CHAPTER 113:_Katatapos lang ng meeting nila ilang minuto pa lang naman ang lumipas. Pabalik na sana sila ni Rusell sa kanyang opisina mula sa conference room kung saan sila nagmeeting.Nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone.Un-registered ang tumatawag kaya saglit muna siyang nag-isip kung sasagutin niya ang linya."Oh' bakit ka tumigil?" Curious na tanong ni Russell ng magtaka ito. Dahil bigla siyang huminto at natigilan."May tumatawag!" Tugon niya."So, bakit hindi mo sagutin?""Un-registered! Sino kaya ito at paano niya nalaman ang number ko?" Nagtatakang tanong niya.Ilan lang kasi ang nakaalam ng cellphone number niyang iyon. Pamilya at ilang malalapit na kaibigan.Iba rin ang number na gamit niya for business purposes. Kung hindi man, si Lucille ang sumasagot sa lahat ng tawag sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin ng tawag na iyon. Tila nais nito na siya talaga ang makausap?"Sagutin mo na, o gusto mo ako na ang sasagot?" Mungkahi ni Russell."No it's okay, ako na
CHAPTER 114:_Huminga muna si Dustin ng malalim at nag-alis ng bara sa lalamunan. Bago pa nito nagawang ipagpatuloy ang nais nitong sabihin. Magkaharap pa rin sila Dustin at Joaquin at seryosong nag-uusap. Alam ni Dustin na maaaring ikagalit ni Joaquin ang mga bagay na ipagtatapat niya dito.Ngunit kagaya ng nasabi na niya hindi niya pinagsisihan ang lahat ng kanyang ginawa. Pananagutan niya ang lahat ngunit hindi niya ito kailanman pagsisisihan.Kaya dapat niyang tatagan ang sarili upang harapin ang galit nito."Dahil ano?!'Anong dahilan mo para manipulahin ang lahat at gumawa ng desisyon para sa aming dalawa! 'ANO?!" Malakas niyang sigaw."Dahil buntis siya noon!""A-anong ibig mong sabihin..." Hinatak niya ang kuwelyo ng polo nito at dumukwang. Pigil pigil naman nito ang kanyang kamay."Tumigil ka, bitiwan mo ko!""Hayup ka Torres! Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin ang lahat nang ito, walanghiya ka?!'Kung ganu'n sa akin siya at hindi mo siya Anak?!" Bigla naisip ang sinaryo
CHAPTER 115:_Mabibilis ang mga hakbang na lumabas si Dessa sa opisina ng Chief Supervisor.Hanggang sa makarating siya sa hallway ng 5th floor. Nagpalinga linga pa siya sa paligid na tila may hinahanap.Alam niyang hindi na maganda ang nangyayari at mangyayari pa kapag hindi napigilan si Miss Chloe pero anong gagawin niya?Walang sino man sa opisinang ito ang gustong sumaway kay Miss Chloe. Kaya naisip niyang tawagin na si Lester pero wala ito sa labas ng opisina kahit sa buong hallway."Nasaan na 'yun, anong klaseng bodyguard ba 'yun? Kailangan pang hanapin, a-anga-anga siya nakakainis!" Naikot na niya ang buong hallway ng 5th floor pero hindi niya ito makita. Ilang minuto na siyang pabalik balik ng lakad ngunit wala pa rin ito."Saan kaya nagpunta ang bwisit na iyon? Hay! Nakakainis ang sarap niyang sipain sa mukha. Ano kayang gagawin ko ngayon?"Kanina pa niya ito tinatawagan pero busy ang linya nito kaya hindi niya ma-contact. Hindi rin niya matawagan si Mr. Torres. Dahil alam
CHAPTER 116:_Humangga sa pandinig ni Joaquin ang sigaw ni Amanda.Naabutan niya si Amanda sa akto na hawak ng isang lalaking at dalawang babae empleyado ng ARC.'Habang sa harap nito si Chloe na tuwang-tuwa na hinatak ang harapang damit ni Amanda upang ipahiya talaga ito sa lahat?"HINDI!""A-ANONG GINAGAWA N'YO?!"Malakas niyang sigaw na ikinagulat ng lahat ng naroon at sabay sabay na napalingon sa kanyang direksyon..."Joaquin?" Gulat na bigkas ni Chloe na halos bahagya na lang lumabas ang boses sa bibig.Biglang sumulak ang galit ni Joaquin kaya't hindi na napigilan pa ang sarili!"MGA PUT***INA N'YOO!"Saad niya sa marahas na salita, tiyak rin ang bawat hakbang sa iisang direksyon.Puno siya ng galit ng mga sandaling iyon. Kaya inilang hakbang lang niya ang paglapit kay Amanda.Mabilis na hinubad niya ang suot niyang coat.Habang palapit gulat na gula
