Hindi madali ang yumuko at humingi ng kapatawaran, ngunit isinagawa iyon ni Sophie bilang pag-amin ng kanyang pagkakamali kay Ella.
“Kilala kita, Sophie,” saad ni Ella, “impulsive ka. Pabigla-bigla sa iyong desisyon lalo pa at nababangga ang iyong pride. A child-woman. A rebel with undetermined cause,” pagpapatuloy ni Ella, “but you are so intelligent and have a very photographic memory. Kaya nga idol kita, e!”
“Maryosep, nagso-sorry lang ako sa ‘yo ang dami mo nang sinabi!” Angal ni Sophie.
“Alam ko kung gaano kahirap ang humingi ng sorry. Hindi madali ang lumunok ng pride. Pero ginawa mo.”
“E, mali nga kasi ako. Alangan namang magmataas pa ako, e, alam ko namang ako ang may pagkakamali,” paliwanag ni Sophie, “kayabangan na ‘yon kapag ganoon. Walang kuwentang tao ang mayayabang na tao, noh!”
“Kaya nga idol na idol kita,
“Napanaginipan ko si mama kagabi,” pagbabalita ni Sophie sa kanyang papa, “binigyan niya ako ng white rose, tapos pumunta siya sa liwanag na hindi ko alam kung saan nanggagaling, tapos dinala siya ng liwanag at bigla na lang nawala.”“Napatawad na nga siya sa kanyang mga kasalanan, gaya ng aking inaasahan.” Saad ni Gener.“Ganoon ba ‘yon, Pa?”“Ayon sa mga matatandang nakilala ko noong kabataan ko. Kahit ang mga Lolo’t lola ko ganoon ang sinasabi.”“Ano ba ang mabigat na naging kasalanan ni mama?”Hindi nakapagsalita ang ama.Hindi nais ni Gener na masira ang imahe ni Cory sa anak nila. Ayaw niyang mawalan ito ng respeto sa kanyang asawa.“Mabait naman si mama, ‘di ba?” Pangungulit ng anak.“Oo, tama ka. Mabait talaga ang mama mo.”“Ano ba a ng naging sakit ni mama, bak
Ilang araw na sa bahay nila sa Palawan si Victor, at pinagtatakhan ni Amanda ang excited na pagkokondisyon ng anak sa kotse nitong Mustang, na gamit kapag lumalaban ng pakikipagkarera ng sasakyan.“May laban ka, anak?” Tanong niya.“Laban ng buhay, Ma. Pakikipaglaban para sa pag-ibig.” Sagot ng anak na may excitement sa tinig.Si Sophie lang ang nag-iisang pag-ibig ng kanyang anak, kahit pa nagkaroon ito ng kuwintas ng affair sa kung sinu-sinong babae, na kahit ang pangalan ay hindi na niya maalala pa. Si Sophie ang nag-iisang babaing minahal ni Victor, nang higit kahit pa sa first love nito na nagdulot dito ng kabiguang naging sanhi upang maging mapaglaro ito sa pag-ibig.Si Sophie ang nag-iisang babae na naging dahilan upang maging seryoso sa buhay ang kanyang anak.“Itatakas mo si Sophie?” Tanong ni Amanda.Hindi sumagot ang anak na ipinagpatuloy ang pagkakalikot sa mga
Nagpalagay ng TV monitor si Tony sa silid na kinaroroonan ni Sophie, at ipinagbilin dito na laging manood sa ano mang palabas na lilitaw sa monitor, upang makita niya ang mga nagaganap sa paghahanda ng kasal nila. Ang nais ng groom ay maging updated siya sa bawat pangyayaring nagaganap sa papalapit na araw ng kasalan.Ngunit hindi siya interesado sa kasalang iyon. Magiging masaya at payapa ang kanyang isip kung wala siyang malalamang kahit ano tungkol sa event na iyon. Ngunit batas si Tony sa mansiyong ng mga Sandoval. Lahat ng sasabihin nito ay kailangang masunod, at kasama siya sa pinasusunod ng nag-iisang anak ni Senyor Gaspar Sandoval."Basta't sundin mo lang kung ano man ang gusto niya," naalala niyang bilin sa kanya ni Ella, "ang importante lang ay huwag ka niyang mahawakan, you know what I mean," pagpapatuloy nito, "just don't rock the boat. You'll see makakarating din tayo sa dapat nating puntahan."Pasulyap-sulyap lamang siya
Bisperas ng kasal ni Tony. Paroo’t parito siyang naglalakad sa kanyang silid tulugan. Pakiramdam niya’y para siyang bibitayin. Nasa puso niya ang takot at pag-aalala, na dahilan kung bakit walang tigil ito sa malakas na pagtibok ang kanyang puso na akala mo dumadambang kabayo sa loob ng kanyang katawan.“Paano kung hindi mag-work out ang marriage namin?”Buhay at kinabukasan nila ng babaing pakakasalan niya ang nakataya sa pag-iisang dibdib nilang iyon.“Parang hindi ko kayang magpatali sa kanya,” pag-aalala niya, “sa isang pagkakamali nagsimula ang lahat, kailangan bang sa isang pagkakamali rin ito matapos?”Si Ella ang totoong mahal niya, ang tunay na ititibok ng kanyang puso. Ang babaing sa bawat sandali ay kinasasabikan niyang makasama, kahit pa nga madalas silang mag-away dahil sa sobrang insecure nito sa relasyon nila.Miss na miss na niya si Ella. Hindi natiis
