Share

Chapter 4

"Buti nalang talaga at bladder discomfort lang ang naramdaman mo kanina!" nakahingang sabi ni Reese habang naiinom ng tubig. "At higit sa lahat ay may chance na Twins ang anak mo!" 

Bumalik siya sa akin at nagdala ng isang basong tubig para ipainom sa akin. Nakalabas na kami ng hospital at pinayuhan ako ng doctor na magpa-check up sa kanya lagi para mabantayan ang changes ng kambal at masigurong maayos lang sila paglabas. 

"What are your plans? Sa ngayon tayo palang tatlo ni Doc ang nakakaalam na buntis ka. Bakit mo sinabihan si Doc na wag sabihin sa mga Wu?" tanong niya habang nagmamaneho. 

"Hindi niya naman ako hinanap kaya wala siyang karapatan na malaman na may anak siya sa akin," sagot ko sa kanya habang kinakain ang marshmallow.

Hindi na rin namin kasama si Hanz dahil may biglaan siyang meeting kanina at sinigurado naman ni Reese na kaya niya ako bantayan. Kaya hindi rin alam ni Hanz na buntis ako. Ayokong malaman nila dahil baka maging dahilan lang ang mga bata para makabalik ako sa pamilyang Wu. Nasisigurado ko na sa oras na 'to ayoko na maging parte ng buhay nila.

Totoo nga talaga na nag-iiba ang mood ng mga buntis. Natahimik kami buong byahe at nang makarating sa bahay ni Reese ay may tumawag sa kanya. "Sure Tita, ako na po bahala." Hinarap niya ako at saka kumuha ng Marshmallow. "Kung ayaw mo na madatnan ka ng kung sino man dito sa bahay ko sumama ka sa akin. Asikasuhin ko lang ang papeles ni Sachi sa school para madala niya na sa Japan." Tumango ako at pinagpatuloy ang pagnguya sa marshmallows. 

"Nga pala sa Wu Academy siya nag-aaral. Sana hindi ka masaktan sa mga memories mo pagbumisita tayo." Nang marinig ang sinabi niya ay may naalala ako sa Wu Academy.

FLASHBACK 

"Ma! Mauuna na ako." Pagpapaalam ko sa kanya at tumakbo na papuntang school. 

Kung sino pa talaga malapit sa school, siya pa ang late. Tumawa ako ng maisip 'yon dahil nga late na ako. Lagi pa naman 'yang sermon sa akin ng mga teachers. Ngayon ay hindi naman ako didiretso sa school dahil pupunta kaming contest sa Journalism kaya hindi na ako nag-aalala pa sa sermon ng mga teachers namin. Sermon nalang ng coach at editor in chief namin.

 

Mga limang kanto pa nilakad ko para marating ang private school na ito. Dito kasi gaganapin ang journalism. My field is editorial and it's very hard. Well, wala namang madali na field sa journalist.

"Ouch," angal ng nabangga ko. Dahil nga nagmamadali ako papasok sa gate, may nakabangga pa akong magandang babae. "Sorry."

"Look on your way dumb shit." Yumuko nalang ako at nagsorry ng paulit-ulit kahit minumura niya na ako. "That's enough Cleo, you will be late now. "

Pagkasabi ng kasama niya no'n ay naglakad na ito papuntang ibang direksyon. Tumakbo na ako para hanapin ang gym dahil doon sila lahat nagtipon-tipon. Narinig ko na 'yong calling ng Master of the Ceremony na "the editorial writers has just arrived to their venue."

Patay. Maghahanap pa ako nito. Ang laki pa naman nitong school nila. Mahiyain pa naman ako minsan pero magtatanong nalang ako para madali akong makapunta sa room. May naglalampungan dito sa harapan ko not minding na nasa daan sila. Pwede siguro sila pagtanungan diba?

Huminga ako ng malalim bago nagtanong. "Excuse me, pwede magtanong kung saan ang sa editorial room? Nalate kasi ako e."

Lumingon ang lalaking nilaklakan ata ng glutathione. Ang puti niya grabi! He scan me first head to toe and he smirk. "I will lead you on your way so you can make it on time." He smiled and gestures me to follow him. Iniwan niya 'yong cute na babaeng parang sinampal ng malakas sa sobrang pula ng cheeks niya.

