoon ang pictures ko. "Diba, by school 'yong nagpipicture pag-nanalo kasamahan?" Tumango-tango naman si Reese.

I clicked the icon of their ssg president but there is no pictures in his social media account. "May picture ka ba ng SSG President ninyo Reese?" 

I have a hint that it's him who captured my picture and my heart. "Meron." She scrolled their group chat and she pick a picture. "It's him! Siya 'yong gwapo na sinasabi ko!" 

Napaawang ang labi niya ng mapagtantong ang ssg president nila ang crush ko. 

"Si Kael talaga? Hanap ka iba, cold hearted 'yon."

"Siya ang gusto ko e, kahit pa ano ugali niya. Tatanggapin ko," kinikilig na sabi ko.

I opened my social media account and add him as a friend. Hindi na ako mag-eexpect kung tatanggapin niya agad ang friend request kasi hindi pa naman niya ako kilala. Hinalungkat ko na muna 'yon pero tanging pangalan niya lang ang makukuha kong information sa kanya. 

Kael Win Wu.

Kinaumagahan ay gano'n parin ang ritwal. Gigising, kakain, lalakad papuntang skwelahan. Pero iba na ngayon kasi may crush na ako ulit. Nakaka-good mood pala may crush. Tumawa ako bigla ng maisip ang mga day dreams ko kasama si Kael. "Nabaliw kana?" 

Tumawa pa ako lalo sa sinabi ni Chief. "Wala chief. May iniisip lang." 

Kaklase ko Editor-in-chief namin sa School paper. Si Cassandra Yen or Cye. Nanalo din siya sa contest niya kahapon. Expected na 'yon sa kanya kasi magaling naman talaga siya. I always admire her for being top always. Kaibigan din namin siya ni Reese pero masyado siyang nakatutok sa mga responsibilidad niya kaya hinahayaan muna namin. Basta one call away lang kami lagi pagkinakailangan niya.

Binati lang kami nang buong magdamag sa klase ng iba't-ibang subject teachers. Pinapasalamatan naman kami ng mga kaklase namin dahil hindi na naiisip ng mga teachers na may mga quiz pa sila sa amin kasi nakikichismis sila o inaalam nila kung paano ako nanalo at si Cye.

Bago umuwi ay nag-announce muna ang SSG President namin na si Zaci Shandro "Zash" na naghahanap sila ng volunteers na maging parte ng peer counseling. May gaganapin daw na orientation bukas sa Wu Academy. "Zash! Ako! Ako! Ako!"

Pagkarinig ko agad sa Wu Academy ay para akong nabuhayan na mapagtantong hindi na ako mag-eeffort pa na sisilip sa school ng walang permisyo sa guards nila. Naisip ko na kasi maging ika-limang ninja turtle.

Kinabukasan ay masaya akong naglalakad papunta sa school namin kasi maaga akong nagising. "Wow! This is new." Bungad sa akin ni Cye.

Tumawa ako sa naging reaksyon ng kaibigan ko. "Oo na, ako na laging late." Tatlo palang kami nila Zash at Cye. 

Habang nag-hihintay lang sa mga kasamahan namin ay kinausap kulang si Zash dahil madalas tahimik lang naman si Cye. Nakikipag-usap lang naman 'yan sa akin pag binabara niya ako. Saya ka Chief?

Ang sabi sa akin ng iba ko pang kilala ay marami agad nahatak si Zash na magvolunteer. Iyong iba nga sumama lang dahil crush nila si Zash. Hindi naman talaga maitatanggi na gwapo siya kaso hindi ko siya trip kaya sa kanila nalang si Zash.

Ngumiti si Zash at ngumiti rin ako pabalik. Hindi kami ganon ka-close kasi sa ibang section siya pero same year level lang kami.

Dumating na sila lahat at nagulat ako ng makitang singkwenta kami lahat. Hinati agad kami ni Zash mga seniors para mag-handle ng mga juniors. Limang Van agad ginamit namin kahit na malapit lang naman ang Wu Academy. Pabida talaga minsan 'tong school namin pero ayoko din naman maglakad kaya okay na rin siguro ito.

Pagkarating namin sa Wu Academy ay nakaagaw agad kami ng pansin ng mag-ingay ang mga juniors na kasama ko. Hinayaan ko na sila dahil balita naman ni Reese sa akin ay wala silang klase kasi may peer counseling ngang magaganap.

"Welcome visitors, you may proceed to the gym and kindly see your own chair. We labeled it according to the participants name," ani ng kalandian ni Hanz sa contest namin nong nakaraan. Maganda talaga siya para siyang angel lalo na nong ngumiti siya sa amin. Napansin ko namang 'yong ibang juniors na lalaki ay nahumaling agad sa kanya. Kaya minabuti ko nalang na dalhin sila agad sa gym para walang suntukang magaganap pag-napansin ni Hanz na may lumalandi sa girlfriend niya.

