"What the—" Kulang na lang ay mapamura si Andy sa isa pang request ng mommy niya. Akala niya ay tapos na ang pangungulit sa kanya ng mga ito, pero may mas malalala pa pala silang gusto nilang gawin niya ngayon."Sige na, Son. May mahalaga kasi akong meeting ngayon. Kailangan kong dumalo ro'n para sa mga negosyo natin."Paano ay siya pa ang inuutusan ng mommy niya na sumundo kay Yolly. What the f*ck!"At bakit ako?!" Nanlisik na talaga ang mga mata niya. He can't believe this! Is his mother playing a joke on him?"Dahil wala ngang puwedeng sumundo sa kanya. Please understand that Yolly needs you right now, Son. Sige na, ha?" sumamo pa rin ni Madam Angie.Napasinghap siya sa hangin, pagkuwa'y napatingin siya kay Yaya Chadeng niya."Ay, Diyos ko! Nirarayuma na naman yata ako!" Kaya lang ay bigla na parang may sumakit sa balakang ng matanda.Hindi na mailarawan ang naging reaksyon ni Andy. Napatiim-bagang na talaga siya. Grabe sila, ha! Asan ang hustisya?! Siya ang bida rito, ‘di ba?! Per
"A guard? At ano naman ang nakain mo, Delfin, at ngayon ka kumuha ng guwardya dito sa bahay?!" malakas ang boses ni Madam Angie. Kausap niya ang dating asawa sa cellphone."Naisip ko lang naman ang kapakanan niyo d’yan dahil nandiyan kayo ulit sa bahay ni Andy. Mabuti nang may nakabantay sa inyo dahil wala na ako r’yan," malumanay naman na paliwanag ni Sir Delfin sa dating asawa."Salamat, ha? Dahil may concern ka pa pala sa amin sa kabila nang pagtataksil mo sa 'kin," pero pasarkastikong sagot ng madam."Angie, please, try to forget about that thing and let's move on. May kasalanan ka rin naman dahil pinabayaan mo ako na asawa mo.""D*mn you! Ako pa talaga ang sinisisi mo sa pambabae mo! Ang sabihin mo malandi ka lang talaga na matanda ka! Tuloy, pati buhay ni Andy nagkagulo-gulo na rin!""Heto na naman ba tayo, Angie? Tumawag lang naman ako para ipalaam sa 'yo na may darating diyan na guard na magbabantay sa inyo para safe kayo ng anak natin, hindi para mag-away na naman tayo. Gusto
"Aray!" angal ni Yolly dahil parang hindi siya tao na kinarga ni Andy at ipinaupo sa wheelchair. Pabagsak kasi at hindi naman gano'n kalambot ang upuan ng wheelchair."Ang arte mo!""Palit tayo kaya?! Para alam mong masakit!" irap niya at kunwari ay hamon niya. Naiinis na rin siya."Kasi tatanga-tanga ka! Magpapakamatay na nga sa hindi naman sigurado! Dapat sa ten-wheeler ka nagpabangga, hindi sa kotse ko!" katwiran ni Andy saka itinulak din na walang ingat ang wheelchair."Dahan-dahan naman kasi," angal ulit niya. Tiningala niya ang binata at iningusan. Kung hindi lang talaga niya pinaninindigan ang pilay-pilay kunwari na ito ay naglakad na siya. Tss."Huwag ka ngang maarte! Ikaw na nga 'tong ginagawan ng pabor, eh!" Lalong nainis naman ang binata."Sana kasi hindi ka na lang pumayag kung ganito naman. Mas babaliin mo pa mga buto ko, eh.""Wala nga akong choice, 'di ba? Do you really think I like doing this?! Remember, I am extremely furious with you! Pero heto, ako pa magdadala sa '
"Dalhin mo na lang sa silid ko ang pagkain ko mamaya, 'Ya," matabang na bilin ni Andy kay Yaya Chadeng. Tiningnan niya ng masama si Yolly bago niya sila iniwanan."Andy?" tawag ni Yolly sa binata, pero parang walang narinig si Andy. Magpapasalamat lang sana siya dahil kahit galit ito ay sinundo pa rin siya nito.Tinapik ni Madam Angie ang balikat niya. "Hayaan mo na 'yon, Yolly. Ang importante nandito ka na. Bukas ka na mag-umpisa na kunin ulit ang loob niya.""Opo," sagot niya na nakasunod pa rin ang tingin kay Andy kahit wala na ang binata. Tuluyan nang nakapasok sa silid nito. Nakakalungkot lang talaga kasi."Yaya Chadeng, magluto ka ng masarap ng dinner natin. Yolly, samahan kita sa magiging silid mo para makapagpahinga ka konti."MAYAMAYA ay nasa sa isang silid na nga si Yolly ng bahay nina Andy kaya naman tumayo na siya sa wheelchair at nag-inat-inat. Nakasara naman ang pinto kaya sinamantala na niya. Nakakangawit din kaya ang nakaupo lang ng ilang oras. Napabuntong-hininga siy