Nakailang liko pa kami bago narating ang room. Nakakahingal 'yon ha. Nagpasalamat na ako at umalis na siya. Good thing ay nagpapakilala pa lang ang speaker na magbibigay ng topic namin. Marami kaming contestants, Treynta ata kami lahat. Within the city kasi ang maglalaban-laban, kung baga Division level palang.

Umupo na ako kaharap ang representative ng school na nag-host. Tumingin ito saglit at tinaasan ako ng kilay. Lumingon lang siya ulit sa speaker ng magbigay ito ng topic.

We we're given 1 hour to composed our own editorial entries for the given political topic. Nahihirapan ako agad dahil kinakabahan ako. Minsan pa I can't find words that's fit into the sentence. Nakakaranas ng space out at writers block na tinatawag nila. Pero naitawid ko naman kahit na pinagpawisan na ako dahil may natatapos ng mga contestant.

Lumabas na ako para makahinga ng makita ang representative ng school na 'to. "Ang laki ng problema natin ha," pang-aasar na sabi ni Reese.

Inirapan ko siya at inakbayan. "Oo, gutom na gutom na ako." Tumawa kami pareho dahil pareho na kaming gutom.

Reese is my enemy when we're in elementary. The history continue when she became my best friend when we're on our highschool years even if we separated since she enrolled in private while I'm on public school. Now that we are on our senior high years we are still the old us, my old friend . Sabay na kaming pumunta sa cafeteria nila. Sosyal ng terminologies pag-private school talaga no? Canteen lang tawag namin sa amin e. 

Pagkapasok namin ay naghanap na agad ako ng mauupuan. Si Reese na ang nag-order dahil pati tindera ng cafeteria ay nag-eenglish. Hirap na hirap na ako kanina sa writing, ayoko na pigain pa 'yong natitirang sanity ko.

Lumingon-lingon ako sa mga taong nandidito ngayon sa cafeteria nila. Ni isa ay walang bahid ng mga public schools students na andidito sa contest. Ako lang talaga 'yong mapang-ahas na kumain ngayon dito. Baka nasa gym sila ngayon kumakain. Madalas kasi nag-babaon nalang para makatipid. Ako naman na si tangang late hindi napansin na naiwan ko pala 'yong baon ko sa bahay. 

I continue scanning while waiting for Reese. They wore and own expensive things like how they represent their schools. Gusto ko rin ng mga ganyan para sa sarili ko at sa mga anak ko. Kaya mag-aaral ako ng mabuti!

"Hey, editorial room. How was the contest?" napakurap-kurap ako ng may biglang nag-english sa harapan ko. Processing who he is and remembering if I know him. 

Nang mamukhaan ay ngumiti ako dahil siya 'yong glutathione guy na may kalandian sa daan na pinagtanungan ko. "It's quiet hard."

Umupo ito sa upuan sana ni Reese. Lumingon-lingon ako para alamin kung andidito ang girlfriend niyang kalampungan niya kanina. Pero ang nakita ko ay ang mga matataray na mukha ng mga babaeng nasa cafeteria. Nakatitig sa akin at nasisiguro kong sa oras na 'to ay pinapatay na nila ako sa isipan nila. "You're a playboy," panghuhusga ko.

Nakita kong nagtaka siya sa sinabi ko. "Ang dami mong girls." Nilibot ko ang mga mata ulit sa mga babaeng tinitignan ako ng masama. Tumawa naman bigla 'tong lalaking glutathione. "I'm Hanz and you're quite judgemental."

"Hanz, upuan ko 'yan." Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Reese dala-dala ang tray na may pagkain namin. Sumipol si Hanz bago tumayo ng makitang si Reese ang sumita sa kanya. "Reese! you really love breaking rules." 

"Whatever, shoo!" Tumawa si Hanz bago umalis. Nilapag na ni Reese ang mga pag-kain at dinamihan niya ang turon at ramen na maanghang. Hindi naman halatang gutom kami pero gutom talaga kami. Napaisip naman ako sa sinabi ni Hanz. "Anong rules ba binreak mo this time?"

"Not speaking English?" sagot nito at nagsimula ng kainin ang ramen niya. Napatango nalang ako sa sagot niya dahil nga required sila mag-english pag-student ka dito. Buti nalang hindi ko pinilit si mama na dito ako eenroll. Ayoko mag-english!

