Akmang magpupumiglas na siya nang magsalita ang may-ari ng kamay.
"Ako to." "Dimitri?" aniya at mabilis itong nilingon. Tinanggal ng lalaki ang suot na bonnet. Napasinghap ang dalaga nang tuluyan itong mapagmasdan. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob. Sinuri ni Dimitri ang sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo. Sabay pa silang napalingon nang maulanigan ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses. "Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon. Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero." Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit. Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala at muling pagkabuhay ng takot. Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito na anumang reaksyon. Pinanatili nito ang pagiging kalmado. Inalalayan siyang makatayo at sa pagkabigla niya ay muli siyang binuhat mula sa likod at patakbong lumayo sa lugar. Kumapit na lamang siya ng husto sa lalaki. Ilang sandali pa ay narating nila ang tinutukoy nitong talon. Marahan siyang ibinaba ni Dimitri malapit sa pampang pagkatapos ay ikinasa nito ang hawak na baril. Mukhang nakaamoy ng panganib. Nagpalinga-linga si Rose, wala siyang maaninag kundi puro kadiliman. Nataranta siya nang marinig ang mga kaluskos na paparating. Awtomatikong napahawak siya sa braso ni Dimitri. Inatake sya ng takot. "Pag sinabi kong talon, tumalon ka." mariing bulong ni Dmitri. "What?" Sobrang dilim ng paligid datapuwat naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa malapitan ay hindi naman niya maaninag kung ano mayroon sa ilalim ng talon. "Are you crazy?" Bulong niya rin sa lalaki." 'No. Hindi ako tatalon diyan. Ni hindi ko nga alam kung ano mayroon sa ilalaim niyang ilog." protesta niya. "Isa pa, I don't even know how to swim, kaya no ... over my dead b..." Hindi pa man niya natatapos ang mga litanya ay may sumulpot na dalawang lalaki. Armado ang mga ito. Napasigaw siya. Mabilis itong pinaputukan ni Dimitri. Timbuwang ang dalawa at sabay na bumulagta sa lupa, wala ng buhay. "Talon na..." Ang naiiritang utos ni Dimitri. "No," pagmamatigas niya. Napabuga sa hangin si Dimitri. Napipikong kinabig si Rose at walang sabi-sabi ay hinawakan sa mga bisig. ang dalaga at isininama patihulog sa talon. Kinain ng kadiliman at ingay ng lagaslas ng tubig ang malakas na sigaw ni Rose. Naramdaman na lamang nito ang mabilis na pagbulusok nila sa tubig. Nangatal sa takot ang dalaga. Mabilis na napuno ng tubig ang bibig nito. Agad na ikinawag ni Rose ang mga kamay sa tubig. Naramdaman nito ang pangangapos ng hininga at pagkawala ng hangin sa katawan. Mahapdi na rin ang mga matang pirmes na nakadilat. Hustong papanawan na ng ulirat ang dalaga nang bigla ay may humila sa kamay nito paibabaw. Inihiga siya ni Dimitri sa damuhan. Nagsunod-sunod ang ginawa niyang pag ubo dahil sa maraming tubig na nainom. Marahan siyang hinagod ni Dimitri sa likod. Pinalis niya ang kamay nito at nagpumilit na bumangon. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki. "You freak! Papatayin mo ba ako ha? Sinabi kong hindi ako marunong lumangoy. You scared me to death, you bastard." She's yelling at him. Si Dimitri ay tila naman natigilan at nanatiling nakamata lamang sa dalaga. Ni hindi pinansin ang panininghal ni Rose. Mas lalong nakaramdam ng pagkainis ang babae. "Anong akala mo sa akin palabas sa sine na basta na Lang panonoorin? Say something my goodness!" Patuloy na pagtataray ng dalaga. Nanatili pa ring walang imik si Dimitri. Sa halip ay hinubad nito ang leather jacket na suot. Pareho silang basa kaya kitang-kita ni Rose ang paghakab ng manipis at puting kamiseta nitong panloob sa matipuno nitong katawan. Namangha ang dalaga at mabilis na nag -iwas ng tingin. "Bago ka magbu-bunganga diyan, ayusin mo iyang