"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko." Pagkatapos ng tatlong taong kasal kay Geoffrey Carreon ay tuluyan nang sumuko sa pagiging martir na asawa ni Alyson Samonte. Pinagtibay pa ang hiwalayan nila nang malaman niyang nakabuntis ang asawa ng ibang babae. Piniling bumangon ni Alyson. Nagsikap siya upang tuparin ang mga pangarap niya kahit huli na sa tulong ni Kevin Evangelio. Ipinakita niyang sa kabila ng nangyari ay kaya niya pa 'ring bumangon. Hanggang sa magkaroon siya ng one time lifetime offer and opportunity sa ibang bansa. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ng dati niyang asawa, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang kasabik-sabik na mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon sila ng anak ni Alyson?
view morePANAY ANG hila ni Alyson sa suot niyang skirt. Tila kinulang iyon ng tela. Hindi tuloy maiwasang humantad at makita ang makinis at bilugan niyang mga hita. Okay naman ang pang-itaas noon, kayang e-handle ni Alyson na parang sinukat. Ang hindi niya lang maatim ay ang pang-ibaba. Kung alam niya lang na may paganito rin, nagdala na lang sana siya ng sarili niyang golf uniform. Iyong desente at comfortable. Nabuyo lang talaga siya sa project na 'yon eh!"Alyson? Hindi ka pa ba tapos? Anong petsa na?Uugatan na ako sa paghihintay sa'yo at aalis na lang ang pakay natin dito nasa loob ka pa rin!"Muli pang umikot sa kawalan ang mga mata ni Alyson sa mga patutsadang 'yun. Nakaharap pa rin siya sa whole body na salamin sa loob ng changing room. Napansin niyang medyo tumaba na siya o marahil ay dala 'yun ng pagbubuntis niya kaya feeling niya ay parang lumalaki na ang katawan niya. Lalong-lalo na ang balakang niya."Sandali lang! Maghintay ka diyan!" sagot niyang inaabot na naman ng bwisit kay Ro
KILALA na may masamang ugali si Dexter Silverio. Mahirap itong kausap at ka-deal pero walang choice si Alyson at Roxan kung hindi ang puntahan ito at i-meet upang e-discuss ang proyekto at ang profits na makukuha nito dito. "Kailangan nating maging maingat ang kilos sa harapan niya. Hindi pwede na magalit siya sa atin o kahit ang mainis man lang, Alyson. Kunin natin ang loob niya para naman hindi tayo mahirapan."Naglalakad na ang dalawa. Hindi pa sila nagtatagal sa opisina kinabukasan ay agad na rin silang lumarga. Nalaman kasi nila na nasa isang golf course ito na malapit lang sa opisina nila kung kaya naman sasamantalahin na nila ang minsang pagkakataong iyon na binigay ng langit."Oras na mangyaring hindi siya pumabor sa atin? Katapusan mo na. I mean ng karera mo."Gustong itanong ni Alyson kung bakit parang siya lang ang tinutukoy nito, gayong grupo naman sila. "Hindi ako nagkulang ng mga paalala sa'yo ah? Kaya huwag mo akong sisihin kapag napahamak ka o ang grupo natin nang da
