"Boss," tawag sa kanya ni Brando ng lumapit na ito. Makikita ang pagdanak ng dugo sa kabuuan ng Phoenix underground. Tuwid pa rin siyang nakatayo habang nakatingin sa mga tauhan ng WildLand na wala ng buhay. Binalingan niya si Brando."Ilang oras na lang mayroon tayo, Brando?" Yumuko si Brando at tiningnan ang oras sa kanyang suot na relo."Dalawang oras na lang Boss, para ilikas ang kambal at si Ma'am Ciara.""Gawin ito sa lalong madaling panahon. Kailangan natin bumalik sa ospital." Hindi na sila nagsayang pa ng oras. Agad silang nakarating ng hospital sa loob ng kinse minutos lang dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ng sasakyan."Lesly, kailangan nating umalis, ngayon din." Nagmamadali niyang binuhat si Ciara palabas ng hospital. "Master Black, wala tayong oras upang itago si Master Red, narinig ko kanina ang pagbaba ng Rewad Notice mula sa Planetarium tungkol sa patong sa ulo ni Master. Saan mo siya balak dalhin?""Saka na natin isipin 'yan, kailangan ko pang ilikas ang mga
"Doc, anong lagay ngayon ng anak ko?" Puno ng pag-alala ang mga mata ni Donya Amanda habang nakatingin kay Ciara. Hawak ni Clarence ang kamay ng asawa habang naghihintay sa sasabihin ng Family Doctor nito."Nahihirapan akong tanggalin ang lahat ng lason sa loob ng kanyang katawan. Kumalat na sa buong sistema n'ya ang lason. I'm afraid kapag tumagal pa ito, hindi na rin kakayanin ng 5 weeks old na ipinagbubuntis niya ang poison." Nahilamos ni Clarence ang mukha. Ang anyo niya ngayon, dinaig pa ang natalo sa laban. Kailangan na niyang magmadali. Habang tumatagal, palala ng palala ang sitwasyon ng mag-ina niya. Nauubusan na siya ng oras. Kailangan na niyang mahanap ang antidote. Bigla siyang tumayo, nakita niya ang nagtataka na mga mata ni Donya Amanda."Kailangan ko ng umalis Mom. Wala na po akong oras. Kailangan ma-iligtas ang mag-ina ko." Hindi na niya hinintay pa ang Donya na sumagot. Agad na siyang humakbang patungong pintuan."Clarence," Napatigil siya sa pagpihit ng doorknob ng
“Brando, hintayin mo muna ang go signal ko bago kayo magpaputok.” wika niya habang nag-iisip kung paano makapasok sa loob ng mataas na building. Nasa limampung palapag ito at bawat palapag ay puno ng mga nakabantay na highly trained assassins. Inayos niya ang suot na hidden earpiece sa earlobe niya. Naka-konekta ang coil wire nito sa loob ng suits niya pababa sa kanyang paa. Madilim ang paligid dahil sinadya niyang pumunta sila ng gabi upang hindi halata ang pag atake nila. "Ang mga tauhan?"tanong niya. "Kanina pa sila nakahanda, Master." "Good," “Pero si Demon Master, hindi nakapunta, ayon sa napagkasunduan niyong dalawa.” dagdag sa sinabi nito. “Pero ang sabi niya pupunta siya,” giit niya kay Brando. “Hindi ko alam Master. Pero hindi po siya dumating ayon sa takdang oras na napag-usapan ninyo.” Parang gusto niyang panghinaan ng loob dahil sa narinig. Si Demon Master lang ang pwedeng tumulong sa kanya upang lumakas ang pwersa niya. Ngunit hindi niya alam bakit hindin ito naka
“Brando tinatanong kita, saan si Master Black?” parang gusto ng tadyakan ni Lesly si Brando dahil kanina pa niya ito tinatanong, waring wala itong plano na sumagot. Patuloy lang ito sa pag-iyak dahilan upang lalo siyang nag-alaala para sa master red niya. Kasalukuyang tinatanggal ngayon ng Doctor ang lahat ng lason sa katawan ng master nila gamit ang Antidote na dala ni Brando. Mabuti na lang at hindi ito nahuli ng dating dahil kapag nagkataon, malamang hindi na nito naabutan ng buhay ang Master Red niya. Maihahambing na kasi ito sa latang gulay, at tila tanggap na nito ang kamatayan. Ang pinag-alala pa niya, baka hindi maka survive ang baby nito. Kung makasurvive man, panalangin na lang niya na walang defects sa baby nito.“Buds, Hindi na makakauwi si Master.” Humagulgol si Brando ng iyak habang umaamin sa kanya. Wala itong pakialam kung iisipin man niyang bakla ito dahil daig pa siya kapag humagulgol. Ngunit hindi iyon ang nakakuha ng atensyon niya kundi ang sinabi nito. “Ano? Ipali
