Share

Chapter Fifty-Five

Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina.

"Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Tumayo at inayos ang sarili. Pagkatapos ay nahihiyang napatitig sa tiyahing mulagat.

A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo.

"Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan.

Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa.

Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose.

"N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin.

"Hinatid niya po ako dito sa bahay at..."

"At...?" tuloy na tanong ni tiyang Linda na may halong pagkainip.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status