Mayroon pa po akong tatlong chapter na dagdag. Lagi kasing brown-out kaya nauudlot ang pagsusulat ko ngayong araw. Pero magpupuyat ako ngayon para matupad ang sinabi ko na limang chapter. Maraming salamat.
“Brando tinatanong kita, saan si Master Black?” parang gusto ng tadyakan ni Lesly si Brando dahil kanina pa niya ito tinatanong, waring wala itong plano na sumagot. Patuloy lang ito sa pag-iyak dahilan upang lalo siyang nag-alaala para sa master red niya. Kasalukuyang tinatanggal ngayon ng Doctor ang lahat ng lason sa katawan ng master nila gamit ang Antidote na dala ni Brando. Mabuti na lang at hindi ito nahuli ng dating dahil kapag nagkataon, malamang hindi na nito naabutan ng buhay ang Master Red niya. Maihahambing na kasi ito sa latang gulay, at tila tanggap na nito ang kamatayan. Ang pinag-alala pa niya, baka hindi maka survive ang baby nito. Kung makasurvive man, panalangin na lang niya na walang defects sa baby nito.“Buds, Hindi na makakauwi si Master.” Humagulgol si Brando ng iyak habang umaamin sa kanya. Wala itong pakialam kung iisipin man niyang bakla ito dahil daig pa siya kapag humagulgol. Ngunit hindi iyon ang nakakuha ng atensyon niya kundi ang sinabi nito. “Ano? Ipali
“I'm sorry son, sana maintindihan mo na lahat ng ginagawa kong ito para sa iyo. Alam kung nahihirapan ka, sabihin mo man na isa akong selfish na ina, pero maniwala ka, lahat ng ito ginagawa ko dahil ayokong maranasan mo ang sakit na naranasan ko noon sa taong minahal ko. Mahal na mahal kita son.”“Tita.” Mabilis na pinahid ni Donya Leticia ang kanyang mga luha ng marinig ang boses ni Crystal na tumatawag sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Clarence. Mag-isang buwan na simula ng kinuha niya ito mula sa teritoryo ng Triad. Hanggang ngayon hindi pa rin ito nagigising dahil sa tuwing magigising ito lagi niya itong tinuturukan ng pampatulog. Hindi pa siya handa na harapin ang kanyang anak. Ngunit ngayon buo na ang desisyon niya. Maaaring malaki ang nagbago kay Clarence dahil sa ginawa niya, pero ginawa niya ito para sa kapakanan ng anak niya. Hindi na siya nag-abala pang lingunin si Crystal. Patuloy lamang siyang nakatitig sa anak, habang nakapikit an
“Kid, sinong kasama niyo? Saan ang inyong mga magulang?” tanong ni Clarence nang mag squat ito upang pumantay sa dalawang bata."Ikaw ang Daddy namin at iyon naman si Mommy," itinuro rin ng babaeng bata ang kinatatayuan ng mommy niya. Sandaling nagtama ang mga mata ni Clarence at Ciara. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito."Hindi alam ni Clarence kung bakit ganito ang pakiramdam niya ng makita ang babaeng tinuro ng bata na Mommy ng mga ito. Nagtataka siya dahil kamukha niya ang dalawang bata. Lihim niya na imbestigahan ang bagay na ito."Alright kid bumalik na kayo sa Mommy niyo. Baka mamaya mawala pa kayo dahil humihiwalay kayo sa kanya." Nakangiting wika ni Clarence at ginulo ang buhok ng dalawang bata. Nagtaka naman ang dalawa dahil normal lang ang reaksyon ng kanilang ama. Para bang hindi sila naging parte ng buhay nito. Bumagsak ang luha ni Zariah ng makitang tinalikuran na sila ng kanilang ama.Gustong sumigaw ni Ciara, ngunit walang lumabas sa mga labi niya habang nakatingin s
A Few days later…“Clarence, ngayong nakabalik ka na, ano ang balak mo sa darating na linggo?” tanong ni Chairman Leticia habang magkaharap sila sa pagkain.“Bakit Mom, ano po ba ang mayroon sa darating na linggo?” takang tanong ni Clarence habang patuloy sa pagkain.“Son, it's your 29th birthday, of course. Saan mo planong mag celebrate ng birthday mo?” nakangiting wika ni Leticia.Sandaling nag-isip si Clarence. Birthday na pala niya sa darating na linggo ngunit wala man lang siyang naalala. Isang taon na ang nakalipas simula ng magising siya, ngunit, hanggang ngayon, pakiramdam niya malaki pa rin ang kulang sa pagkatao niya. Minsan may hiyawan ng mha bata na pumapasok bigla sa utak niya. Minsan naman napapanaginipan niya ang walang mukha na babae at ang mainit na pagniniig nila sa kama, ngunit nagigising siya na si Crystal ang babaeng kasama niya sa kama. Subalit sa hubog ng katawan, hindi si Crystal ang babaeng nasa panaginip niya, dahil ma-alon at kulay mais ang buhok nito, hindi
