Share

THE FREEDOM OF LOVE

CHAPTER 40: I Want To Set Her Free, But My Heart's Never Will.

_

Kanina pa hindi mapakali si Joaquin sa loob ng kanyang kwarto. Kaya naisip niyang magpahangin muna sa Veranda. Doon natanawan niya si VJ na nasa ibaba at matiyagang naghihintay kay Angela. Tila ba wala itong ganang maglaro ngayon, nakaupo lang ito sa isang stool na nasa playground, habang katabi nito ang yayang si Didang.

Kahapon siya ang sumundo dito sa school. Ayaw pa sana nitong sumama sa kanya, dahil hinahanap nito si Angela pero wala itong choice. Mabuti na lang kasama na niya noon si Russel at ito ang matiyagang nakipag-usap dito. Hanggang sa napapayag na rin nila ito.

Marahil tulad din niya ito ngayon na sobrang nag-aalala at gustong-gusto nang makita si Angela. Subalit pareho lang silang walang magawa dahil pareho lang sila na hindi p'wedeng magpunta sa ospital sa magkaibang kadahilanan.

Ah! Gusto niyang magwala, gusto niyang ibalibag ang lahat ng mahahawakan niya at gusto rin niyang suntukin lahat ng makita niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status