Share

CHAPTER 30 : THE LIE

Dumating na ang almusal na inorder ni Tony sa Customer service nang magising si Senyor Gaspar.

“Nasaan si Sophie?” Ang agad na tanong nito sa anak.

“Hindi ko siya inabutan sa Puerto Galera,” sagot ni Tony bago humigop ng kape, “pero alam ko na kung saan siya nakatira.”

“Ha? Saan?”

“Sa bahay ni Amanda Madrid.”

Hindi mapaniwalaan ni Senyor Gaspar ang narinig.

“Boyfriend pala ng magaling na babaing ‘yon ang anak ni Amanda na si Victor Madrid.” pagbibigay impormasyon ng anak sa ama, “at ang lalaking ‘yon daw ang dahilan kung bakit tinakasan ni Sophie ang kasal namin.”

“Sino’ng nagbigay sa iyo ng mga impormasyong ‘yan?”

“Yong Best friend niya, na ngayon ay kaaway na n’ya.” 

Nag-iisip na kinuha ng senyor ang puswelong may umuusok, mainit na kape.

&ldqu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status