Hindi inaasahan at hindi nagustuhan ni Amanda ang pagdating ni Ella Caprichosa sa kanyang bahay sa Palawan.
“Ikaw ang kaibigang Hudas ni Sophie, right?” Tanong niya nang may halong pang-iinsulto.
Ngumiti si Ella. Pinilit na tolerahin ang magkahalong inis at galit nito sa kanya. Nauunawaan niya ang damdamin ng isang ina, na nagmamahal sa anak. Nauunawaan din niya na mahalaga kay Amanda ang kapakanan ni Sophie, na naging malapit din sa kaharap na babae.
“Alam ko ang lahat ng ginawa mo kay Sophie. Ang mga panloloko at pagkukunwaring mabuting kaibigan, ngunit sinaksak siya sa likuran. Ikaw ‘yong kaibigang nangako, na tutuliungan siyang tumakas, ngunit lalo lang ibinaon sa pagkakakulong sa mansiyon ng mga Sandoval.”
Hindi umimik si Ella. Nanatili lamang siyang nakatingin sa mukha ng nagsasalitang babae. Hindi niya gustong dagdagan pa ang galit nito sa kanya, subalit nag-aapoy na rin ang galit sa kanyang
Iritado ang designer at ang assistant nito ng hindi makaharap at maisukat kay Sophie ang hindi pa naka-permanent sa pagkakatahing damit pangkasal, na pasadyang ipinagawa sa kanila ni Tony.“Pinag-usapan na namin ni Sophie na ako ang magsusukat ng kanyang wedding gown, dahil almost pareho naman ang sukat ng katawan naming dalawa, e. Pareho kaming medium ang sukat.” Pahayag ni Ella sa dalawa.“Ma’m hindi po ready to wear ang wedding gown ni Ma’m Sophie na ang sukat ay small, medium and large or XL. Ipinasadya po ito. Ipina-design nang eksakto sa personalidad ni Ma’m Sophie at hindi sa personalidad ninyo, Ms. Ella. Dapat ay eksaktong sukat sa katawan ni Ma’m Sophie ang wedding gown niya. Saktong-sakto walang labis walang kulang.” Pahayag ng assistant ng designer.“Kailangan po, mismong si Nurse Sophie Samonte ang magsusukat ng kanyang wedding gown,” paliwanag naman ng wedd
Excited nang makatakas si Sophie. Hindi niya gustong masayang ang pagkakataong inaakala niyang nasa kanya na sa sandaling iyon. Hindi niya ito dapat na palampasin.“Now na, Ella. ‘Wag na tayong mag-wait lang-wait lang pa!”“Patience is a virtue, Sophie. Malapit na ang kasal n’yo ni Tony. Makakalaya ka na!”“Puwede na naman ngayon, bakit hindi pa ngayon? Kung baga, wala ang pusa, so, puwede nang magtatakbo ang daga!”“Nakalimutan mo na ang papa mo? Nakalimutan mong may mahigpit siyang bantay na anytime ay puwedeng tawagan ni Tony, and you know…”Parang binuhusan ng malamig na tubig ang excitement nararamdaman ni Sophie. Pabagsak na napaupo ito sa kama. Gigil na pinagsususuntok ang kutson.Napasigaw.“Napakahayup mo talagang Tony Sandoval ka! Hayup kaaa!”Pinabayaan siya ni Ella sa paghiyaw niyang iyon.“Okay, r
Nanginginig ang mga kamay na isinuksok ni Angelie ang susi sa seradura ng pintuan.“Buwisit kasi ang pulis na ‘yon, e,” reklamo niya sa wala, “kung hindi niya ako hinabol at hinuli, ‘di sana ay kanina pa ako nakauwi ng bahay.”Hindi niya napigil ang pagbalabag ng pinto sa biglang pagtulak niya sa pagbubukas noon. At ang muling pagkalabog nang nagmamadali niyang itinulak iyon pasara.“Ella!” Pagtawag niya nang malakas, pagkapasok ng bahay.Pasipang hinubad ang suot na sapatos na mataas ang takong, upang mapabilis pa ang nagdudumaling paghahanap kung saan naroon si Ella.Wala ito sa kabahayan maging sa sarili nitong silid tulugan.“Siguradong naglalasing na naman ang babaing ‘yon.”Sugod niyang pinuntahan ang kanilang munting bar room.“Ella!” Sumisigaw na siya. Nagpa-panic.Pumasok sa sub conscious ni Ella ang boses n