HINDI MAGAWANG makapagsalita ni Kevin. Tinitimbang kung ano ang mas maayos na salitang gagamitin. Ayaw niyang may ma-offend sa kanila kahit pa siya ang mas may power sa gagawing desisyon ukol sa nasabing project. "Naiintindihan naman kita Sir na gusto mo lang siyang e-expose sa mga ganitong project, pero hindi ka ba mahihirapang mag-explain sa mga investors just in case? Isa pa, malaking project ito ng Carreon Holdings. Malaking kumpanya 'yun. Hindi pipitsuging kailangan ng trial at error lang."Kung malalaman lang ni Roxan kung ano ang ugnayan ni Alyson sa CEO ng Carreon Holdings, malamang ay nakaluhod na ito sa harap ni Alyson. Pinupuri at sinasamba na ang babae."Hindi lang 'yun Sir, ang dami ng mga employee natin na mas matagal sa kanya at kailangan ng malaking break sa karera nila, hindi ba 'yun unfair sa kanila? Nasisilip nila si Alyson na PA mo lang."Sinulyapan ni Kevin si Alyson na nanatiling nakatayo at blangko ang mukhang nakatingin kay Roxan. Medyo guilty si Kevin na hind
ANG ILAN sa kanila ay palihim na sumulyap pa sa table ni Alyson. May mga naaawa, ang iba naman ay hindi makapaniwala. Pilit inabala ni Alyson ang isipan sa ibang bagay para hindi sila mapatulan. "Ang saklap naman. Mabuti pa 'yung mahirap ka tapos bigla kang yumaman keysa naman mayaman ka tapos bigla kayong maghihirap." "Sinabi mo pa, ang hirap noon mag-adjust." "Tapos nabenta na ang bahay nila. Kaya siguro wala na talaga siyang ibang choice kundi ang pumatol na lang dahil hindi sanay maghirap.""Hala, baka nga 'yun ang dahilan—"Natigil lang ang bulungan nang may bigla na lang tumikhim sa pintuan. "Ang aga-aga, kung kani-kaninong buhay na agad ang pinakikialaman niyo!"Si Kevin na pumasok na sa area. Hindi bingi ang lalake para hindi marinig ang lahat ng masasakit na mga salitang pinupukol nila kay Alyson. Hindi man niya alam ang buong nangyari pero base sa galaw ng mga employee, si Alyson ang tinutukoy."G-Good morning, Mr. Evangelio!" Napatayo na ang lahat nang marinig ang bose
BUONG ARAW ng Linggo ay wala sa bahay si Geoff. Maaga siyang umalis para pumunta sa apartment ni Loraine at gabi na nang bumalik. Samantalang si Alyson naman ay ginugol lang ang buong araw sa paghiga at pahapyaw na paggawa ng mga drafts niya ng kanyang design. Kinabukasan ay halos sabay silang lumabas ng silid. Nagtagpo sa may puno ng hagdan. Saglit na natigilan at kapagdaka ay nagkatinginan. Walang imik na naunang bumaba ng hagdan si Alyson. Hanggang sa hapagkainan ay wala silang imikan. Panaka-naka tuloy ang tingin ng maid sa kanila."Bilisan mong kumain, nagmamadali ako dahil sa early kong meeting."Napa-angat na ng paningin si Alyson na problemado na naman sa sasakyan niya. Araw-araw na yata niyang iisipin ang tungkol doon. Dapat talaga ay may kinontrata na siyang grab driver. Iyong tipong araw-araw siyang susunduin, sa pag-uwi naman ay walang problema. Kumbaga ay gagawin niyang service ito kada umaga. Blangkong tiningnan lang siya ni Alyson. Lutang na hindi makuha kung ano ang g
HUMALAY PA ang malakas na tawa ni Alyson sa kabuohan ng silid na animo ay kinikiliti nang pilit kunin ni Geoff ang cellphone sa mahigpit na hawak ng kamay niya. Ipinakita niya ang mahigpit na hawak dito para kunwari ay ayaw niyang ibigay 'yun sa lalake at para convincing na hindi niya nagawang magtago ng kopya. Para silang mga aso na nag-aagawan sa bolang inihagis ng amo at kung sino ang mananalo ay tiyak may reward. Nag-rumble pa sila sa ibabaw ng kama."Ano ba? Masisira ang cellphone ko!" hila dito ni Alyson, pawis na pawis na ang buong mukha."Bitawan mo na kasi nang hindi masira!""Ayoko—aray, ang bigat mo Geoff! Huwag mo akong daganan. Hindi ako makahinga..."Parang wala na namang narinig si Geoff na kumubabaw pa sa kanya at pwersahan pa 'ring kinuha ang cellphone niya. Nanlamig na ang katawan ni Alyson. Hindi siya galit sa asawa. Sa halip ay tuwang-tuwa pa nga siya sa mga ginagawa nito. Para silang naghaharutan lang."Hindi ko naman ipo-post 'yan online para sirain ang image mo