sarili mo." Sa wakas ay rinig niyang turan ng lalaki. Sa nagtatakang ekspresyon ay lumipad ang tingin niya kay Dimitri. Nakatayo na ito habang nakatunghay sa kanya. Sinalubong ng lalaki ang mga titig niya sa nagdidikit na kilay. Siyete naman! bakit ba ang sexy nitong tingnan sa ganuong gestures. "Dibdib mo nakaluwa." anang bandido sabay hagis sa kanya ng nahubad na nitong jacket. Mabilis niyang sinuri ang dibdib. Nag-init ang mukha niya. Shit! Nakaluwa nga ang isa niyang bogelya at ni hindi man lamang niya napansin. Mabilis niyang ipinantakip ang jacket ni Dimitri sa nakahantad na dibdib. Hindi sya makatingin ng diretso sa lalaki. Ang yabang pa niya sa pagharap rito kanina, ngayon ay mistula syang halamang makahiya na biglang tiklop dahil sa kahihiyan. Naalala niyang winarak pala ni Batik ang blusa niya at dala marahil nang pagbulusok nila sa tubig ay nawala naman sa tamang pagkakakabit ang suot niyang bra. Iyon siguro ang dahilan kung bakit natitigilan ang lalaki kanina habang nakamata sa kanya. Ang Herodes at hindi man lamang sinabi agad. Samakatwid ay para nga itong nanonood ng mala-SPG na palabas sa sine. She looked away and cleared her throat. Sabay inayos ang pagkakasuot sa jacket upang mapagtakpan ang munting kahubdan. Ahhh. Gusto niyang magmaktol at magpa-padyak sa inis. Isang araw pa lang kung tutuusin niyang nakakasama ang bandido pero kung anu-ano na ang natuklasan nito sa kanya. Nang masigurong maayos na siya ay sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ng kasama. Napansin niyang may bagay na kinakalikot si Dimitri sa may halamanan. Pilit iyong hinahawi ng lalaki. Tumambad sa mata niya ang isang motorsiklo. Mukhang sadyang nakahanda na ito doon. Binuhay nito ang makina at sinulyapan siya. "Kaya mo bang iangat iyang binti mo?" tukoy nito sa parteng may sugat. Marahan siyang tumango sa kabila ng kahihiyang inabot.Sinimulan namang paandarin ng lalaki ang motorsiklo palapit sa kanya. Sinabihan siya ni Dimitri na sumakay. Hindi na siya nag-atubili at dali-daling sumunod. Batid niyang hindi pa sila lubos na nakalalayo. Balwarte ng mga ulupong ang kagubatan kaya maaaari pa rin silang masundan. Sa pagkakadaiti ng kanilang mga katawan ay di niya maiwasang mailang. Hindi niya rin alam kung saang parte ng katawan ni Dimitri kakapit. Hindi pa naman siya sanay sumakay ng motorsiklo. Lakas loob siyang humawak sa magkabila nitong balikat, pilit na inia-atras ang sarili sa likod ng lalaki upang hindi sila masyadong maglapit. Kakatwang hindi sila sumasabit man lang sa mga kadawagan, gayung latag pa rin ang dilim sa paligid. Tila sinadya ng buwan at mga bituin na 'wag magpakita, upang maitago sila ng dilim mula sa mga masasamang loob na siguradong naghahanap at humahabol pa rin sa kanila. Sinadyang wag buhayin ng lalaki ang ilaw ng motorsiklo nito.Pansin ni Rose na kabisado ni Dimitri ang kasulok-sulukan ng gubat. Tila sigurado ito sa daang tinatahak. Sabagay tahanan nitong maituturing ang kabundukan. Mga tulisan nga eh. May mga pagkakataon na nalulubak sila kaya't napapa-kapit siya ng mahigpit sa lalaki dahil sa takot na malaglag. Nakaligtas nga siya sa mga manyakis na buwitre muntik naman siyang malunod sa ilog at kung mamalasin pa ay maaari siyang mabagukan ng ulo 'pag nagkataong mahulog siya mula sa motorsiklo. Naramdaman niyang bumagal ang paandar ni Dimitri hanggang sa tuluyan nga nitong inihinto ang sasakyan. "Puwede bang 'wag ka sa balikat ko humawak? Nahihila mo ako. Malapit na tayo sa highway. Madidisgrasya pa tayo sa ginagawa mo." Reklamo ng lalaki. "Eh saan ba dapat huma---." Hindi na natapos ni Rose ang nais sanang itanong nang abutin ni Dimitri ang dalawa niyang kamay at pinagsalikop sa baywang nito.Pinaandar na muli ni Dmitri ang motorsiklo nito at nagpatuloy. Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel ng lalaki sa tiyan. Juice ng mga inumin! Steely body, oh my Jeez! Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs? It makes her hormones unruly and agitating. Her body is trembling. Nakakahiya! Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala niya ang sarili sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na. May gahibla na rin ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan. Rough road ang tinatahak nilang kalsada. Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana. Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo. Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa. Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hindi niya
Isa pa uling malalim na pagbuga ng hangin ang ginawa ni Dmitri. Tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya hindi komportable sa kanyang pwesto. Pinagkasya niya lang kasi ang sarili sa mahabang upuang yantok na nasa sala sa nakabaluktot na posisyon. Minabuti niyang maupo na lamang sa upuang yari sa kawayan. Sinulyapan niya ang nakapinid na pinto. Tahimik na sa kanyang silid patunay na maaaring mahimbing nang natutulog ang kanyang hindi inaasahang panauhin. Naisapo ng lalaki ang dalawang palad sa mukha, inihilamos, pagkuway tumayo at nagpabalik-balik ng lakad sa may katamtaman niyang sala. Andun iyong pinagkikiskis niya ang dalawang palad at muling mapapasulyap sa kanyang kuwarto. Hindi siya madalas magkabisita kaya ang kaalamang may ibang tao sa loob ng kanyang pamamahay ay nagdadala ng labis na alalahanin sa kanyang isipan. Nadagdag pa tuloy sa kanyang isipin ang estrangherang babae. Hirap tuloy siyang dalawin ng antok dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Napukaw ang pansin ni Dimitri sa munting kaluskos sa bahagyang liwanag. Kinapa niya ang beretta sa tagiliran at nakiramdam sa paligid. Dama niya ang mga matang nagmamanman sa 'di kalayuan. Nang masigurong hindi panganib ang dala nito ay muli niyang itinago ang baril. "Labas na, alam kong ikaw iyan Bugoy. Baka manuno ka pa sa katatago riyan sa halamanan," aniya. Lumitaw ang binatilyo at mabilis na lumapit sa binata. "Kuyang, kumusta po si ma'am snow white?" Agarang tanong ni Bugoy at saglit na sumilip sa loob ng bahay. "Natutulog na siguro.Anong balita sa bundok?" usisa niya. "Patay na si Batik napuruhan mo po kuyang. Galit na galit si pinuno at mahigpit na pinag-hahanap si ma'am at maging ikaw. Ahh... ang ibig ko pong sabihin ay iyong, tumulong kay ma'am na makatakas." Sagot ng binatilyo. "Naghinala ba sila?" "Hindi pero inutusan niya akong paakyatin ka ng bundok. Inaatasan ka niyang siyang maghanap sa dalawang tumakas. Hinigpitan na rin ang pagbabantay sa San Fab
🌹Chapter Ten🌹Tunog ng humintong motorsiklo sa labas ang marahas na nagpalingon kay Rose sa pintuan. Agad siyang napatayo, kilala niya ang ingay na iyon ng sasakyan. Kumabog ang dibdib ng dalaga. Saglit pa at bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa ang lalaki. Pakiramdam ni Rose ay tumalon ang puso niya nang tuluyang masilayan si Dimitri. Nabuhayan siya ng loob at dagling naparam ang kanina'y bumangong takot. Tinakbo niya ang lalaki at sinalubong ng yakap, ang luhang nagsimulang bumukal ay mabilis na dumaloy at nauwi sa mahinang paghikbi. "Damn it. Where have you been and what took you so long? Don't ever do that again. You scare me you freak." she burst out. Si Dimitri ay nagulat hindi agad nakakilos. Nabigla ito. Hindi nito inasahan ang ganoong pagsalubong mula sa kanya. Si Rose ay nabigla rin at agad na natauhan. Agad siyang bumitaw sa pagkaka-yakap kay Dimitri. Napayuko at nakaramdam ng hiya. "I...I'm sorry," mahinang anas niya. My God, ano bang pumasok sa isip niy