“I'm sorry son, sana maintindihan mo na lahat ng ginagawa kong ito para sa iyo. Alam kung nahihirapan ka, sabihin mo man na isa akong selfish na ina, pero maniwala ka, lahat ng ito ginagawa ko dahil ayokong maranasan mo ang sakit na naranasan ko noon sa taong minahal ko. Mahal na mahal kita son.”“Tita.” Mabilis na pinahid ni Donya Leticia ang kanyang mga luha ng marinig ang boses ni Crystal na tumatawag sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Clarence. Mag-isang buwan na simula ng kinuha niya ito mula sa teritoryo ng Triad. Hanggang ngayon hindi pa rin ito nagigising dahil sa tuwing magigising ito lagi niya itong tinuturukan ng pampatulog. Hindi pa siya handa na harapin ang kanyang anak. Ngunit ngayon buo na ang desisyon niya. Maaaring malaki ang nagbago kay Clarence dahil sa ginawa niya, pero ginawa niya ito para sa kapakanan ng anak niya. Hindi na siya nag-abala pang lingunin si Crystal. Patuloy lamang siyang nakatitig sa anak, habang nakapikit an
“Kid, sinong kasama niyo? Saan ang inyong mga magulang?” tanong ni Clarence nang mag squat ito upang pumantay sa dalawang bata."Ikaw ang Daddy namin at iyon naman si Mommy," itinuro rin ng babaeng bata ang kinatatayuan ng mommy niya. Sandaling nagtama ang mga mata ni Clarence at Ciara. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito."Hindi alam ni Clarence kung bakit ganito ang pakiramdam niya ng makita ang babaeng tinuro ng bata na Mommy ng mga ito. Nagtataka siya dahil kamukha niya ang dalawang bata. Lihim niya na imbestigahan ang bagay na ito."Alright kid bumalik na kayo sa Mommy niyo. Baka mamaya mawala pa kayo dahil humihiwalay kayo sa kanya." Nakangiting wika ni Clarence at ginulo ang buhok ng dalawang bata. Nagtaka naman ang dalawa dahil normal lang ang reaksyon ng kanilang ama. Para bang hindi sila naging parte ng buhay nito. Bumagsak ang luha ni Zariah ng makitang tinalikuran na sila ng kanilang ama.Gustong sumigaw ni Ciara, ngunit walang lumabas sa mga labi niya habang nakatingin s
A Few days later…“Clarence, ngayong nakabalik ka na, ano ang balak mo sa darating na linggo?” tanong ni Chairman Leticia habang magkaharap sila sa pagkain.“Bakit Mom, ano po ba ang mayroon sa darating na linggo?” takang tanong ni Clarence habang patuloy sa pagkain.“Son, it's your 29th birthday, of course. Saan mo planong mag celebrate ng birthday mo?” nakangiting wika ni Leticia.Sandaling nag-isip si Clarence. Birthday na pala niya sa darating na linggo ngunit wala man lang siyang naalala. Isang taon na ang nakalipas simula ng magising siya, ngunit, hanggang ngayon, pakiramdam niya malaki pa rin ang kulang sa pagkatao niya. Minsan may hiyawan ng mha bata na pumapasok bigla sa utak niya. Minsan naman napapanaginipan niya ang walang mukha na babae at ang mainit na pagniniig nila sa kama, ngunit nagigising siya na si Crystal ang babaeng kasama niya sa kama. Subalit sa hubog ng katawan, hindi si Crystal ang babaeng nasa panaginip niya, dahil ma-alon at kulay mais ang buhok nito, hindi
Aaminin niyang nasaktan siya sa sinabi nito maging sa klase ng mga titig nito sa kanya. Ngunit nandito na siya, ibigay na niya ang todo niya. Tumayo siya at lumapit kay Clarence. Kumandong siya sa mga hita nito at pinulupot ang dalawang kamay sa leeg nito. Lihim siyang natuwa dahil ramdam niya ang nang-iinit na reaksyon nito dahil sa ginawa niya. Ramdam niya ang pagpigil nito ng laway, ng dumapo ang balat niya sa balat nito. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Hindi na niya napigilan ang sarili kaya't buong suyo niyang tinawid ang nakaawang na labi nito.“I love you, Clarence. Take me back in your arms.”“W-wait, shit…” mahinang mura ni Clarence. Darang na daramg na siya sa babae. Hindi na niya kayang kontrolin ang sarili niya. Pakiramdam niya, bumabalik siya sa panaginip niya sa pakikipagniig sa babaeng walang mukha. At ang pabango ng babaeng ito ngayon na yumayakap sa kanya, walang pinagkaiba sa pabango ng babaeng nasa panaginip niya. Parang may kung anong enerhiya ang nagtulak sa ka