Araw na ng kasalang Sophie Samonte-Tony Sandoval. Maliban sa mga kasambahay na nagkakagulo at excited sa magaganap na kasalan, ay tahimik ang buong mansiyon ng mga Sandoval. Walang bisitang dumarating, walang kakilalang nagpupunta.Tiniyak ni Tony at ng kanyang staff na walang sino man ang papayagan na makapasok sa loob ng mansiyon, upang matiyak ang privacy ng mga ikakasal. Sa simbahan lang at sa hotel, kung saan gaganapin ang reception ng kasal tatanggapin ang sino mang imbitado na pupunta.Nag-iisa sa kanyang silid si Tony, na kahit ang kanyang mga groomsmen ay hindi niya pinayagang makapasok. May itinakda siyang oras para sa mga ito para siya puntahan. Nais niyang mapag-isa ng mga panahong iyon at sa mga oras pang darating bago sumapit ang takdang sandali ng kanyang pagpunta sa simbahan.Ibig niya’y namnamin ang bawat huling sandali ng kanyang pagiging binata.Maraming katanungan sa kanyang isip ang nangangailangan ng
Paulit-ulit niyang tinatawagan si Victor, ngunit; “the number you dialed cannot be reach” ang lagi niyang naririnig sa kanyang phone. Natataranta na siya. Nagpa-panic.Nag-aalala siya. Iniisip na baka may masamang nangyari sa katipan. Baka nagaganap na ang inaalala ni Victor na gagawing katrayduran ng kaibigan niya. Baka nga totoo ang tungkol sa ahas na panaginip nito.Muli niyang idinayal ang numero ng telepono ng nobyo.“The number you dialed is now unattended”Gigil na pinindot niya ang kanyang cellphone.“My God, Victor nasaan ka,” gigil na naitanong niya sa wala, “magparamdam ka naman!” naisigaw na tuloy niya.Pilit pinakakalma ang sariling nagpalakad-lakad siya sa silid tulugan. Panay ang tingin sa oras sa cellphone na kanyang hawak.“OMG! Padating na ang sinasabi ni Ella na susundo sa akin, pero hindi ko pa rin makontak ang Victor na ‘
Lumingon sa nagmamartsang bride ang lahat ng nasa simbahan. Nasa mga upuang malapit sa altar ang mga bisitang kabilang sa mga elite sa lipunan, ang mga sikat na naghahangad na sumikat pa, kaya hindi pinalampas ang pagkakataong makita sa kasal ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas, bukod sa gusto rin nilang sukatin ang babaing piniling pakasalan ni Tony Sandoval.Naroon ang designer ng wedding gown na suot ng bride, at ang assistant nito. Nasasabik silang makita ang wedding gown na creation nila, habang ito ay suot ng babaing ikakasal.“Ang ganda talaga ang creation mong wedding gown, Madam,” pagpuri ng assistant sa designer na pinagmamasdan ang bride na suot ng wedding gown, “parang Egyptian Princess ‘yong ikakasal sa suot niyang veil. Very mysterious. Nakakasuspens.”Taas ang noong ipinakita ng designer ang kanyang mukha sa mga naroon, na hindi naman siya pinansin.Ah, hindi lamang ang p
Ang designer ng wedding gown ang nagmamaneho ng sasakyan, katabi niya si Chevy, ang kaibigan niyang may kaalaman sa hipnotismo.“Bakit mo naman naisip na hinipnotismo ng Ella Caprichosa ang multii billionaire na si Tony Sandoval?” tanong ni Chevy sa babae.“E, hindii naman sa Ella na ‘yon supposedly ikakasal si Tony kungdi kay Sophie Samonte,” sagot ng designer, “bakit hindii man lang nagulat si Tony ng angatin niya ang wedding veil ng bride at nalantad ang mukha ni Ella Caprichosa?”“Ang mga kamag-anak ng groom, wala rin bang reaksiyon?”“Hiindi ko kilala ang mga kamag-anak ni Tony. Pero nakapagtatakang wala doon ang kanyang papa na si Senyor Gaspar Sandoval. Noon pa ay alam ko na, na si Senyor Gaspar ang totoong may gusto na maging asawa ni Tony ang Sophie Samonte na ‘yon.”Hindi naitago ni Chevy ang labis na paghanga nang makarating sila sa sila s