CHAPTER 116:_Humangga sa pandinig ni Joaquin ang sigaw ni Amanda.Naabutan niya si Amanda sa akto na hawak ng isang lalaking at dalawang babae empleyado ng ARC.'Habang sa harap nito si Chloe na tuwang-tuwa na hinatak ang harapang damit ni Amanda upang ipahiya talaga ito sa lahat?"HINDI!""A-ANONG GINAGAWA N'YO?!"Malakas niyang sigaw na ikinagulat ng lahat ng naroon at sabay sabay na napalingon sa kanyang direksyon..."Joaquin?" Gulat na bigkas ni Chloe na halos bahagya na lang lumabas ang boses sa bibig.Biglang sumulak ang galit ni Joaquin kaya't hindi na napigilan pa ang sarili!"MGA PUT***INA N'YOO!"Saad niya sa marahas na salita, tiyak rin ang bawat hakbang sa iisang direksyon.Puno siya ng galit ng mga sandaling iyon. Kaya inilang hakbang lang niya ang paglapit kay Amanda.Mabilis na hinubad niya ang suot niyang coat.Habang palapit gulat na gula
CHAPTER 117:_Matapos silang makapag-usap ni Joaquin kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Dustin.Ang tanging hangarin niya ay mapabuti ang kanyang kapatid. May tiwala siya kay Joaquin alam niya ang pagkatao nito.Sigurado na rin siya na mahal nito si Amanda. Kahit naman hindi sila magkasundo matagal na niyang alam ang ugali at pagkatao nito.Inilayo niya dito si Amanda noon dahil napaniwala rin siya ni Chloe na nakipagbalikan ito sa dating nobya sa biological mother ni VJ.Pagbalik pa nila ng Pilipinas saka lang niya nalaman ang totoo. Nalaman na lang niya ang totoong dahilan ng pakikisama nito kay Liscel noong narito na sila sa Pilipinas. Huli na, nasa London na noon si Amanda.Magiging mahirap na para kay Amanda ang bumiyahe pabalik ng Pilipinas. Sinabi ng Doctor na maselan ang pagbubuntis nito sa kambal. Bukod doon bawal din itong ma-stress.Naging mahirap din para sa kanya ang magdesisyon. Bukod pa sa alam niyang ano man ang gawin niyang desisyon ay tiyak na pananagutan niya it
CHAPTER 118:_Hindi pa man nakakapasok ng bahay si Lester sinalubong na ito ng sunod sunod na suntok ni Dustin.Ngunit hindi man lang nito iyon inilagan. Sinalo nito ang lahat ng suntok na pinakawalan ni Dustin kahit saan pa siya nito tamaan.Alam ni Lester na galit lang si Dust kaya ginagawa nito iyon. Kabisado na rin nito ang amo sa loob ng mga panahong nasa poder siya nito para na rin silang magkapatid.Marami na silang pinagsamahan at malaki rin ang utang na loob ni Lester sa lalaki. Baka nga kahit ang buhay niya handa niyang ibigay sa Amo kung hihilingin ng pagkakataon."Gago ka, kailan ka pa naging tanga ha'?!" Galit na sigaw ni Dustin."Boss, patawad sorry na Boss!" Alam naman niya ang kasalanan niya ang naging kapabayaan niya kaya dapat lang na tumanggap siya ng parusa."Hayup ka! Ano pa magagawa ng sorry mo ngayon kung may nangyari na ha'? Napaka wala mong kwenta!" Binitbit pa ni Dust ang kuwelyo ng damit ni Lester kaya napaharap ito sa kanya. Saka niya ito pabalyang itin
CHAPTER 119:_"Hello?""Kumpirmado, Boss! Kasama na niya si Dexter ngayon.""Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, mabuti naman kung ganu'n hindi na pala tayo mahihirapan?""Yes Boss, anong gusto mong gawin ko ngayon sa dalawang 'yun?!""Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin sa kanila. Pareho lang naman silang basura kaya dapat na silang itapon.""Okay Boss ako na ang bahala sa kanila may tao na ako na kikilos para doon.""Good! Siguraduhin mo lang na mahuhuli talaga sila sa akto, maliwanag! I don't want to failed this time, okay?""Yes Boss areglado, hinding hindi kita bibiguin sa pagkakataong ito." Pangako nito sa Amo."Good, aasahan ko 'yan!"____Nasa salas na si Lyn ng biglang dumating si Amanda."Oh' saan ka galing bakit gan'yan ang itsura mo, totoo pala ang sabi ni Dessa nag-away kayo ni Chloe? Hindi ko akalain na gan'yan kalala ang away n'yo!""Ang walanghiyang iyon muntik lang naman akong kalbuhin!""Kaya pala si Bossing galit na galit rin kanina. Grabe pala talaga ang gi
