"Patrick, wait..." Pinapahinto ni Cindy ang mabagal pang pag-andar ng kotse ni Patrick paalis sa bahay nina Andy."Why?""Look, it's Tita Angie." Itinuro ni Cindy sa bumabang madam sa kotse. Kita nila ang pagbaba rin ng isang babae na maganda, na kasing edad din yata nila. Tapos ay may binaba silang wheelchair, saka umupo roon ang magandang babae."Kilala mo siya?" tanong ni Karen kay Cindy.Umiling si Cindy na hindi inaalis ang tingin kina Madam Angie. "No.""Who's she? Ngayon ko lang din siya nakita, eh," saad naman ni Patrick. "Baka ipapakilala ni Tita Angie kay Andy kasi wala na sina Yolly at Andy.""Shut your f*cking mouth up!" pagtataray rito ni Cindy. "Hindi pwedeng magreto ng iba si Tita Angie kay Andy! Andy is mine!"Natigil sa pag-uusap ang tatlo nang makapasok na sa loob ng bahay sina Madam Angie at ng babaeng hindi nila kilala."Aisst, tara na nga. Bumalik na lang tayo next time 'pag okay na si Andy." At pinaharurot na nga ni Patrick ang kotse nito kahit na umangal si Cind
Marahas na tinanggal ni Andy ang kanyang malaking headphone at hinayaan lang iyon na nakasabit sa leeg niya. Sinubukan niyang abalain ang sarili sa panonood ng mga movie at sa pagsa-sound trip, kaso nakaka-badtrip lang dahil naiisip pa rin niya si Yolly kahit ano’ng gawin niya.Pero hindi dahil sa kung anuman. Just to clarify, he was just wondering if Yolly has already left their house. He still doesn't care about that woman. Even if she starves to death or whatever.Pero paano kung totoong wala itong kasama sa bahay nila? Na umalis nga ang nanay nito? Paano kakain si Yolly? Paano iyon kikilos kung naka-wheelchair? Pangungunsensya pati ng konsensya niya."Come on, Andy! Huwag ka nga papadala sa konsensiya mo!" saway niya sa sarili saka padabog na tumayo sa couch at pabalibag na ibinato ang remote sa kama niya nang mapatay niya ang flat screen TV.Kusang lalabas na sana siya ng silid, pero nag-alangan siya. Hawak na niya ang doorknob, ngunit binitawan niya rin ito at naglabas ng malali
"What the—" Kulang na lang ay mapamura si Andy sa isa pang request ng mommy niya. Akala niya ay tapos na ang pangungulit sa kanya ng mga ito, pero may mas malalala pa pala silang gusto nilang gawin niya ngayon."Sige na, Son. May mahalaga kasi akong meeting ngayon. Kailangan kong dumalo ro'n para sa mga negosyo natin."Paano ay siya pa ang inuutusan ng mommy niya na sumundo kay Yolly. What the f*ck!"At bakit ako?!" Nanlisik na talaga ang mga mata niya. He can't believe this! Is his mother playing a joke on him?"Dahil wala ngang puwedeng sumundo sa kanya. Please understand that Yolly needs you right now, Son. Sige na, ha?" sumamo pa rin ni Madam Angie.Napasinghap siya sa hangin, pagkuwa'y napatingin siya kay Yaya Chadeng niya."Ay, Diyos ko! Nirarayuma na naman yata ako!" Kaya lang ay bigla na parang may sumakit sa balakang ng matanda.Hindi na mailarawan ang naging reaksyon ni Andy. Napatiim-bagang na talaga siya. Grabe sila, ha! Asan ang hustisya?! Siya ang bida rito, ‘di ba?! Per
"A guard? At ano naman ang nakain mo, Delfin, at ngayon ka kumuha ng guwardya dito sa bahay?!" malakas ang boses ni Madam Angie. Kausap niya ang dating asawa sa cellphone."Naisip ko lang naman ang kapakanan niyo d’yan dahil nandiyan kayo ulit sa bahay ni Andy. Mabuti nang may nakabantay sa inyo dahil wala na ako r’yan," malumanay naman na paliwanag ni Sir Delfin sa dating asawa."Salamat, ha? Dahil may concern ka pa pala sa amin sa kabila nang pagtataksil mo sa 'kin," pero pasarkastikong sagot ng madam."Angie, please, try to forget about that thing and let's move on. May kasalanan ka rin naman dahil pinabayaan mo ako na asawa mo.""D*mn you! Ako pa talaga ang sinisisi mo sa pambabae mo! Ang sabihin mo malandi ka lang talaga na matanda ka! Tuloy, pati buhay ni Andy nagkagulo-gulo na rin!""Heto na naman ba tayo, Angie? Tumawag lang naman ako para ipalaam sa 'yo na may darating diyan na guard na magbabantay sa inyo para safe kayo ng anak natin, hindi para mag-away na naman tayo. Gusto