Paano ba sinusupil ang pag-ibig? Bakit kailangang umibig? Para ano?Sa iilang panahon ng kaligayahan ang kapalit ay malawak na disyerto ng kalungkutan.“Walang forever!” pagkokondisyon ni Sophie sa sariling isip.Ilang oras na niyang pinipilit ang kanyang damdamin na sumunod sa inuutos ng kanyang utak. Ngunit nagmamatigas itong ipinipilit sa kanyang isipin si Victor at ang damdamin nito. Na walang kasalanan ang lalaking iniibig niya upang kanyang pagdusahin, para lamang saktan si Ella.“Siguro nga ay wala siyang kasalanan,” pakikipag-usap niya sa puso niyang nangungulit, “pero sa lahat ng labanan ay may collateral damage, at si Victor ang collateral damage sa labanan namin ni Ella.”Naiinis siya kay Ella. Nagagalit.“Napaka-impakta kasi niya. Ang dami niyang hidden agenda! Walang black and white sa kanya, lahat shades of gray. Ang hirap n’yang paniwalaan. Hindi
Kahapon pa pumasok sa inbox ng kanyang email ang liham na nagmula sa email address ni Ella. Ayaw niyang pagkaabalahan muna ang kung ano man na nilalaman ng ng email na iyon, dahil hindi niya gustong magulo ang kanyang isip.“Napakarami kong backlog na kailangang asikasuhin. Mamaya ko na lang babasahin ‘yan.”Higit na mahalaga para sa kanya ang mga email na nagmula sa mga kliyente, business associates at iba pang liham na may kaugnayan sa negosyo ng kanilang pamilya.“Puro reklamo lang ang mababasa ko sa email na ‘yan.”Ah, pagud na pagod na siya sa maraming complain ng yaya-bantay ni Sophie. Kinukulili na ang kanyang tainga ng mga reklamo nito, mula pa noong unang araw na bumalik siya mula Korea.Ngunit hindi rin niya natiis na hindi buksan ang email.“Alamin ko na nga kung ano man ang reklamo ng babaing ‘to, para matapos na ang lahat, once and for all.”
Hindi madali ang yumuko at humingi ng kapatawaran, ngunit isinagawa iyon ni Sophie bilang pag-amin ng kanyang pagkakamali kay Ella.“Kilala kita, Sophie,” saad ni Ella, “impulsive ka. Pabigla-bigla sa iyong desisyon lalo pa at nababangga ang iyong pride. A child-woman. A rebel with undetermined cause,” pagpapatuloy ni Ella, “but you are so intelligent and have a very photographic memory. Kaya nga idol kita, e!”“Maryosep, nagso-sorry lang ako sa ‘yo ang dami mo nang sinabi!” Angal ni Sophie.“Alam ko kung gaano kahirap ang humingi ng sorry. Hindi madali ang lumunok ng pride. Pero ginawa mo.”“E, mali nga kasi ako. Alangan namang magmataas pa ako, e, alam ko namang ako ang may pagkakamali,” paliwanag ni Sophie, “kayabangan na ‘yon kapag ganoon. Walang kuwentang tao ang mayayabang na tao, noh!”“Kaya nga idol na idol kita,
“Napanaginipan ko si mama kagabi,” pagbabalita ni Sophie sa kanyang papa, “binigyan niya ako ng white rose, tapos pumunta siya sa liwanag na hindi ko alam kung saan nanggagaling, tapos dinala siya ng liwanag at bigla na lang nawala.”“Napatawad na nga siya sa kanyang mga kasalanan, gaya ng aking inaasahan.” Saad ni Gener.“Ganoon ba ‘yon, Pa?”“Ayon sa mga matatandang nakilala ko noong kabataan ko. Kahit ang mga Lolo’t lola ko ganoon ang sinasabi.”“Ano ba ang mabigat na naging kasalanan ni mama?”Hindi nakapagsalita ang ama.Hindi nais ni Gener na masira ang imahe ni Cory sa anak nila. Ayaw niyang mawalan ito ng respeto sa kanyang asawa.“Mabait naman si mama, ‘di ba?” Pangungulit ng anak.“Oo, tama ka. Mabait talaga ang mama mo.”“Ano ba a ng naging sakit ni mama, bak
Ilang araw na sa bahay nila sa Palawan si Victor, at pinagtatakhan ni Amanda ang excited na pagkokondisyon ng anak sa kotse nitong Mustang, na gamit kapag lumalaban ng pakikipagkarera ng sasakyan.“May laban ka, anak?” Tanong niya.“Laban ng buhay, Ma. Pakikipaglaban para sa pag-ibig.” Sagot ng anak na may excitement sa tinig.Si Sophie lang ang nag-iisang pag-ibig ng kanyang anak, kahit pa nagkaroon ito ng kuwintas ng affair sa kung sinu-sinong babae, na kahit ang pangalan ay hindi na niya maalala pa. Si Sophie ang nag-iisang babaing minahal ni Victor, nang higit kahit pa sa first love nito na nagdulot dito ng kabiguang naging sanhi upang maging mapaglaro ito sa pag-ibig.Si Sophie ang nag-iisang babae na naging dahilan upang maging seryoso sa buhay ang kanyang anak.“Itatakas mo si Sophie?” Tanong ni Amanda.Hindi sumagot ang anak na ipinagpatuloy ang pagkakalikot sa mga