“Punyemas!" Mura ni Dimitri. “Ano bang nakain ng babaing iyon? Kundi lutong pansit lang naman ni Ka Goring. “ Kanina, habang papunta siya ng bayan ay nadaaanan niya ang matanda. Nagbilin itong daanan siyang muli pagbalik dahil nagluto raw ito ng pansit para sa panauhin niya. Kitang -kita na nagustuhan iyon ni Rose, mukha ngang mahilig sa ganoong pagkain ang babae. Hindi niya matagalan ang presensiya nito. Wala itong ginawa kundi ang ngitian siya ng ngitian at tila nananadya pa. Ang epekto nito bilang babae ay tunay na nakakaligalig. Hindi nararapat na gawin nito ang mga ganoong bagay. Dapat ay ikinu-konsidera pa rin nito na isa pa rin siyang estranghero. Ngunit sa malas ay sadyang mabilis magtiwala ang dayo. Ang ginawa nitong pagyakap kanina ay isang indikasyon na nakuha na niya ang loob at pagtitiwala ng babae. Saksi siya kung paanong nagliwanag ang nahihintakutan nitong mukha; at kung paano nabuhayan ng loob mula sa pagka-bagabag. Paano na lamang kung katulad rin siya nila
🌹Chapter Twelve🌹Putragis! Nawala sa isip niyang matalino pala si Rose. Ibang maglaro ang utak nito kaya nga nahulaan agad nito ang kanyang ideya. Tama ba siya ng rinig? Gusto pa rin nitong manatili sa lugar nila? Dapat ay nanginginig na ito sa takot at nag-aalala para sa sarili nitong kaligtasan. Sa mga inabot nitong karahasan sa bundok inaaasahan niyang na trauma ito. Ngunit kung babase siya sa reaksyon nito ngayon ay tila siyang-siya pa ang babae. Hindi kaya naalog ang utak nito? Sinong tao ang gustong mabingit sa kamatayan? Siya tuloy ang naiipit sa sitwasyong kinasusuungan nito, akala pa man din niya ay kukulitin na siya ng babae para makatakas at tuluyang makalayo. Napabuga tuloy sya sa hangin. Mukhang magiging problema pa ata niya si Rose. Kinabukasan ay maaga siyang gumising. May mahalaga siyang lalakarin sa bayan, ngunit hindi siya basta-basta makaalis. Natutulog pa kasi ang babae. Kailangan niya itong hintaying magising at baka maghisterya na naman ito sa tak
“Aalis ka?" Usisa ni Rose kay Dimitri. Katatapos niya lang magligpit at maghugas ng pinagkainan nila. Isinampay niya ang pamunas na ginawang panuyo ng kamay. Lumapit siya kay Dimitri na noo'y kinukuha ang baril sa lalagyanan nito maging ang holster. Pagkatapos nilang mag almusal kanina ay pumasok ito ng banyo. Paglabas ay nakapaligo at nakabihis na rin. Pinaglandas niya ang mata sa binata. Suot ang medyo faded na cargo pants. Itim na kamiseta na pinatungan siyempre ng paborito nitong leather jacket. At walang, kamatayang combat shoes na sapin lagi sa paa. Hinayaan lang muna nitong nakalugay ang basa pang buhok. May bagong tubo na balbas sa pisngi na hindi na nito pinagka-abalahang ahitin. Anupa't sangganong-sanggano ang datingan. He looked more of a dangerously handsome hitman. That makes her swoon over him. She can't deny her attraction to this daredevil man. At matagal na niya iyong inamin sa sarili. Sa unang pagkikita pa lang nila ni Dimitri batid niyang nag
Mulagat na mulagat si, Rose. Kulang na lang ay ibato ang hawak na telepono. Nagpupuyos ang damdamin niya sa sobrang ngitngit sa kausap. At ano ang tawag nito kay Dimitri, Dimi? Dimi her ass. She got pissed with that woman. Tumaas-baba ang dibdib niya sa nadaramang inis. Oh God, she feels her anger escalating. Marahil ay masisinghalan niya si Dmitri 'pagdating nito. Ang hitad na iyon, nagmalaki pa. Ang laswa! She takes a deep sigh. Kalma Rose, kalma...Pero kahit anong pilit niyang ikalma ang sarili ay talagang umaapoy ang pakiramdam niya. Shit! Why am I so angry? Mabilis siyang lumabas nang sa wakas ay maulanigan ang tunog ng motorsiklo. Hindi na siya nag-atubili at madilim ang mukha na sinalubong niya si Dmitri na noon ay kasalukuyang ipinaparada ang motorsiklo nito sa gilid ng bahay. "Where have you been?" Mabalasik niyang tanong. Nagtatakang nilinga siya ng lalaki. "Nagpaalam ako sa'yo, hindi ba?"tugon nito. "Oo, pero sana nagsabi ka ng totoo. Hindi iyong