Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon kasalukuyang nakatira ang ina niya na gumaling na sa sakit. May problema man ang katawan niya ngayon alam niyang hindi magtatagal ay magagawan niya ng paraan lahat.
Kailangan niyang magtrabaho para sustentuhan at buhayin ang ina niya na sa kanya na lang ngayon umaasa."Nakita rin kita!"Kinabukasan noon pagkagising ay kulang na lang ay mapatalon sa saya si Alyson nang mahanap ang business card ng kaibigang may kompanya. Ka-close niya ito at kung sakali na humingi siya dito ng tulong, sure siya na hindi rin siya nito matatanggihan. Noong huling nakita niya ito ay inabot nito ang business card, habang nagbitaw ng salita na pwede niya itong malapitan."Hello?"Kinagat ni Alyson ang labi nang marinig ang pamilyar nitong tinig."Sino ito?""Alyson Samonte.""Oh? Kumusta ka na? Nasaan ka na ngayon? Mabuti at napatawag ka?""Ayos lang naman ako, Kevin."Napilitang ikuwento ni Alyson ang tungkol sa paghahanap niya ng trabaho. Aniya ay kailangan niya ng trabaho para buhayin ang kanyang ina. Actually, pahaging lang niya iyon para kung sakaling may opening sa kumpanya nila ay alukin siya nito. Bagay na hindi siya nagkakamali."Kung gusto mong magtrabaho dito ay bukas-palad kitang tatanggapin, Aly. Alam mo namang gusto ko ang mga design mo. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng professor natin noon? Magaling ka. Magiging matagumpay ka kung itutuloy-tuloy mo lang iyon."Parang hinaplos ng mainit na palad ang puso ni Alyson sa mga narinig. Isa ito sa mga isinakripisyo niya para kay Geoff, ang mga pangarap niya."Nalungkot nga si Prof noong bigla ka na lang nawalan sa amin ng contact. Akala pa nga namin ay nasa ibang bansa ka na para doon ituloy ang mga pangarap na sinimulan mo dito."Mahinang tumawa si Alyson. Kung alam niya lang noon na ganito ang mangyayari sa kanya, sa relasyon na pinangarap niya hindi niya sana noon sinakripisyo ang kanyang pangarap."Kailan ka available? Magkita tayo.""Maraming salamat sa opportunity. Update kita kung kailan ako pwede.""Sige, message ka lang o tumawag."Ang buong akala niya noon ay sobra na ang swerte niya na maging asawa si Geoff, ang kasalukuyang CEO at tagapagmana ng Carreon Holdings. Gwapo na ito, mayaman pa, wala ng ibang hihilingin pa. Hindi niya alam na mali ang naging desisyon niya noon."Anong sinabi mo, Alyson?"Pabagsak na inilapag ng ina ang hawak na kutsara nitong pinanghalo sa kakatimpla niyang tasa ng kape."Ma, alam niyo naman po ang—""Bakit ka pumayag sa annulment? Nasaan ang laman ng utak mo? Asawa ka niya. Hindi ka pwedeng makipaghiwalay sa kanya. Ngayong wala na ang ama mo at nalugso ang negosyo, dapat lumuluhod ka sa harap niya at nagmamakaawang tulungan ka. Tapos, ano? Malalaman ko na nagdesisyon kayong maghiwalay?!"Humampas ang palad nito sa mesa. Napaigtad na doon si Alyson sa labis na gulat. Hindi niya inaasahan ang bayolenteng reaction ng sariling ina."Wala ka pang nakukuhang tulong sa kanya sa loob ng tatlong taong iyon!""May babae siya Ma—""Eh ano naman? Hayaan mo siyang mambabae hangga't gusto niya!""Ma? Naririnig mo ba ang sarili mo?""Bakit? Ginusto mo iyan di ba? Hindi ka mapigilang magpakasal sa kanya!""Mahal niya iyong babae. Nabuntis na niya iyong babae at gusto niyang pakasalan. Hahadlangan ko pa ba?"Dismayadong umiling ang ina niya."Gamitin mo