CHAPTER 120:_"Kuya, alam ko na kung nasaan si Dexter kasama na naman niya ang babae niya.""Saan, nasaan ang gagong 'yun?!""Ang walanghiyang iyon, niloloko na naman niya ako Kuya! 'Ang sabi niya hiniwalayan na niya ang babae niya, iyon pala nagsasama pa rin sila napaka walanghiya niya Kuya.'Kaya pala nagwithdraw siya ng malaking halaga para ibigay na naman sa babaing iyon!" "Tumahan ka na, sabi ko naman sa'yo hindi na makakabuti para sa iyo na makipagbalikan pa sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo mo ayaw mong makinig. Ilang beses mo na siyang pinagbigyan pero ganu'n pa rin siya ginagago ka lang niya! 'Sabihin mo sa'kin kung nasaan ang mga walanghiyang iyon? Ako na ang tatapos sa kanila!""Sasama ako sa'yo Kuya gusto kong makaganti sa babaing iyon." "Huwag na, ako na lang ang bahala sa kanila!""Hindi! Isasama mo ba ako o ako na lang mismo ang pupunta doon at tatapos sa kawalanghiyaan nila?""Okay sige na nga halika na at baka makawala pa ang mga hay*p na iyon!"___"Sigurado ka b
CHAPTER 121:_Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw, tila ang haba tuloy ng buong maghapon. Parang kanina lang iniisip pa niya kung anong diskarte ang gagawin niya para makausap ang mag-ama.Sino bang mag-aakala na dito lang pala sila nakatira sa tapat mismo ng bahay ni Gavin. Hindi rin niya akalain na hindi lang pala sila makakapasok sa loob ng bahay na ito. Kung hindi may posibilidad pa na dito na rin sila tumira magmula ngayon.Okay lang sana at wala namang problema. Dahil gusto rin naman niyang makasama ang mag-ama. Lalo na ngayong kilala na rin ng mga ito ang kambal nilang Anak. Dahil hindi na rin niya gustong maglihim dito at malayo pa silang mag-iina kay Joaquin at VJ. Hindi naman nagbago ang pagmamahal niya kay Joaquin mula pa man noon hanggang ngayon mahal pa rin niya ito. Kaya bakit pa ba siya tatanggi na makasama ito. Pero gumugulo pa rin sa isip niya kung ano ba ang plano nito sa kanya o sa kanilang mag-iina. Hindi naman nito nabanggit ang tungkol sa kasal.
CHAPTER 122: _ Kinabukasan paggising ni Amanda wala na si Joaquin sa kanyang tabi. Nakaramdam man ng bahagyang pangungulila dahil hindi na nito nagisnan ang lalaki. Masaya pa rin ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Lalo na nang makita niya ang isang maliit na papel sa ibabaw ng side table ng kama. _ 'Honey, Don't stood-up early okay? I'll be back soon. I love you! Joaquin' _ Pero saan kaya ito nagpunta hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pumasok na kaya ito sa opisina? Huh' pagkatapos ba akong pahirapan ng walanghiya iniwan na lang ako basta! Tinatamad pa talaga siyang bumangon kaya nanatili lang siyang nakahiga. Nang bigla siyang mapabalikwas ng bangon ng maalala niya ang mga bata. Wala nga pala si Lyn, wala rin si Ate Liway at lalong wala sila sa sarili nilang bahay. Nasanay kasi siya na lagi na lang may umaalalay sa kanya palagi sa pag-aalaga sa kambal kaya naman hindi siya nag-aalala. Pero ngayong narito na sila
CHAPTER 123:_Biglang napalabas ng bahay si Amanda ng makita niya at mabasa ang nilalaman ng diyaryo na iniabot sa kanila ni Didang. Dahil sa biglang pagsulak ng riyalisasyon sa kanyang isip. Ang balita tungkol kay Chloe at kung ano ang nangyari sa babae. Hindi niya malubos maisip na mangyayari ang ganitong kasamang balita. Kahit naman hindi niya gusto talaga ang ugali nito. Hindi pa rin siya maghahangad ng masama para sa babae o sa kahit kanino maging sa kanyang kaaway. Pero bakit ito nangyari?Gayung kahapon lang ay napaka tapang nito malakas at tila ba walang kinatatakutan. Pero bakit sa isang iglap lang makikita niya na wala nang buhay ang babae at sa isa pang kahiya-hiyang sitwasyon.Ang sitwasyon na ibinabato nito sa kanya kahapon lang ay tila bumalik lang dito. Dahil natagpuan daw itong may kasama sa isang Hotel. Bagamat isang kilalang Business man ang kasama nitong lalaki ngunit kilala ring may asawa na ito.Hindi naman niya gustong pakialam ang ano mang affairs meron it