CHAPTER 77:_Isang sopresa ang inihanda ni Liandro para sa kanya, isang sopresa na hindi n'ya alam kung dapat ba niyang ikatuwa o ikabahala?Subalit narito na ang lahat, kung paano nila ito nagawang ihanda? Hindi man lang niya nahalata o di kaya ay napaghandaan.Sira ka ba, sopresa nga hindi ba? Bulyaw pa niya sa sariling isip. Pagbaba kasi nila ng sasakyan iginiya at inalalayan na s'ya ni Joseph at sabay-sabay na silang naglakad.Ngunit laking pagtataka niya nang akayin s'ya nito patungo sa ibang direksyon. Dahil sinusundan lang nito ang paglakad ng kanilang Papa Liandro kaya naman lalo s'yang naguluhan. Tuloy tuloy lang ang lakad nito sa tiyak na direksyon.Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang umaalalay sa kanya at bakas rin sa mukha niya ang pagtataka. Marahil napansin ito ni Joseph kaya pinisil nito ang kanyang kamay."Relax sweetheart!" Sabi nito ng nakangiti, tila ba sa pakiramdam n'ya may ipinahihiwatig ang ngiti nito?Ngunit bakit ba nakakaramdam s'ya ng kaba? Imbe
CHAPTER 78:_Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang tumakbo? Habang takip ng dalawang kamay ang magkabila niyang tenga. Dere-deretso siyang pumasok ng bahay at pumanhik sa itaas. Iniwan niya si Maru' sa labas ng bahay. Dahil wala siyang gustong gawin kun'di ang makalayo dito.Hindi na niya gustong marinig pa ang sasabihin nito. Husto na binging bingi na s'ya kanina pa. Hindi na niya gustong makarinig ng kahit anong salita pa kahit kanino.Ang tanging nais niya pumasok sa kanyang kwarto at magkulong gusto na niya magpahinga.Pagdating niya sa may puno ng hagdan saglit siyang huminto para ikalma ang sarili. Handa na sana siyang magpatuloy at dumeretso sa kanyang kwarto ng makita niya si Joseph na nakasandal sa ding ding sa madilim na bahagi ng hallway na para bang mayroong hinihintay.Nakaamoy rin siya ng usok ng sigarilyo na nagmumula sa gawi nito. Hindi siya maaaring magkamali, kaya awtomatikong hinagilap ito ng kanyang mga mata.Hanggang sa dumako ang kanyang paningin sa
CHAPTER 79:_Matapos niyang iwasan manatili sa bahay at iwasan ang kanilang Papa at si Joseph. Pati na ang pagtawag ng mga ito sa kanya sa telepono ay iniwasan rin niya sa kabila ng pagtataka ng mga kasama niya sa shop. Inabala na lang niya ang sarili sa mga gawain sa shop kaya naman nalibang s'ya sa maghapon at hindi namalayan ang pag-usad ng mga oras.Ngunit pagsapit ng hapon muli na naman s'yang nakaramdam ng pananakit ng ulo. Kaya naisip niyang umuwi na nang maaga at h'wag ng hintayin ang pagsasara ng shop.Matapos n'yang magpaalam at bilinan si Diane at Alyana. Tuloy tuloy na s'ya umalis pagkakuha ng gamit at bag niya. Isang staff din ang nagsabing may naghahanap na sa kanya sa labas at sa pag-aakala niyang ito na ang sundo niya kaya naman nagmadali pa s'ya sa paglabas.Para pala magulat sa presensya ng lalaking hindi niya inaasahan na makita sa mga oras na iyon.Ngunit hindi na s'ya makakaiwas at bakit nga ba niya ito iiwasan? Tanong ng naguguluhan niyang isip.Bigla rin ang
CHAPTER 80: _ Dalawang sasakyan ang matuling naghahabulan sa kalsada, na tila ba sa kanila lang ang daan. Parehong ayaw magpatalo at tila wala nang pakialam saan man sila makarating. Dahil hindi hahayaan ng nasa unahang sasakyan na maabutan sila ng sumusunod na kotse. Kaya't wala itong tigil sa mabilis na pagpapatakbo. Hindi pa niya kabisado ang daan at kung saan na ba sila nakarating? Ngunit dahil sa tulong ng Waze G****e maps kontrolado nito ang daan at kung saan sila dapat tumungo. Nasa unahan sila at lulan ng isang SUV habang sinusundan naman sila ng isang mid-size car. Kung bakit ayaw pa rin silang tigilan ng pagsunod ay hindi nila maintindihan? Hanggang sa magkatapat ang dalawang sasakyan... Bigla na lang naglabas ng baril ang isa sa sakay ng kotse na nasa bandang likuran at itinutok ito sa bandang kaliwa ng sinusundan nitong SUV. "Yuko!" Mabilis na kinabig ng driver ng SUV payuko ang kasama nitong babae ng mapansin na tila ito natulala. "Itigil mo 'yan! Ang sab
