Share

CHAPTER 69 : TWO BRIDES

Araw na ng kasalang Sophie Samonte-Tony Sandoval. Maliban sa mga kasambahay na nagkakagulo at excited sa magaganap na kasalan, ay tahimik ang buong mansiyon ng mga Sandoval. Walang bisitang dumarating, walang kakilalang nagpupunta.

Tiniyak ni Tony at ng kanyang staff na walang sino man ang papayagan na makapasok sa loob ng mansiyon, upang matiyak ang privacy ng mga ikakasal. Sa simbahan lang at sa hotel, kung saan gaganapin ang reception ng kasal tatanggapin ang sino mang imbitado na pupunta.

Nag-iisa sa kanyang silid si Tony, na kahit ang kanyang mga groomsmen ay hindi niya pinayagang makapasok. May itinakda siyang oras para sa mga ito para siya puntahan. Nais niyang mapag-isa ng mga panahong iyon at sa mga oras pang darating bago sumapit ang takdang sandali ng kanyang pagpunta sa simbahan.

Ibig niya’y namnamin ang bawat huling sandali ng kanyang pagiging binata.

Maraming katanungan sa kanyang isip ang nangangailangan ng

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status