Share

CHAPTER 54 : ANG MAG-AMANG SAMONTE

Nahahati ang kanyang isip at damdamin. Hindi niya malaman kung ano ang tamang desisyon na kailangan niyang gawin. Gusto niyang palayain ang kanyang damdamin at sumama na kay Victor, upang madama ang kaligayahan ng tunay na pag-ibig nila para sa isa’t isa. Ngunit nakatining sa kanyang isip ang katotohanang imposible siyang maging masaya kung habang panahon siyang gagambalain ng kaalamang gagawa at gagawa ng paraan si Tony upang magkaroon ng kaganapan ang isinumpa nitong paghihiganti sa kanya at sa kanyang pamilya. Abot din ng kanyang pag-iisip, na madadamay ang mag-inang Madrid sa lahat ng problemang kaakibat ng mga nagawa niyang pagkakamali, kung sasama siya kay Victor.

Muli at muli ay bumabalik siya sa desisyong magpatianod na lamang at magpakasal kay Tony Sandoval, upang mabura na ang lahat ng kanyang mga pag-aalala.  

Hindi niya nilingon ang pintuan, kahit narinig niya ang pagbukas ng lock nito. Nanatili siyang nakasubsob

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status