Share

A love of Flashback
A love of Flashback
Author: Chogiwa

Chapter 1

"Kung hindi ka payag na maagaw ako ni Cleo sayo, pakasalan mo ko ngayon."

Hindi ko alam kung bakit nakakatawa ang sinabi niya pero seryoso niya lang akong tinignan. "Anong drugs ba tinira mo. Gag*!" galit na sabi ko kaya sinubukan ko buksan ang pintuan pero ni lock niya pala. "Ano ba! Kung hindi mo ko mahal pakawalan mo ko!"

Hinila niya ako at saka hinalikan pero umayaw ako. "Magsit-belt ka," galit na sabi nito ng hindi ko ginawa ay tinakot niya ako nang bigla siyang nag-drive ng mabilis. Kaya sinuot ko ang sit belt dahil natakot ako.

Napunta kami sa Law Firm, bumaba siya at saka pinagbuksan ako. "Bakit tayo andidito? Kakasuhan mo ba ako ha?" Pero hindi niya ako sinagot at hinila ulit ako papasok sa Firm.

"Nababaliw ka na ba ha? Aray masakit. Kael!" Binitawan niya lang ako ng makapasok kami sa loob ng elevator tapos bigla niya akong kinorner sa loob. "Let's get married. I won't take no as an answer."

3 years later.

Kaarawan ng asawa ko ngayon at gaganapin ito sa isa sa pinakasikat nilang hotel. Iisa lang sa napakarami nilang hotel ang gaganapan ng kaarawan niya. Isa siya sa mga kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at may mga expansion pa siya ng mga business niya sa ibang bansa lalo na sa China dahil isa siyang half-Chinese. 

Pagkarating ko sa mismong lugar ay bumaba na ako sa sasakyan ko at pumasok na sa hotel venue. Pagkapasok ko ay puro elegante at bigateng mga tao ang nandidito. Seryoso lang nila akong tinignan at sinuklian ko naman iyon ng ngiti. Ang iba pa nga ay nagbubulungan pag nasusulyapan ako. 

"Good evening doc," binati ko agad si Tita Miya ng makita ko siya na kasama ang mga kaibigan niya. Mama siya ng asawa kong si Kael. Sinulyapan niya lang ako at tumango. Doctor siya at business man naman ang papa ni Kael.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Kael at ang kaibigang si Cleo. Para silang mag-asawang naglalampungan habang papasok. Si Cleo ay ang crush niya dati o baka nga hanggang ngayon. Sumikip ang puso ko ng maisip 'yon. Bestfriend niya rin ito bago niya ako nakilala. Nakasuot si Cleo ng red dress na silk at nagkokompliment ito sa balat na maputi. Hindi naman maitatanggi na maganda nga si Cleo. 

Lumapit sila at binati ang mga kasamahan ni Tita. Doon lang lumiwanag ang mukha ng mga ito lalo na si Tita. 

Napaghahalataan naman kayong ayaw niyo sa akin. 

"Good evening po," bati nito sa lahat. "What a beautiful lady, you should marry Kael instead. You look good together."

Ang indirect na insulto ng kaibigan ni Tita Miya. Nilingon ako ni Cleo at wala namang emosyong tinignan ni Kael ang kaibigan ng mama niya. "But Kael is married now Tita," sagot naman ni Cleo.

Kunyare nagulat ang kaibigan ni Tita Miya at tumawa ng pilit bago niya ako nilingon. "It was just a gossip. I can't even see wedding ring in her finger." She added. 

Naitago ko agad ang kamay sa hiya. Itinago ko kasi sa kabinet ang singsing dahil maluwag ito sa akin. Biglaan lang kasi ang kasal namin ni Kael at hindi ko alam kung bakit hindi siya kasya sa akin.  

"We should give gifts now, ako na mauuna Layla?" pagpuputol sa awkwardness na sabi ni Cleo at humingi ng permisyo sa akin.

Tumango ako at ngumiti ito habang binibigay ang gift niya kay Kael. "Open it. I know you will be happy about it," aniya at masayang naghihintay sa pagbubukas ni Kael sa regalo niya.

Binuksan nga ni Kael ang regalo na ibinigay ni Cleo. Kagaya ko ay naghihintay naman ang mga taong nakapaligid sa amin. Nang matagumpayang nabuksan ni Kael ang regalo ay lumiwanag ang mukha nito. Makikita mong nakangiti siya sa regalong natanggap.

Ang swerte naman this girl nabili niya ang ngiti ni Kael. Kung ako 'yan ay baka sumimangot pa.

"I always wanted this!" masayang tugon nito kay Cleo at niyakap siya. "Thank you!"

Nilabas nito ang high tech pen na kapareho ng binili ko. Napaawang ang mga labi ko ng makita iyon. Dismayang iniisip ang mangyayari na pag-ibinigay ko ang regalo ko baka isipin nilang nakikigaya ako. Ganito pa naman ang mindset ng lahat dahil malaki ang ineexpect nila sa akin. 

Bakit pa kasi magkapareho ng regalo? Kaya nga ito ibibigay ko kasi gusto niya. Akala ko kasi ako lang sinabihan niya. Feeling important dahil asawa pero hindi pala. Nakakadismaya.

Nakita kong masaya si Kael sa natanggap. May value pa kaya pagkapareho ang natanggap niya o iisipin niya rin kayang nakikigaya ako?

Dapat pala underwear nalang niregalo ko sayo!

"It's your turn to give your gift Layla," Cleo said. 

Nakita ko na naghihintay sila na may iabot ako kay Kael habang ang asawa ko naman ay nakangiti lang na kinalikot ang high tech pen niya. 