"Ano’ng ginagawa mo ritong g*go ka?!" duro agad ni Andy kay Leandro. Na buti na lang at nasa taas ito ng hagdan at si Leandro naman ay nasa baba kundi nagpang-abot na naman silang dalawa at nagbugbugan.Habang si Yolly ay hindi maipinta ang kanyang mukha. Mabilis niyang iniharang ang sarili kay Andy at nahawakan niya sa t-shirt nang akma itong bababain si Leandro."Let go off me!" singhal ni Andy kay Yolly. "Ikaw lumayas ka rito!" tapos ay duro pa rin nito kay Leandro. Halos maggalawan ang lahat ng bagay sa loob ng mansyon sa lakas ng kanyang boses."Ano ba huminahon ka nga!" pero hindi ito binitawan ni Yolly. Mahirap na.Si Leandro ay awang ang bibig na nakatingala lang sa dalawa. Sa isip niya'y, ano’ng ginagawa nina Yolly at Andy rito sa bahay na pagdu-duty-an niya?"Uhm, Leandro, halika? Doon muna tayo sa labas. High blood na naman ang alaga ko, eh," untag at anyaya ni Yaya Chadeng sa binata. Hindi rin mailarawan ang mukha ng matanda sa pag-aalburoto na naman ni Andy.Umasim na ang
"Lalalalala!" Inaaliw na lamang ni Yolly ang sarili sa pagha-hum. Kasabay nang pag-sway-sway ng ulo niya ng pakanan at pakaliwa. Paraan niya para hindi siya ma-boring.Hindi kasi siya talaga umalis sa taas ng hagdanan. Masunurin talaga siya."Baka gusto mo nang bumaba r’yan, Yolly? Ano ba’t hindi ka na umalis diyan?” pansin na sa kanya ni Yaya Chadeng na nagwawalis sa may gitna ng hagdanan."Okay lang ako, Yaya Chadeng. Utos po ni Bossing na huwag daw akong aalis dito. Kailangan po nating sumunod.""Suss! Grabe na talaga ang batang 'yon." Napailing-iling si Yaya Chadeng."Hayaan niyo na po kaysa magalit lalo sa 'kin. Eh, si Leandro po kumusta siya sa labas? Ayos lang po ba siya?""Ayun, nagbabantay. Ayos naman. Nagsimula na siyang magtrabaho. Mabait din pala 'yon tulad mo, eh."Ngumiti siya. At least okay lang naman pala ang kaibigan niya. Gumaan ang kanyang pakiramdam kahit paano."Pero matanong nga kita, Yolly." Tumigil muna sa ginagawa si Yaya Chadeng. "Alam mo bang may gusto 'yon
"Yaya, sa tingin ko dapat nating sundan si Andy?" Si Yolly at kagat-kagat niya ang isang hintuturo niya. Paano'y kinakabahan siya sa inutos nila kay Andy na dalhan ng pagkain si Leandro. Baka mag-clash na naman ang dalawa 'pag nagkita pala."Bakit naman?" tanong ni Yaya Chadeng na ipinagpapatuloy ang pagliligpit at pagwawalis sa jar na nabasag."Alam niyo kasi muntik nang magpatayan ang dalawang iyon, eh."Parang ngayon lang din natauhan si Yaya Chadeng. "Naku, oo nga pala!"*****MEDYO inaantok na si Leandro sa kinatatayuan niya. Ito ang ayaw niya kapag bahay ang binabantayan niya. Nakakabagot talaga. Tapos, wala pang makausap dahil solo duty lang siya. Wala man lang siyang kasama na security guard.Mabuti sana kung binibisita man lang siya ni Yolly, pero wala pang anino ni Yolly na lumalabas sa malaking bahay. Panay ang sulyap niya sa loob at umaasang pupuntahan siya ng dalaga. Subalit hapon na pero wala talagang Yolly na dumalaw sa kanya. Ni mag-'Hi' man lang sana sa kanya. Nakita
"Dito ka!" maotoridad na sabi Andy kasabay nang pagpampag niya sa isang bahagi ng malaki, malawak at malambot niyang kama. "Kinuha na rin kita ng kumot at unan," aniya pa saka tumayo at pinamaywangan si Yolly na bagong pasok sa silid niya.Subalit walang naging kilos si Yolly. Matamang nakatingin lang ito sa kanya habang nakaupo sa wheelchair nito."What?""Hindi pa kasi ako inaantok," katwiran ni Yolly."But it's already late,” napahiyang saad niya.Napatingin si Yolly sa digital clock na nakapatong sa side table. Sumunod din ang tingin niya roon, at napaubo siya dahil alas syete palang pala ng gabi."Fine. Kung ayaw mo pang matulog bahala ka. Basta ako matutulog na. Late na sa 'kin 'yan," aniyang palusot na lamang saka sumampa na sa kama. Nahiga siyang diretso, iyong higang pang-bangkay. Nasa tiyan ang mga kamay.Napabuga naman ng hangin si Yolly sa bunganga niya. Ano ba 'tong ginagawa ni Andy? Hindi niya maintindihan, eh. Hindi ba galit ito sa kanya? Unless napatawad na siya nito?