CHAPTER 117:_Matapos silang makapag-usap ni Joaquin kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Dustin.Ang tanging hangarin niya ay mapabuti ang kanyang kapatid. May tiwala siya kay Joaquin alam niya ang pagkatao nito.Sigurado na rin siya na mahal nito si Amanda. Kahit naman hindi sila magkasundo matagal na niyang alam ang ugali at pagkatao nito.Inilayo niya dito si Amanda noon dahil napaniwala rin siya ni Chloe na nakipagbalikan ito sa dating nobya sa biological mother ni VJ.Pagbalik pa nila ng Pilipinas saka lang niya nalaman ang totoo. Nalaman na lang niya ang totoong dahilan ng pakikisama nito kay Liscel noong narito na sila sa Pilipinas. Huli na, nasa London na noon si Amanda.Magiging mahirap na para kay Amanda ang bumiyahe pabalik ng Pilipinas. Sinabi ng Doctor na maselan ang pagbubuntis nito sa kambal. Bukod doon bawal din itong ma-stress.Naging mahirap din para sa kanya ang magdesisyon. Bukod pa sa alam niyang ano man ang gawin niyang desisyon ay tiyak na pananagutan niya it
CHAPTER 118:_Hindi pa man nakakapasok ng bahay si Lester sinalubong na ito ng sunod sunod na suntok ni Dustin.Ngunit hindi man lang nito iyon inilagan. Sinalo nito ang lahat ng suntok na pinakawalan ni Dustin kahit saan pa siya nito tamaan.Alam ni Lester na galit lang si Dust kaya ginagawa nito iyon. Kabisado na rin nito ang amo sa loob ng mga panahong nasa poder siya nito para na rin silang magkapatid.Marami na silang pinagsamahan at malaki rin ang utang na loob ni Lester sa lalaki. Baka nga kahit ang buhay niya handa niyang ibigay sa Amo kung hihilingin ng pagkakataon."Gago ka, kailan ka pa naging tanga ha'?!" Galit na sigaw ni Dustin."Boss, patawad sorry na Boss!" Alam naman niya ang kasalanan niya ang naging kapabayaan niya kaya dapat lang na tumanggap siya ng parusa."Hayup ka! Ano pa magagawa ng sorry mo ngayon kung may nangyari na ha'? Napaka wala mong kwenta!" Binitbit pa ni Dust ang kuwelyo ng damit ni Lester kaya napaharap ito sa kanya. Saka niya ito pabalyang itin
CHAPTER 119:_"Hello?""Kumpirmado, Boss! Kasama na niya si Dexter ngayon.""Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, mabuti naman kung ganu'n hindi na pala tayo mahihirapan?""Yes Boss, anong gusto mong gawin ko ngayon sa dalawang 'yun?!""Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin sa kanila. Pareho lang naman silang basura kaya dapat na silang itapon.""Okay Boss ako na ang bahala sa kanila may tao na ako na kikilos para doon.""Good! Siguraduhin mo lang na mahuhuli talaga sila sa akto, maliwanag! I don't want to failed this time, okay?""Yes Boss areglado, hinding hindi kita bibiguin sa pagkakataong ito." Pangako nito sa Amo."Good, aasahan ko 'yan!"____Nasa salas na si Lyn ng biglang dumating si Amanda."Oh' saan ka galing bakit gan'yan ang itsura mo, totoo pala ang sabi ni Dessa nag-away kayo ni Chloe? Hindi ko akalain na gan'yan kalala ang away n'yo!""Ang walanghiyang iyon muntik lang naman akong kalbuhin!""Kaya pala si Bossing galit na galit rin kanina. Grabe pala talaga ang gi
CHAPTER 120:_"Kuya, alam ko na kung nasaan si Dexter kasama na naman niya ang babae niya.""Saan, nasaan ang gagong 'yun?!""Ang walanghiyang iyon, niloloko na naman niya ako Kuya! 'Ang sabi niya hiniwalayan na niya ang babae niya, iyon pala nagsasama pa rin sila napaka walanghiya niya Kuya.'Kaya pala nagwithdraw siya ng malaking halaga para ibigay na naman sa babaing iyon!" "Tumahan ka na, sabi ko naman sa'yo hindi na makakabuti para sa iyo na makipagbalikan pa sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo mo ayaw mong makinig. Ilang beses mo na siyang pinagbigyan pero ganu'n pa rin siya ginagago ka lang niya! 'Sabihin mo sa'kin kung nasaan ang mga walanghiyang iyon? Ako na ang tatapos sa kanila!""Sasama ako sa'yo Kuya gusto kong makaganti sa babaing iyon." "Huwag na, ako na lang ang bahala sa kanila!""Hindi! Isasama mo ba ako o ako na lang mismo ang pupunta doon at tatapos sa kawalanghiyaan nila?""Okay sige na nga halika na at baka makawala pa ang mga hay*p na iyon!"___"Sigurado ka b