CHAPTER 81:_FLASHBACK...Malayo-layo na ang nararating n'ya subalit hindi pa rin s'ya tumitigil sa pagtakbo. Masakit na ang kanyang mga paa at hindi na rin pantay ang kanyang paglakad isa na lang kasi ang suot niyang sapatos. Puro galos na rin ang kanyang mga binti. Dahil sa mga tuyong sanga at matatalas na damo na kanyang nadaraanan. Pero wala na s'yang panaho pa upang pakiramdaman ang mga ito. Hindi na nga n'ya maalala kung saan ba nawala ang kapares ng kanyang sapatos. Hindi na kasi niya ito nagawang balikan pa kanina.Kahit pagod na pagod na s'ya sa pagtakbo alam n'yang hindi pa s'ya p'wedeng huminto. Para bang ang paghinto ang pinaka maling desisyon na kanyang gagawin. Kailangan n'yang magpatuloy na tumakbo upang takasan ang mga humahabol sa kanya. Sigurado kasing hindi s'ya bubuhayin ng mga ito. Tulad din ng ginawa sa mga kasama niya. Masuwerte lang na nagkaroon s'ya ng pagkakataong makatakas. Dahil hindi pa s'ya maaaring mamatay sa lugar na ito. Hindi! Kailangan pa niy
CHAPTER 82:_ILOILO CITY,Mga huling alaala...Punong puno ng hinagpis ang araw na iyon sa mag-iina. Dahil sa pagkawala ng kanilang padre de pamilya.Masakit man itong tanggapin ngunit kailangan. Upang muli nilang maipagpatuloy ang buhay. Alam niyang ito rin ang gusto ng kanyang ama na nakahimlay ngayon sa kanyang harapan, malamig at wala ng buhay. Kahit pa ito ay parang natutulog lang...Madalas n'yang marinig ang mga katagang ito sa mga tao sa tuwing may lamay sa kanilang lugar. Ang buong akala nga niya noon ang mga katagang ito ay madali lang tanggapin at unawain. Dahil sa murang isip n'ya mga simpleng kataga lang ito na walang kahulugan. Subalit ngayong nakaharap siya sa walang buhay niyang ama. Kahit pa nga gustong-gusto man niya itong gisingin pero hindi n'ya magawa.Kaya pala... "Parang natutulog lang?" Bagama't puno ng pag-asa ang mga salita, ngunit katumbas rin ito ng kabiguan. Dahil ang buong katotohanan hindi ito natutulog lang...Lalo na ngayon na nakahiga na ito s
CHAPTER 83: _ Isang umaga, isang nakakagulat na balita ang dumating sa kanila. Habang naghahanda na sila sa pagpasok sa eskwela. "Annabelle! Madali ka pumarine kayo anak..." Malakas na sigaw ni aling Conching bago pa man ito makapasok ng tarangkahan ng ng kanilang tinutuluyang bahay. "Manang kayo po pala, bakit po?" Tanong ng kanilang Mamang. "Naku anak, tumawag sa'kin ang Manong Obet n'yo. Tatawag daw si Nicanor ngayon mismo kaya halika na at importante daw ang sasabihin." Sadyang hindi direktang tumatawag sa kanila si Mang Kanor para daw iyon sa kaligtasan nila. "Po ah' sige po!" Agad na sumunod dito ang kanilang ina matapos na bilinan silang h'wag munang aalis. Puno man ng pagtataka ang isip nilang magkapatid sinunod na lang nila ang utos nito. Gusto man niya itong sundan ngunit takot naman siya na magalit ito. Pagbalik nito tila ba nag-iba na ang kilos nito. Bigla na lang itong natataranta at may pagmamadali ang bawat kilos. Bigla na lang din nitong iniutos na ayusin nila
CHAPTER 84:_"AAAAAHHHHHHH!""Diyos ko po, ito na ba ang katapusan ng lahat?"Isang malakas at matinding pagsigaw hanggang sa maubusan siya ng boses. Ang bukod tanging kaya niyang gawin ng mga sandaling iyon. Kahit ayaw pa niyang isipin batid niyang ito na ang wakas.Ang katapusan ng lahat...ANG KAMATAYAN!__Ramdam na ramdam niya ang pagsugpa niya sa hangin at ang mabilis na pagbulusok niya sa kawalan.Habang patuloy ang pagbagsak niya pababa... Hanggang sa maramdaman niya ang mabilis na pagkabasà ng kanyang katawan sa tubig at ang mabilis na pagbulusok niya sa kailaliman nito pababa. Sanay na sanay na siya sa mga ganitong eksena sa paulit-ulit na pagbagsak sa tubig.Sanay siyang tumalon, magdive, sumisid at higit sa lahat sanay na sanay rin siyang lumangoy.Subalit hindi ngayon, hindi sa pagkakataong ito na unti-unti na niyang nararamdaman ang labis na pamamanhid ng katawan. Unti-unti na ring nawawala ang kanyang lakas, hindi na rin siya makagalaw. Bakit ganu'n hindi niya ma