Share

CHAPTER 89 : A MOTHER'S LOVE

Biglang kumislap ang brilyanteng nasa singsing na suot ni Amanda, nang tamaan ito ng liwanag, na bahagyang ikinasilaw ni Victor.

“Wow, ang laking brilyante n’yan,” nasambit niya na hindi naiwasan ang mapatingin sa daliri ng ina, “siguradong mahal ‘yan.”

Hindi nagsalita, buong kasiyahang pinagmasdan ni Amanda ang suot na singsing.

Nakaramdam ng paghinala si Victor.

“Engagement ring ba ‘yan, Ma?” Tanong niya na may kahalong kaba.

Hindi agad sumagot ang ina. Sinalubong ng tingin ang nagtatanong na anak.

Nakakunot ang noo ng anak niya. Nasa mga mata ang hindi naitagong sama ng loob. Ang sakit ng damdamin.

Nag-alala si Amanda. Paano kung hindi siya payagan ni Victor na mag-asawang muli? Kung ayawan nito ang pakikipagrelasyon niya kay Senyor Gaspar?

Nabura ang kasiyahang nasa kanyang mukha. Nawala ang ngiting, yumuko ito at muling pinagmasdan ang singsi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status