Share

Chapter Twenty -Four

Napaupong bigla Si Rose, tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod.

Mabilis naman siyang dinaluhan ng tiyahin na katabi lamang niya.

Nang matuklasan niya ang pagkakaroon ng iba pang anak ni Manolo ay nabahala na siya sa magiging kalagayan nilang mag-tiyahin. Higit siyang nag-alala para sa anak.

Paano tatanggapin ng lalaki ang pagkakaroon nito ng kapatid sa ama?

At si Alexa, paano niya ipaliliwanag sa anak kung sino si Alexander sa buhay nito? Makakaya bang tanggapin ng pang-unawa ng bata ang mabilis na pagbabago sa buhay nito?

Ngayon niya lamang higit na naunawaan kung bakit ng mga nakaraang buwan ay nagpabalik-balik si Manolo sa Amerika.

Pilit pala nitong inaayos ang problema sa pagitan nito at ng anak.Subalit nabigo ang Don.

Napag-alaman niya na matigas ang loob ni Alexander. Sumama ang loob niya nagkaroon ng munting galit sa lalaki. Tanong niya ay paano nito nasisikmura na ignorahin ang ama nito sa abang kalagayan. Subalit ay hindi na niya inalam ang buong kuwento.

S
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status