Aaminin niyang nasaktan siya sa sinabi nito maging sa klase ng mga titig nito sa kanya. Ngunit nandito na siya, ibigay na niya ang todo niya. Tumayo siya at lumapit kay Clarence. Kumandong siya sa mga hita nito at pinulupot ang dalawang kamay sa leeg nito. Lihim siyang natuwa dahil ramdam niya ang nang-iinit na reaksyon nito dahil sa ginawa niya. Ramdam niya ang pagpigil nito ng laway, ng dumapo ang balat niya sa balat nito. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Hindi na niya napigilan ang sarili kaya't buong suyo niyang tinawid ang nakaawang na labi nito.“I love you, Clarence. Take me back in your arms.”“W-wait, shit…” mahinang mura ni Clarence. Darang na daramg na siya sa babae. Hindi na niya kayang kontrolin ang sarili niya. Pakiramdam niya, bumabalik siya sa panaginip niya sa pakikipagniig sa babaeng walang mukha. At ang pabango ng babaeng ito ngayon na yumayakap sa kanya, walang pinagkaiba sa pabango ng babaeng nasa panaginip niya. Parang may kung anong enerhiya ang nagtulak sa ka
“Paano Ciara, mauuna na kami ni Mylah sa Montana Cove resort.”nakangiting wika ni Edwin. Kasalukuyan silang nag-uusap ni Mylah sa loob ng silid, nang sumilip ito. Napatingin silang dalawa ng kaibigan sa gawi ni Edwin na pumasok sa loob ng silid. Hindi niya maiwasan na hindi na miss si Clarence ng tumingin siya kay Edwin na hinalikan sa labi si Mylah. Hindi na siya nagtataka kung bakit mabilis mahulog ang loob ni Mylah kay Edwin kahit pa noong simula ayaw nito sa lalaki. “Best, ano, okay ka lang ba?” tanong ni Mylah ng mapansin ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.” Ngumiti siya na tumango sa kaibigan. “Oo okay lang ako, ano ka ba.” Hinampas niya ito sa balikat. “Aayusin ko lang ang lahat na mga gamit ni Baby Adler, susunod na rin kami.” Ayaw sana niyang isama ang mga bata, ngunit si Edwin ang nag insist na isama ang mga ito para makadalo sa birthday ng Daddy nila. Kahit annulled na sila ni Clarence, dinala pa rin niya ang proof na minsan na silang kinasal dahil sa mga bata. Nagp
MONTANA COVE RESORT6:00 P.M.ALAS Sais pa lang ng hapon; unti-unti ng napuno ng mga bisita ang kabuuan ng resort. Sa ikatlong palapag ng hotel nakatayo si Clarence mula sa veranda sa labas ng silid niya. Hawak ang kopita na may laman na alak; panay ang pag lagok niya. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, at mahirap basahin ang kanyang iniisip. Gayunpaman, suot ng kulay asul niyang longsleeve na pinatungan ng kulay asul din niyang tuxedo, kahit na sinong babae na makikita siya hindi maaaring hindi mapahanga at maglaway sa angking kagwapuhan niya. Ang mukha niyang perpektong hinulma sa angkan ni Adonis ay nagbibigay ng malakas na domino effect sa sinumang babae na nangangarap kahit isang sulyap mula sa kanya.Pinasok niya ang isang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon habang ang isang kamay naman ay humahawak sa kopita. Lihim niyang pinagmamasdan ang bawat pagdating ng mga bisita sa ibaba. Napansin niya na halos lahat ng mga dumalo ay puro kilala ng kanyang ina. Kahit nga celebrity nagta
"Master nandito na po tayo." Nakabalik si Clarence mula sa lumilipad nyang imahinasyon ng marinig ang sinabi ng kanyang tauhan. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya ng bumaba na siya mula sa chopper. Hinubad niya ang suot na damit at pinalitan iyon ng puting t-shirt. Binigay niya ito kay Brando na kasalukuyang nasa loob pa rin ng chopper. “Ikaw na ang bahala riyan. Ituloy mo ang plano.” Kinuha naman iyon ni Brando. “Sigurado na po ba kayo dito, Master?” tanong nito. “Para sa pamilya ko, wala akong hindi kayang gawin.” sagot niya at tinalikuran na ito. Nagpakawala na lang ng buntong hininga si Brando habang sinusundan ng tingin ang papalayong master. “Sana naman matapos na ang lahat ng problema mo, Master at ng magkaroon din naman ako ng happy ending,” usal nito sa sarili, bago muling pinalipad ang chopper. Napahinto si Clarence sa paglalakad at humarap sa dagat. Nag-iispi siya ng plano kung paano sabihin kay Ciara ang lahat. Napatingin siya sa paligid. Binili niya ang flo