It's Monday morning. Sinadya niya talagang magising ng maaga para siya ang personal na mag-asikaso at tuloy maghatid kay Alexa sa iskwelahan. At katulad ng palagiang routine ay hindi na nya nagisnan si Alexander. Sabagay hindi na rin naman sya sigurado kung regular na umuuwi pa ang asawa sa gabi. Nito kasing mga nakaraang araw ay naglalagi na ito sa kinuhang condo and who knows kung sino ang madalas nitong kasama. Sino pa nga ba e di si Avira. Umasim ang mukha niya sa naisip. Eksaktong alas-otso ay nasa St. Joseph Learning School na silang mag-ina. Tamang-tama lamang para sa oras ng klase nito. May humiwalay na ilang hibla ng buhok sa noo ng bata kaya Inayos niya muna sa pagkaka-tirintas ang buhok ng anak. Dinagdagan niya iyon ng ilang maliliit na ipit pa, sa request na rin ni Raven. "Okay, you're ready." Aniyang ubod tamis na nakangiti sa bata. "Do I look like a princess mommy?" Malambing na tanong nito. "Of course, a very beautiful princess," sagot ni Rose sa anak.
Walang abi-abiso ay pinasok ni Claire ang conference room sa kabila ng nasa kalagitnaan na ito ng pagpupulong. Natuon ang buong pansin ng mga taong nasa loob sa namumutlang babae. Tumingin ito ng diretso kay Alexander habang nangangatal. Si Alexander naman ay kumunot ang noo sa pagtataka sa anyong nakikita sa sekretarya. "S. Sir may nagaganap na hostage taking sa St. Joseph Learning Center sa ngayon," umpisa nito. "Hawak ng isang grupo ang buong iskwelahan, estudyante at mga guro, kasama na ho s...si Alex.” tarantang imporma ni Claire. Pagsinghap ang namutawi sa loob. Si Lance ay mabilis na inabot ang remote control at binuksan ang TV. Eksakto namang naka-ere na ang nangyayaring kaguluhan sa naturang iskwelahan. Alexander's face went red. His lips go thin and tight looking. Walang imik itong tumayo. He headed outside the conference room, kasunod si Lance. May pagmamadali sa kilos ng dalawa. Rose was sobbing in desperation. Hilam na siya sa luha.
“Do we need to hurry her to the hospital?" Alexander asked with a worried look on his face. "Not necessary." doctor Clark Zantillan replied. Mabilis na sumugod ang doktor sa mansion ng mga Zaavedra nang mapag-alaman ang nangyari. Tsi-nek nitong maige ang kalagayan ng bata. Wala naman naging sugat o galos sa katawan si Alexa. At ayon na rin mismo sa bata ay hindi naman daw ito nasaktan kundi natakot lamang ng kaonti pagka't dumating naman raw agad ang kanyang daddy Alexander. "Nakakabilib ang angking katapangan ni Alex. Nagawa nitong kontrolin ang takot at emosyon. Naging kalmado ang bata. The way she talked ay hindi ko siya kinakitaan ng pagkasindak o malalim na takot sa nangyaring karahasan. Oh well, kung ibang bata lamang siya ay malamang hindi na niya nagagawang magdetalye pa or maybe hindi na natin nakakausap pa ng maayos ngayon." Ang mahabang obserbasyon ng doktor. Inayos ni Clark ang stethoscope nito at isinilid sa bag. Tumingin kila Rose at Alexander. Larawan ng ka
“I love it here Mommy!!!" Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Alexa. Nagtatalon at nagtitili pa ito sa tuwa. WAlang pag-aatubili na tumakbo ito sa dalampasigan patungo sa dagat. Pinaglaro nito ang mga paa sa maputing buhangin at sa mumunting alon. Tama si Clark, Alex loves the place. Huminga si Rose ng ubod lalim. Pinuno ng sariwang hangin ang nagsisikip na dibdib. Sa dami ng mga nangyari na tila unos, hindi na niya maalala kung paano ang mag-relax. Mula ng dumating si Alexander sa buhay nilang mag-ina ay lagi na lamang siyang tensiyonado at nag-aalala. Baka katulad rin ng kanyang anak ay kailangan niya rin ang ganitong ka-peaceful na tanawin. Kaysarap pakinggan ang ingay na nagmumula sa karagatan tunay na nagpapakalma ito at nagpapagaan ng bumibigat na kalooban. Higit sa lahat ay nagbibigay ito ng positibong pananaw. Bawat hampas ng alon sa dagat ay may hatid nang 'di matawarang kapayapaan, kaluwalhatian sa kanyang pakiramdam. Iginala niya a