WALANG NAGAWA si Geoff kung hindi ang sundin ang gusto ni Alyson. Lumabas na siya ng silid nito at tinungo ang kusina. Hindi niya ito mapipilit. Mula nang lumipat ay nakita niya ang malaking pagbabago sa ugali nito. Kung noon ay mabilis niya itong mapasunod sa gusto ngayon ay nabaligtad na ito. Matigas na ito na parang bato. Ubos na lang ang lakas niya ay hindi pa rin nito ibinibigay at sinusunod ang gusto niyang mangyari. Sa una ay nakakapanibago, ngunit tila wala naman siyang choice kundi ang yakapin ang bagong pag-uugali ng kanyang asawa."Ano bang problema niya? Gusto ko lang naman siyang tulungan. Ayaw niya bang mas gumaling siya? At saka bakit ako ang maghuhugas? Ako na nga ang nagluto ng agahan hindi ba dapat siya naman dito?" lihim na paghihimutok ni Geoff.Tingnan pa lang ang mga kalat ng tambak sa kusina ay napapagod na agad ang isipan ni Geoff. Marahas niyang ginulo ang buhok sa likod ng ulo. Nagsisimula na naman siyang ma-stress sa nakikita. Allergy siya sa mga kalat, iwan
NANLATA NA ANG katawan ni Alyson sa narinig. Anong sinabi ni Geoff? Wala siyang degree? Imposible? Ang hirap kasi sa asawa ay hindi siya nito lubusang kinilala in three years na pagsasama nila. Ayan tuloy, hindi updated ang mokong sa mga achievement niya sa buhay. Malamang mas magugulat pa ito oras na malaman niyang siya ang architect na matagal ng hinahanap nila ng secretary niyang si Alia. Hindi na mahintay ni Alyson na dumating ang araw na 'yun. Siguradong magiging makasaysayan ito kapag nangyari na."Wow! Masyado mo naman akong ina-under estimate, Geoff. Ganyan kababa ang tingin mo sa akin? Bakit pa ba ako magtataka? Kung ituring mo nga noon ay katulong ako at hindi asawa, malamang iniisip mo talagang wala akong degree. Ang busy mo kasi. Busy sa pambababae!" Parang may bikig na sa lalamunan niya si Alyson. Hindi pinansin ni Geoff ang huli niyang pasaring. Ang tumatak lang sa utak ng lalake ay ang degree ng asawa. Bagay na ngayon lang natuklasan sa tanang pagsasama nila."Ganun na
IIKA-IKANG TUMAYO si Geoff at makailang beses sinubukan na lagpasan si Alyson pero desidido talaga ang babae na hindi ito padaanin. Itataya niya ang lahat ng lakas para lang hindi makuha ni Geoff ang folder ng kanyang mga drafts ng design. "Titingnan ko lang naman. Huwag ka ngang maramot! Bakit ayaw mo bang ipakita sa akin? Anong tinatago mo? Hindi 'yan sa'yo 'no?""Ayoko nga! Huwag ka nga sabing makulit! Gusto mo bang itulak kita ulit? Hindi ka pa nagtanda ah. Gusto mo pa yatang mabalian ka ng buto bago mo sundin ang gusto ko."Sumeryoso ang mukha ni Geoff. Pinantayan 'yun ni Alyson. Hindi siya magpapatalo dito. Kapag sinabi niyang ayaw niya, walang makakalapit sa mesa kahit na anong mangyari. Hindi siya papayag."Bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit ayaw mong ipakita sa akin ang laman noon." pagpupursigi ni Geoff na makita ang folder niya. "Bakit ba? Sa ayaw ko ngang ipakita sa'yo!" Nang muling subukan 'yun ni Geoff ay hinila na ni Alyson sa laylayan ang suot niyang dami
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.