ang opportunity na ito. Hingan mo siya ng pera bilang danyos. Kung hindi dahil sa kanya, matagumpay ka na sana ngayon.""Mama naman?!""Bakit? Wala kang gagawin? Tutunganga ka na lang dito?""Huwag kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan para mabigyan ka ng pera bukas na bukas din. Huwag mo akong pangunahan sa desisyon ko! Ibibigay ko ang pangangailangan mo nang hindi nauudlot ang pakikipaghiwalay sa asawa ko.""Alyson? Kinakausap pa kita!"Walang lingon-likod siyang lumabas ng bahay. Pagbalik ng bahay ay agad niyang hinalughog ang kanyang wardrobe upang kunin ang mamahalin at mga branded niyang damit, bag at sapatos. Isama pa doon ang ilang mga alahas na natanggap niya mula sa pamilya ni Geoff bilang regalo nila. Sa loob ng tatlong taon ay marami siyang naipon, ang ilan pa nga doon ay hindi niya nagamit at nasuot kahit minsan. Taong bahay lang naman kasi siya at hindi madalas maimbitahan sa mga mahahalagang okasyon, unless ay involved doon ang family gathering."Pasensiya na kung ibebenta ko kayo, kailangan ko lang ng pera ngayon."Tinawagan niya ang Manager ng store upang magpaalam na ibebenta niya ang mga branded niyang damit. Sa sunod niya ihahanap ng buyer ang bag, sapatos at alahas. Ang shop na iyon ay tumatanggap lang ng second hand na gamit na maaari nilang mabenta sa mataas na halaga. Kumbaga, ang shop na iyon ay isa sa matatawag na pangmayamang ukay-ukay sa bansa."Paniguradong maaalagaan kayo ng mga taong makakabili sa inyo at tiyak na magagamit sa tamang okasyon."Nang makwenta ni Alyson ang pera na mapagbibintahan noon ay naisip niya na kaya na nilang maka-survive ng ina. Oras na ma-settle niya ang annulment ay magtra-trabaho na siya. Tatanggapin niya ang offer ng dating kaklase niya. Pagsisikapan niyang makuha ang mga pangarap kahit medyo huli na iyon. Para sa kanya ay walang maling panahon as long as pangarap ang pinag-uusapan dito. Kanya-kanya lang iyon ng panahon. Aayusin niya ang trabaho at sisiguraduhing magtatagumpay sa kung anumang balak niya sa buhay."Tunay ba ang lahat ng ito?""Oo, kahit tingnan mo pa ang etikita nila sa likod. Sayang nga lang at natanggal ko na ang tag price nila dahil nilabhan ko para isuot sana."Sinuri nitong mabuti ang tela at panaka-naka ang naging sulyap sa kanya. Hindi naman siya mukhang mababang uri ng babae. Maayos din ang suot niyang plain dress noon."Seryoso ka ba talagang branded sila? Alam mo na iyong iba ay hindi naman totoong branded at peke."Napataas na ang kilay ni Alyson. Mukha na gusto pa siya nitong baratin. Mababa na nga ang bigay niya sa totoo nitong halaga. Eh iyong iba doon ay hindi pa niya nasuot. Marahil ay dahil hindi siya sikat na tao at simple lang ang suot kaya ganito ang tingin ng Manager ng shop. Hindi mapagkakatiwalaan. Ang hindi nito alam ay marami na siyang nasuot na sikat na brands sa bansa."Bibilhin namin ang lahat ng ito pero oras na may magreklamo na hindi sila totoo ay ikaw ang mananagot."Nais na bawiin na lang sana ni Alyson ang mga ibinibinta at huwag na lang ituloy, pero naisip niya ang ina niya."All right, I will be accountable for it."Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay. "Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang pagbebenta ng pekeng mga damit ay pinasok mo na?"Natigil sa ginagawa ang staff at agad nandilat ang mga mata ni Alyson. Bakit hindi? Hinablot lang naman ni Loraine ang damit na binibinta niya at itinapon sa maruming sahig ng shop."Loraine?!" Malakas pa itong humalakhak."Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng lahat na peke ang mga gamit mo?""Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Mahiya ka nga! Magkaroon ka naman ng kaunting delikadesa. Huwag kang magbenta ng mga—" "Anong sinasabi mong peke, Loraine? Alam mo sa sarili mong tunay sila!""Paano mo iyon papatunayan sa ganyan mong hitsura ha, Alyson?"Gusto na niyang sabunutan ang babae at tanggalin ang lahat ng buhok nito sa ulo pero pinigilan n
Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gamot. Idagdag pa na galing lang siya sa sobrang pagdurugo. Sa sobrang dami ng kanyang iniisip ay hindi niya matandaan ang nangyari."Kasalanan niya ito, B-Babe. Gusto niyang mawala ang baby natin dahil naiinggit siya na di kayo magkaanak."Napasinghap ang mga nakarinig dito. Naniwala kaagad sa akusasyon na walang basehan. Ginulo na ni Alyson ang buhok dahil hindi siya makapaniwalang magagawang sabihin iyon ng babaeng ito na parang aspalto sa kalsada ang kapal ng pagmumukha. "Ulitin mo nga ang sinabi mo, Loraine! Kasalanan ko ang nangyari sa'yo? Ako talaga?" hindi na nakapagtimpi ay turo ni Alyson sa sarili na saglit nakalimutan ang sakit ng kalamnan. "Sigurado kang ako ang may gawa?"Walang
Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa gilid. Ito lang ang kanyang naabutan pagdilat ng mga mata. Base sa mga kurtinang naghahati sa mga kama ay nalaman niyang nasa ER pa siya."G-Gaano kataas, nurse?"Sinubukan niyang muling bumangon. Inalalayan siya ng nurse na maupo."Umabot po ng 39 ang temperature niyo kanina, medyo nagchi-chill rin po kayo ng dumating dito sa ER."Hindi na tinanong ni Alyson kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital. Ang unang sumilid sa isipan niya matapos tingnan ang swero sa kamay ay ang usapan nila ni Geoff ng araw na iyon na magkikita sa RTC."N-Nasaan ang bag ko, nurse?" sapo ang ulo ay bahagya pa siyang napapikit. Alam niyang may mali sa katawan ngunit hindi niya naman pwedeng i-balewala ang appo
PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay na siya ng kotse. Pinaharurot iyon patungo ng company nila dahil may trabaho pa siya ngayon. Isiningit lang niya sa schedule ang pagpunta sa RTC para sa pirmahan. Wala naman palang mapapala. Malamang una pa lang ay plano na ni Alyson na hindi pumunta para magatasan pa siya nito ng pera. "Inilalabas na niya ngayon ang tunay na kulay. Samantalang dati naman ay wala siyang ibang naging reklamo."Niluwagan ni Geoff ang suot na necktie dahil parang masasakal siya nito. Kinalma niya ang sarili bago bumaba ng kotse. Ilang minuto na siya sa parking ng building ng company nila, pero hindi pa siya bumaba dahil paniguradong mabubuntunan niya ng galit ang sinuman sa mga tauhan niya sa loob. "Sir Geof
HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa presensiya ng lalake. Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang bumulong sa katabi at manghampas. Walang sinuman ang naglakas ng loob na lumapit sa kanya habang iginagala niya ang mata sa kabuohan ng ER kung saan naroon si Alyson. Hawak pa rin ng lalake ang kurtina na tumatakip sa kamang hinihigaan ni Alyson na nagawa ng makabangon. "Totoo ngang nasa hospital ka."Walang pasubaling binunot ni Alyson ang karayom na nakabaon sa kamay. Dumugo iyon pero hindi niya alintana. Napamulagat na ang mata ni Geoff ng gawin iyon ni Alyson sa harapan. "Nawawala ka na ba sa tamang katinuan, Geoff? Bakit ka narito?!"Hinawakan na siya ni Alyson nang mahigpit sa isang braso at hinila palayo ng kama. May ilang nu