Hindi na inalis ng mga babaeng kanina pa ako tinitignan simula ng makausap ako ni Hanz. Natapos nalang kami kumain hanggang sa naglakad kami papuntang gym ay hindi na nila ako tinigilan. "Kalat na sa school na nilapitan ka ni Hanz at kinausap."

Napanganga ako sa sinabi ni Reese habang may tinitignan sa cellphone niya. Pinakita niya sa akin ang mga post na puro hate comments tungkol sa akin. May groups pala sa social media na kasali si Reese. "HANZ BABY GIRLS" ang nakalagay. "Teka bat ka naman kasali diyan?" Tumikhim si Reese at inoff ang cellphone niya.

"Inadd lang ako dito ng kaklase ko. Tapos nakalimutan ko magleave. Minsan nakikichismis nalang." Nagkibit-balikat nalang ako at naglakad na parang walang nakatitig ng masama sa akin.

Naghiwalay na kami ni Reese dahil sa magkaibang-school kami magkaibang grupo rin ang kasama namin. Nakatikim agad ako ng batok sa Editor-in-chief namin. "Sakit naman no'n, chief." Ngumuso ako habang hinihimas ang ulo ko. "Siguraduhin mo lang na kumain ka na, sasampalin talaga kita kung hindi pa!" 

Tumawa naman ang mga kasamahan namin sa nangyari. Hindi na bago sa amin 'to na ako lagi 'yong pinapagalitan. Feature Writing ang field ng Editor-in-chief namin. Lagi nga kaming naki-question kung bakit hindi ako ang chief dahil ako raw ang Editorial writer. Ang lagi naman naming sagot ay kung sino ang magaling sa lahat ng field ng journalism ay siya ang Chief. Eh sa Editorial lang ako magaling. 

"E a-announce na raw ang mga nanalo. Make yourself presentable," anunsyo ng coach namin. Nag-apply lang ako ng liptint para hindi magmukhang maputla sa pictures. Nag-make up naman ang mga kasamahan ko. Nilingon ko si Reese at ang grupo nito na nakahanda na kanina pa. Parang inexpect na nilang mananalo sila. Kungsabagay, competitive ng school nila. 

"Category, Editorial Writing. Who do you think will own the top 3 and who would represent our district for the regional contest!" masayang announce ng mga master of the ceremony. 

"3rd place."

"Cristine Mae Regiee, from Oasis High School!"

Naghiyawan ang mga kasamahan nito at tumungo na siya sa harapan. Parang kinakabahan ako sa mga nangyayari. Gusto ko matae ng wala sa oras. Tinaggap nito ang medal at certificate niya. 

"Down to 2nd place! Who do you think will own the 2nd place!" Naghiyawan na ang mga studyante na akala mo pageant 'to. " Maria Reese Clara Bualat from Wu Academy!"

Pumalakpak ako para sa kaibigan ko. Naghiyawan naman ang mga kasamahan nito dahil may ticket na siya para sa regional contest. Kung sino man ang makakakuha ng 1st place ay siguradong napakagaling non.

Nakita ko namang hindi na nag-eexpect ang mga kasamahan ko dahil marami talagang magaling sa category namin. Nag-cellphone nalang ako para ma-distract sa dissapointment. Kailangan ko pa malampasan ang level sa Candy Crush. Minsan gusto ko na rin sirain 'yong cellphone ko sa inis.

"Layla Kiy Reyes from Government HS,"napakurap-kurap ako ng marinig ang pangalan. Biglang tumahimik ang lahat at nilingon ko ang mga kasamahan ko na nakanganga na ngayon. "TANGA NANALO KA!" 

Biglang tumawa ang taga-ibang school ng hampasin ako ng Chief namin. Ang laki pa ng boses niya ng sabihin 'yon. Tinanong ko pa sila kung totoo dahil nga nagulat din sila, mga taga ibang school pa ang sumagot sa akin na tinawag nga ako. 

Tumayo na ako at pumunta na sa harapan. Kinuha ang medal, certificate at nakipagshake-hands sa mga judges ng category namin. "Eyes here please." 

Lumingon kami lahat sa nagsalita at ngumiti dahil kumukuha siya ng litrato. Nang alisin niya na ang camera sa pagkaharang sa mukha ay nakita ko na kung sino ang kumukuha ng litrato. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ang gwapong photographer.

Teka, ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status