PINAGMASDAN pang mabuti ni Loraine si Alyson. Mahimbing pa rin itong natutulog. Idagdag pa ang mga gamot na binigay ng doctor sa kanya. "Hindi mo kailangang sundan ako rito, Loraine. Sana ay sa bahay ka na lang at hinintay mo akong umuwi."Muling umangkla ang isang kamay ni Loraine kay Geoff. Dumikit pa ito dito. Out of place na lumayo ang doctor. Ni hindi na nasagot ang tanong ni Geoff. "Akala ko mag-uusap lang kayo sa labas. Matagal na noong hilahin mo siya kaya minabuti kong sumunod. Mukhang hindi na rin naman yata tuloy ang pakikipag-usap ko sa mga magulang mo. Hindi na sila bumalik."Hindi na nagkomento si Geoff at binalikan na lang ang mga nangyari. "Ang Mom mo na lang ang bumalik at alam mo kung ano ang sinabi niya?Ipatanggal ko anumang mangyari." Alam na ni Geoff na ang tinitukoy nito ay ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hilaw na ang naging ngiti ni Loraine. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang trato ng mga magulang ni Geoff sa kanya. Alam niya sa sarili niya kung s
HINDI malaman ni Alyson kung ano ang ire-react niya. Hindi siya sanay na makakuha ng sobrang atensyon mula sa ibang tao. Napapiksi siya nang humigpit pa ang mga yakap ni Kevin. "Oh, sorry. Nadala lang ako."Umatras na si Kevin ng ilang hakbang palayo sa higaan ni Alyson na gulat pa rin sa ginawa ng lalake kanina. "Nakokonsensiya lang ako kasi baka nang dahil iyan sa pagpupuyat mo matapos lang iyong design na binigay ko sa'yo. Alam mo na nabigla ang katawan mo na halos walang tulog."Umiling si Alyson. Nahihiyang ngumiti. "Hindi iyon nang dahil doon, Kevin."Nagkibit-balikat na lang si Kevin dito. Hindi pa rin nagbabago ang pananaw. "Nasaan ang kailangang pirmahan?"Nabanggit na ni Alyson sa text ang tungkol sa papel na kailangan ng pirma. Hindi niya denetalye iyon kung para saan. Hindi na rin nagtanong si Kevin. Alam ni Alyson na hindi mausisa ang lalake kaya safe siya. Hindi kakalat kung saan ang issue. "Heto, pirmahan mo lang sa gilid."Pahapyaw na pinasadahan ni Kevin ng basa
KASALUKUYANG nasa gitna si Alyson ng malalim na pag-iisip nang biglang maghuramentado ang cellphone sa isang tawag. Mula ito sa kanyang ina. Napasinghap na siya nang marinig ang malakas na boses nito. Dama na niyang mayroon itong problema. "Nasaan ka ngayon Alyson?""Bakit, Mama?""Kailangang puntahan mo ako dito." Seryoso na ang tinig nito kaya hindi mapigilan ni Alyson na mag-alala."Bakit? Anong meron, Mama?""Iyong isa sa pinagkakautangan ng—""Text me the address, Ma. Darating ako. Pupuntahan kita kung asan ka."Nanghihina man ay tumayo na siya. Nakipag-diskusyon pa si Alyson sa nurse na ayaw siyang payagang mag-discharge ng sandaling iyon. "Misis, magagalit po sa amin si Doc.""Miss Nurse, may importante lang talaga akong lalakarin. Mabuti nga at nagpapaalam pa ako sa inyo keysa naman gawin ko iyong kagaya noong nakaraan na bigla na lang tumakas."Problemadong kumamot ng ulo ang nurse. Hindi nito alam ang sasabihin."Bukas na lang po kayo lumabas. Hintayin po natin mamaya si
Pandalas ang naging iling ni Alyson. Ayaw niyang mag-expect nang malaki ang kaibign niya kay Geoff. Tiyak na sobrang madi-disappoint ito oras na malamang maghihiwalay na rin sila. "Hindi naman, Rowan, sakto lang.""Anong sakto lang? Ikaw pa ba? Pipili ng lalakeng 'di papasa sa panlasa?"Hindi na sumagot si Alyson. Sa loob niya kung alam lang ng kaibigan ang mga nangyari sa kanya, panigurado siyang uusok ang bunbunan nito sa galit. Baka hindi lang iyon. Baka isumpa niya pa buong angkan ni Geoff. Ganun siya kamahal nito. "Huwag na natin siyang pag-usapa—""Anong huwag pag-usapan, Alyson? Kailangan natin siyang pag-usapan. Huwag kang maramot. Ipakilala mo siya sa akin. Kaibigan mo ako, eh! Hindi pa ba sapat na naglihim ka?"Umismid si Rowan na ikinahagalpak ni Alyson. Pinatulis pa kasi ng kaibigan ang nguso nito para kunin ang atensyon niya at magpaawa. "Oo na, ordinaryong mamamayan lang iyon. Hindi rin sikat at mayaman. Simpleng tao lang siya, Rowan.""Totoo? Hindi ka nagsisinungalin