Ang buong maghapon ay ginugol nila Alexander sa paglilibot sa bayan ng San Isidro. Hangang-hanga si Rose sa kagandahan ng paligid. Indeed a place like a hidden paradise. Sa kanilang mini-exploration ay kasama na ang pagbisita sa Villa ng mga Zantillan. Nauna na kasi silang naimbitahan ng mga magulang ni Clark. Akalain mo iyon sa itinagal-tagal ng panahon na magkakilala sila ng doktor ni Manolo ay ngayon lamang siya nakadalaw sa lugar nito. Naging napakainit nang pagtanggap sa kanila nila Donya Isabel at Don Franco. Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa ka-bibohan ng kanyang anak. Noon lang din niya nalaman na magkababata pala ang asawa at si Clark at malapit na magkaibigan ang kani-kanilang mga pamilya. Hindi niya maiwasang mamangha sa kabuuan ng Villa Zantillan. Sa bungad pa lamang ay hangang-hanga na siya. Katulad ng ancestral house ng mga Zaavedra ay takaw-pansin ang Villa na napapalilibutan ng mga ibat-ibang halamang namumulaklak. Ayon na rin kay Donya Isabel, ang mama ni Clark ay
Mabilis na binuhat ni Alexander si Rose at dinala sa tubig sa parteng hanggang baywang sa kabila ng pagpupumiglas ng babae. Umangat ang kamay nito sa leeg ng asawa at masuyong dumama in an erotic way. Napahugot naman ng paghinga si Rose nang madama ang mga palad ng asawa na lumalandas sa kanyang mga balikat. "Let's take off this thing," tukoy ni Alexander sa roba niya. "Oh No!" piping hiyaw ng isip niya. Gusto niyang magprotesta ngunit bago pa man niya maisatinig ang nais sabihin ay mabilis na nabaklas ng asawa sa pagkakabuhol ang suot niyang roba. Naibaba agad iyon ng lalaki at hinayaang anurin ng alon palayo. Walang ibang naiwan kundi ang manipis niyang pantulog. She wasn't wearing a bra. Dahil nasa ibabaw na sila ng tubig ay mistula na siyang walang saplot dahil sa pagkakabasa. Natuon ang mata ni Alexander sa dibdib ng asawa. Small but firm, tamang-tama lang ipaloob sa mga palad niya. Sa pagkapahiya ay pinagkurus ni Rose ang mga kamay sa dibdib. "Don't be s
“Mom!" Sigaw ni Alexa nang mapansin siya pagtingala nito sa may bintana. Sumunod na lumingon ang asawa. Huli na upang kumubli. Wala siyang nagawa kundi ang kumaway at magbigay ngiti sa anak. Pinamulahan siya ng mukha nang maramdaman ang humahagod na tingin ng lalaki. Mas lalo siyang namula nang sumilip si Manang Choleng at makita siya sa ganoong itsura na halos kumot lang ang saplot sa katawan. Napaungol siya sa kahihiyan. Bumalik sa loob at lumipat sa guestroom. Mabilis na naligo at nagbihis. Isang dilaw na mini dress ang kanyang isinuot na tinernuhan niya ng sandalyas. Paano niya ba haharapin ang asawa ng hindi naiilang. Ah, bahala na ...bulong niya sa sarili. Sa isang panig ng malawak na bakuran ay may nakatayong dampa o bamboo hut. Nakita niya roon si Manang Choleng, at abala sa paghahanda ng mga pagkain. Minabuti niyang doon na lamang tumuloy. Sinulyapan niya ang asawa at anak. Patuloy pa rin ang mga ito sa paglalaro. "Magandang umaga po, Manang Cho
“Avira?" Ang gulat na si Alexander na hustong kapapasok lang sa pintuan. Hindi nito inaasahan na madadatnan ang babae sa pag-uwi. Sabay pang napalingon sila Rose at Avira sa lalaki. "Oh darling, so happy to see you." Salubong ng babae at akmang hahalikan sana ang lalaki. "What brought you here, Avira?" Tanong ni Alexander sa malamig na tono. "I have a surprise for you," sagot ni Avira, na may kasamang pag-angat ng kilay. Mukhang hindi nito nagustuhan ang malamig na pakikitungo ni Alexander. "See this?" Itinaas nito ang hawak na brown envelope. "Ito ang tatapos sa pagpapanggap ng babaing iyan," duro nito Kay Rose sa nanlilisik na mata. Kumunot ang noo ni Alexander. Si Rose naman ay walang maintindihan sa mga pinagsasabi ng babae. Niladlad ni Avira ang nilalaman ng malaking sobre. Inabot ang bagay na iyon Kay Alexander. Pinasadahan ng lalaki ang papel o kung anuman iyon. Umigting ang panga nito at nagbago ang anyo, naging mabalasik. Ngumisi si Avira.