"I... am... I will just pray for his safety and wish for his good life always," I told them with hesitation.

Napairap sila lahat at biglang bumalik sa pagiging seryoso si Kael. Nag-excuse muna sila lahat at naiwan kami ni Kael doon. Masaya niya ulit itong kinalikot ang high tech pen na akala mo hindi niya afford. Ganyan ka rin kaya kasaya pag nalaman mo na pareho kami ng gift ni Cleo?

"I have my gift but I will just give it to you when we got home." Nilingon niya ako ng nakakunot ang noo. Binawi niya rin ito ng makita akong seryosong nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang mukha at hindi ko na matansya ang templa niya ngayon. 

Kita mo 'tong taong to! Pag si Cleo todo ngiti, pag sa akin ang seryoso na ng mukha! Bakit ba ako tanga sayo?

"Walang uuwi, may after party pa diba?" biglaang sabi ng kaibigan niyang si Hanz. "By the way you look pretty in that peach dress Layla." He winked at me and smiled.

After party?

Hanz draws an "o" reaction when he saw my confused expression. "So you didn't know? We will held an after party dahil nagbalik na si Cleo, right?" Siniko niya si Kael at tumango naman ito.

Galing si Cleo sa China para sa expansion ng company nila. Umalis siya ng ikasal kami, kaya siguro ganoon nalang ang catch up nila magkakaibigan. "Am I invited?" I asked in hesitation.

For sure ayaw ni Cleo andodoon ako. Mga ka-uri lang naman nila iniimbentahan.

"Of course! It is also the after party of the birthday celebration of your husband. You should be there." Nilingon ko si Kael at tumango lang ito. 

Natapos ang birthday party at patungo na sila sa rooftop nitong hotel. Nakahanda na sila sa after party dahil napaalam sa kanila ito ng maayos. Nagpaalam muna ako na uuwi para makapagpalit dahil hindi nga ako nakadala ng susuotin para sa after party. Ang weird naman kasi may pool tapos naka-long dress ako. Para kang pusa na niligaw lang doon.

Kaya pala, pansin ko na halos ay hindi ganoon ka formal na dress ang isinuot. Double purpose ang kanilang mga isinuot para sa pool doon sa after party. 

I drove back to our house and I plan to quickly changed my outfit. From peach dress to croptop and miniskirt. Inilapag ko ang cute na box na pinaglagyan sa hightech pen doon sa side table. Ang mahal mo pa naman, nasayang ba 'yong 300,000 pesos ko? 

Napalingon ako ulit sa side table ng mahagip ng mata ko ang pregnancy test. Tinake ko ito kaninang umaga tapos inilapag ko nalang dahil naging busy na para ihanda ang sarili sa birthday party ni Kael. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa nakita.

Positive. 

I quickly check the guide for the pregnancy test and it's positive. I'm pregnant!

Hindi makapaniwala pero napakasaya ko na malaman na buntis na ako. Naiimagine ko nang magiging masaya si Kael pag-nalaman niya. Ito na ang pinaka-the best na gift sa birthday niya.

I quickly changed my croptop and miniskirt into a T-shirt and jeans. I need to be extra careful, not showing any skins para hindi ako kabagin dahil may baby ng laman ang sinapupunan ko. Ayoko namang magkasakit. I drove back to the hotel and it took 45 minutes because I wanted to be careful for my baby, our baby. If I will drive it normally it will just took 25 minutes but now I am pregnant!

Masaya akong bumaba sa sasakyan ko at pumuntang rooftop. I took an elevator and happily swaying my hips and dancing like an idiot. I don't care what other people think if they will see me dancing. I am so happy!

Pagkabukas ko sa pintuan sa rooftop ay narinig ko na ang malalakas na tugtog. Nilibot ko ang tingin para makita ang asawa ko. May nakita akong nakapalibot kaya pinuntahan ko ito. I guess they we're doing a body shots. They were also cheering loudly. Baka may napagtripan na silang mag-jowa na gagawa ng body shots.

Nakatalikod si Hanz kaya tinapik ko ito at nagulat ng makita ako. Nilingon ko ang pinagkakaguluhan nilang sinusuportahan sa body shots. To my surprise it is my husband licking the body of Cleo. Cleo is now wearing a red bikini. Hindi makapaniwala sa nakita at napatunganga lang ako. Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng naghalikan sila sa harapan ko. Bigla akong nabingi at ang nakikita lang ay ang pagtataksil ng asawa ko sa akin. 

Hanz immediately cover my eyes with his hands and I teared up. Gusto ko siya sampalin, gusto ko sila murahin, gusto ko silang masaktan, pero hindi ko magawa. Someone hold my hand and Hanz get off his hands that covers my eyes. My husband is now seriously holding me. I automatically grab my hand and started to walk. He grabbed again my wrist and when I faced him Cleo was holding him too. "Bitawan mo ko." 

Hindi niya ako binitawan pero ginamit ko ang lakas ko para makawala. Nang makawala sa pagkakahawak ay tumakbo na ako papaalis sa empyernong lugar na iyon. I drove my car out of nowhere. I don't know where to go, I just want to leave. Sumisikip ang puso ko at nilalabanan ko na ang emosyon para hindi mabangga habang nagmamaneho. Iniyak ko na para maibsan iyong sakit pero hindi talaga mawala ang sakit.

Sana pala hindi na ako nagpakatanga sayo ulit.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Martha Ervin
I need this story in English language
goodnovel comment avatar
Chogiwa
ako may gift niya charot hahahaha
goodnovel comment avatar
Serene Santelle
I thought pregnancy test ang gift niya.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status