"Aray!" angal ni Yolly dahil parang hindi siya tao na kinarga ni Andy at ipinaupo sa wheelchair. Pabagsak kasi at hindi naman gano'n kalambot ang upuan ng wheelchair."Ang arte mo!""Palit tayo kaya?! Para alam mong masakit!" irap niya at kunwari ay hamon niya. Naiinis na rin siya."Kasi tatanga-tanga ka! Magpapakamatay na nga sa hindi naman sigurado! Dapat sa ten-wheeler ka nagpabangga, hindi sa kotse ko!" katwiran ni Andy saka itinulak din na walang ingat ang wheelchair."Dahan-dahan naman kasi," angal ulit niya. Tiningala niya ang binata at iningusan. Kung hindi lang talaga niya pinaninindigan ang pilay-pilay kunwari na ito ay naglakad na siya. Tss."Huwag ka ngang maarte! Ikaw na nga 'tong ginagawan ng pabor, eh!" Lalong nainis naman ang binata."Sana kasi hindi ka na lang pumayag kung ganito naman. Mas babaliin mo pa mga buto ko, eh.""Wala nga akong choice, 'di ba? Do you really think I like doing this?! Remember, I am extremely furious with you! Pero heto, ako pa magdadala sa '
"Dalhin mo na lang sa silid ko ang pagkain ko mamaya, 'Ya," matabang na bilin ni Andy kay Yaya Chadeng. Tiningnan niya ng masama si Yolly bago niya sila iniwanan."Andy?" tawag ni Yolly sa binata, pero parang walang narinig si Andy. Magpapasalamat lang sana siya dahil kahit galit ito ay sinundo pa rin siya nito.Tinapik ni Madam Angie ang balikat niya. "Hayaan mo na 'yon, Yolly. Ang importante nandito ka na. Bukas ka na mag-umpisa na kunin ulit ang loob niya.""Opo," sagot niya na nakasunod pa rin ang tingin kay Andy kahit wala na ang binata. Tuluyan nang nakapasok sa silid nito. Nakakalungkot lang talaga kasi."Yaya Chadeng, magluto ka ng masarap ng dinner natin. Yolly, samahan kita sa magiging silid mo para makapagpahinga ka konti."MAYAMAYA ay nasa sa isang silid na nga si Yolly ng bahay nina Andy kaya naman tumayo na siya sa wheelchair at nag-inat-inat. Nakasara naman ang pinto kaya sinamantala na niya. Nakakangawit din kaya ang nakaupo lang ng ilang oras. Napabuntong-hininga siy
"Ano’ng ginagawa mo ritong g*go ka?!" duro agad ni Andy kay Leandro. Na buti na lang at nasa taas ito ng hagdan at si Leandro naman ay nasa baba kundi nagpang-abot na naman silang dalawa at nagbugbugan.Habang si Yolly ay hindi maipinta ang kanyang mukha. Mabilis niyang iniharang ang sarili kay Andy at nahawakan niya sa t-shirt nang akma itong bababain si Leandro."Let go off me!" singhal ni Andy kay Yolly. "Ikaw lumayas ka rito!" tapos ay duro pa rin nito kay Leandro. Halos maggalawan ang lahat ng bagay sa loob ng mansyon sa lakas ng kanyang boses."Ano ba huminahon ka nga!" pero hindi ito binitawan ni Yolly. Mahirap na.Si Leandro ay awang ang bibig na nakatingala lang sa dalawa. Sa isip niya'y, ano’ng ginagawa nina Yolly at Andy rito sa bahay na pagdu-duty-an niya?"Uhm, Leandro, halika? Doon muna tayo sa labas. High blood na naman ang alaga ko, eh," untag at anyaya ni Yaya Chadeng sa binata. Hindi rin mailarawan ang mukha ng matanda sa pag-aalburoto na naman ni Andy.Umasim na ang
"Lalalalala!" Inaaliw na lamang ni Yolly ang sarili sa pagha-hum. Kasabay nang pag-sway-sway ng ulo niya ng pakanan at pakaliwa. Paraan niya para hindi siya ma-boring.Hindi kasi siya talaga umalis sa taas ng hagdanan. Masunurin talaga siya."Baka gusto mo nang bumaba r’yan, Yolly? Ano ba’t hindi ka na umalis diyan?” pansin na sa kanya ni Yaya Chadeng na nagwawalis sa may gitna ng hagdanan."Okay lang ako, Yaya Chadeng. Utos po ni Bossing na huwag daw akong aalis dito. Kailangan po nating sumunod.""Suss! Grabe na talaga ang batang 'yon." Napailing-iling si Yaya Chadeng."Hayaan niyo na po kaysa magalit lalo sa 'kin. Eh, si Leandro po kumusta siya sa labas? Ayos lang po ba siya?""Ayun, nagbabantay. Ayos naman. Nagsimula na siyang magtrabaho. Mabait din pala 'yon tulad mo, eh."Ngumiti siya. At least okay lang naman pala ang kaibigan niya. Gumaan ang kanyang pakiramdam kahit paano."Pero matanong nga kita, Yolly." Tumigil muna sa ginagawa si Yaya Chadeng. "Alam mo bang may gusto 'yon