Nahawi ang matingkad na ngiti ni Wanda sa huling litanya ni Alyson. Gumalaw-galaw na ang panga niya. Hindi na iyon nakayanan ni Wanda at napatakip na ito sa kanyang bibig."Relasyon? Nagkaroon kayo ni Julius ng relasyon noon?""Hmmn, take note. Siya ang lumapit sa akin at di ako ang nauna, Wanda."Si Julius ay kaklase ni Alyson noong highschool sila. Kung tutuusin ay wala naman talaga silang naging relasyon. Guni-guni lang iyon ni Julius. Siya ang mismong nagpakalat noon sa buong campus ng school nila. Ipinagsabi nitong girlfriend niya si Alyson na walang kamalay-malay. Syempre, hindi iyon babawiin ni Aly ngayon lalo at naiinis niya si Wanda. "Sinungaling ka! Ang sabi ni Julius ay wala raw kayong naging relasyon. Saka fake lang ang lahat ng iyon—""Eh, bakit niya kinalat kung fake lang pala ang lahat?" banat ni Rowan na natatawa na rin sa hitsura ni Wanda. Wala itong palag na pinagtutulungan na nilang dalawa ni Alyson. Hindi naman makahingi ng saklolo sa mga kasama si Wanda. Tahimik
UMIKOT sa ere ang mata ni Alyson. Si Rowan naman ay iiling-iling at hindi makapaniwala roon. Hinarap nila si Wanda habang nagpupuyos sa galit. "Anong karapatan mo para paalisin mo kami dito? Customer din kami!"Balewalang iwinagayway lang ni Wanda ang bagong polish niyang kuko sa harapan ng magkaibigan. "Well, sundin niyo na lang ang waiter o baka naman pati siya ay gusto mo na mawalan ng trabaho, Alyson? Dinadamay mo pa sa kamalasan mo sa buhay. Huwag ganun, please lang."Nanggigigil na si Alyson sa gaspang ng ugali ni Wanda. Kung wala lang sila sa publikong lugar, baka kanina pa nag-amok ng away si Alyson para matapos na ang lahat. Ngunit hindi naman pwede na basta na lang niya ito sabunutan. Tiyak na lilikha iyon ng mas malaking gulo, mas nakakahiya. "Try harder Kuyang Waiter, ayaw mo ba na bigyan kita ng malaking tip? Sa pagkakaalam ko ay hindi centralized ang tip niyo dito. Ibig sabihin ay kung kanino iyon ini-abot ay sa kanila ito." dagdag pa ni Wanda na ikinakislap ng mata n
Nasa may pintuan na sila ngunit hindi nakasagabal ang presensiya nila sa dagsa ng customers na dumarating. Tinawag pa ni Wanda ang kasama niyang dalawa na nakatingin lang sa kanila kanina. Matamang nakikinig. "Punta kayo dito. Tatawagan daw ni Alyson ang asawa niya. Tingnan nga natin kung darating ang asawa kuno."Sumunod na parang inosenteng tuta ang dalawa. Nagkukumahog agad na lumapit. Malamang malaking tsismis ang magaganap kapag nangyari iyon. Sa pagkakaalam din nila ay mayaman ang asawa ni Alyson. Hindi lang din nila alam kung sino ang taong iyon at saang mayamang pamilya ito galing. NATATARANTANG lumapit si Rowan kay Alyson nang marinig ang sinabi nito. Kinakabahan siya sa tensyong nasa pagitan nila ng grupo ni Wanda. Medyo humilig si Rowan palapit kay Alyson at mahinang bumulong gamit ang puno ng pag-aalala niyang boses. "Anong sinasabi mo? Hindi ba at naka-schedule ang signing ng annulment niyo? Okay lang ba na tawagan mo siya ngayon, Alyson?"HINDI siya pinansin ni Alyson
Nagsimula ng pumatak ang luha ni Loraine nang hilahin niya sa manggas ang damit na suot ni Geoff. Feeling niya ay nasayang lang lahat ng effort na ginawa niya. Gusto pa naman niya na ma-impress ang kasintahan. "Matatapos na ako sa niluluto kong ulam. Hindi mo man lang ba—""Hintayin mo ako. Babalik ako mamaya. Kakainin natin iyon. Sabay tayong kakain ng hapunan, mamaya."Ilang beses na umiling si Loraine. Ang laki ng duda niya sa pangako nito. Malakas ang kutob niyang hindi ito agad babalik lalo pa at si Alyson iyon. Sukdulan na ang galit niya sa babae. "Sige na Babe, hayaan mo akong umalis saglit. Hindi ako magtatagal. Iinitin na lang natin ang ulam.""Geoff kahit tikman mo lang sana. Luto na ang kare-kareng niluto ko. Hindi ba at isa sa favorite mo iyon—""Loraine, kapag sinabi kong mamaya na, mamaya na. Huwag mo akong pilitin. Hindi mo ba naiintindihan?"Tumaas na ang tono ng boses ni Geoff. Napipikon na siya sa babae. "Titikman mo lang naman. Anong mahirap gawin doon? Para lang