Sa pagtitig ng mga mata ni Geoff kay Alyson habang sinasabi iyon ng babae ay saka pa lang niya naisip na malaki ang pinagbago nito. Kung noon ay hindi nito magawang tumingin sa kanya ng deretso at palaging nakatungo, ngayon ay nagagawa ng labanan ang tingin niya. Sinasalubong na ang mga mata niya. Natatandaan niya pa kung bakit siya nabighani kay Alyson. Kahawig ito ni Loraine pero ang kaibahan lang ay payat ito keysa sa dating nobya niya. "Alyson, may mga araw naman na mabuti ako sa'yo—""Anong araw? Gabi. Kapag lasing ka. Iyon lang ang sandaling mahalaga ako dahil gusto mong gamitin ang katawan ko. Huwag mo akong gawing sinungaling, Geoffrey!" padyak pa ng mga paa ni Alyson. Natitigilang hindi maituloy ni Geoff ang mga sasabihin niya pa sana rito. "Pagsisisihan mong ipinaranas mo sa akin ang ganito, Geoff!" banta ni Alyson na umayos na ng tayo roon. Akmang magsasalita pa sana si Alyson nang biglang talikuran siya ni Geoff. "Fine. Tara. Let's date! Kung iyon lang ang isa sa pi
TUMIGIL sa paghakbang si Geoff nang maramdaman niyang hindi pa sumunod si Alyson sa kanya. Akma na sanang magsasalita ito para tanungin si Alyson kung ano pa ang tinutunganga nito, subalit napigilan iyon nang malakas na tunog ng kanyang cellphone sa loob ng bulsa. "Anong hinihintay mo? Sagutin mo."Mula sa screen ng cellphone niya ay napalingon na si Geoff kay Alyson. Hindi niya namalayan itong lumapit. Ang akala niya ay nasa likod pa rin. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magsasalita para iparating sa kanya na kasama mo ako ngayon." ngisi pa ni Alyson na nababasa na ang tinatakbo ng isipan ni Geoff. Sinamaan na ng tingin ni Geoff si Alyson. Duda siya sa sinasabi nitong hindi ito magsasalita. Malamang ay magagalit si Loraine oras na marinig nito ang boses ni Alyson. Magseselos at baka pag-ugatan pa ng away nila. Kilala niya ang unang kasintahan. "Sige na, sagutin mo na. Magagalit iyan sa'yo kapag hindi mo sinagot. Ikaw din ang magdudusa. Hindi ako."Umatras na si Geoff upang
"Oh, narito na pala ang soon to be ex-hipag ko." nang-aasar na bungad ni Xandria, bunsong kapatid ni Geoff pagkabukas pa lang nito ng pintuan. Hindi nagawang pumalag ni Alyson nang kaladkarin na siya papasok ng sasakyan ni Geoff upang isama sa bahay nila. Ano bang panama niya sa lakas ng lalake? Nanghihina pa siya. Bukod doon ay malakas ang pwersa ng asawa. Wala siyang panama rito. "Nice naman, alam mo bang narito rin ang other woman ni Kuya sa bahay?" puno ng sarkasmong dagdag pa nito. Hindi malaman ni Alyson kung inaasar ba siya ni Xandria o nais lang nitong pikunin siya at galitin ngayon. Sinigurado niyang hindi makukuha ni Xandria ang gusto niyang mangyari. Lingid sa kaalaman ni Geoff na ang kapatid niya ang naka-discover ng tungkol kay Loraine. May ilan sa mga kaibigan nito ang nakapagsabi sa kanya na nakikita ang kapatid niya at si Loraine kaya minanmanan niya. At nang mapagsolo si Loraine ay sinita niya. Wala namang choice si Loraine kung hindi ang umamin. Ibinaling na lang