Umupo agad sila sa mga kanya-kanyang upuan at nag-observe. Himala ay bigla silang natahimik. Tumahimik na rin ako para hindi na makaagaw pansin. Nakita ko naman si Reese na busy mag-asikaso ng kasamahan din dahil nga kasali din sila. School lang namin at school nila ang nag-merge sa orientation ng peer counseling. Tumango si Reese ng makita ako at ginuhit ko agad sa aking mukha ang tanong na wala pa ba si crush ko. Sumagot naman ito ng expression na wala pa raw. 

Bumuntong hininga ako dahil wala pa siya. Siguro ay busy pa dahil ang dami niyang ginagawa. Marami ring organization ang school nila at kinakailangan ng assitance ng SSG. Nilingon ko si Zash na tahimik lang din, gano'n din siya ka busy pero top 3 overall siya sa year level namin. "Yiee! Si Ate Layla may gusto kay kuya Zash." 

Nagulat ako ng biglang sabihin 'yon ng isa sa juniors. Sumunod naman 'yong iba sa pangangantyaw. "Magtigil nga kayo," ani ko dahil kasama namin si Cye. Matagal ng gusto ni Cye si Zash pero niisa sa kanila ay walang nag-first move dahil busy din sa pag-aaral. Ayoko ma misinterpret nila 'yon. Pero imbes na sitahin din ni Zash ay ngumiti lang ito. Kaya mas lalong nag-ingay ang mga juniors.

"Let's start the program," isang pamilyar na boses ang nagsabi gamit ang microphone.  Si Kael na seryosong nakatingin sa banda namin. Naramdaman ng mga bata ang pagka-awtoridad niya kaya ay umupo na sila ng maayos. 

Ipinasa na ni Kael ang microphone kay Hanz na nakangiti na ngayon. Palagi naman siyang nakangiti, anong bago do'n Layla? Pero iba ngayon, nakangiti ito diretcly staring at me. Weird niya ha.

Nagsimula na ang orientation, kasama dito ang pag-announce na, kami peer counselor ay pwede gumala sa school nila at gano'n din sila sa amin. Dahil hindi naman daw lahat ng tao ay expressive. Minsan 'yong iba kinikimkim lang nila problema nila. We need to observe them. Baka ay may taong kinakailangan na pala ng tulong pero natatakot lang na ma-jugde o nahihiya magsabi. Once a week ay dapat makagala kami at kung hindi naman busy ay pwede araw-araw. May allowance din para pagbutihin namin ay pagiging peer counselors. Reinforcement ika-nga.

May biglang sumiko sa akin dala-dala ang kanyang sariling bangko habang nagsasalita ang speaker. Tinignan ko siya ng masama dahil nga nagsusulat ako. "Shoot. I'm sorry lady," tumawa pa ito at kinuha ang ballpen at notebook ko.

"Nagsusulat ako Hanz, ano ba!" ani ko ng magsimula na siyang magdrawing sa notebook ko. Lumingon-lingon ako sa girlfriend niya at nakatitig lang ito sa amin. Lumingon din si Zash dahil sa ingay na ginawa namin ni Hanz. Hinanap ko naman si Kael pero wala ito rito.  "You don't need to write I will provide you hard copy later after the orientation."

Sinamaan ko pa siya ng tingin dahil may mga important matters ng nakalagay sa presentation. "Wala akong time sa laro mo Hanz. Akin na."

Bumuntong hininga siya ng mapagtantong ayoko nga. May tinawagan siya at nagsabing magdala ng hard copy. Dumating ang junior nilang lalaki na may dalang hard copy ng presentation ngayon at ibinigay sa akin. "See? I can give you all." 

Tinanggap ko ito at nagpasalamat sa junior nila. "What do you want?" Nagkibit-balikat lang ito, "Nothing much," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

Tumahimik na kami dalawa at nagkibit-balikat nalang din ako sa ginagawa niya. May hard copy na ako kaya nakisabay nalang ako sa pag-flip ng paper sa presentation ng speaker. "I just want to see someone's reaction," ani nito habang nakatitig sa kaibigan ko na si Reese. 

May gusto ba 'to sa kaibigan ko? 

REALITY

"Ah oo, crush ko si Hanz dati. Pero sobra niyang babaero kaya tinigilan ko na rin. At saka wag ka ngang assuming! Wala siyang gusto sa akin. Nakakatawa ka," depensa ni Reese sa sarili habang nagmamaneho. Nagkukwentuhan na kami habang bumabyahe papuntang Wu Academy. Kinwento ko na rin sa kanya ang naiisip ko ng mga panahon iyon. 

Mga limang oras din kami nagbyahe papuntang Wu Academy kaya mas minabuti kong kwentuhan nalang si Reese para hindi makatulog. "Naalala ko lang kung bakit kami nagkita ng panahong iyon," dagdag ko pa habang tinitignan ang mga sasakyan na kagaya namin ay may pupuntahan.

Sa mga araw na 'yon ay sobra akong humanga sa taong minahal ko. Na umabot pa sa pagpapakasal ko sa kanya at heto nga ako ngayon buntis sa mga anak niya. 

Pero nakakalungkot man isipin na tanging ala-ala nalang ang natitira at hindi na iyong taong 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status