[Maya pov]Simula ng araw na iyon ay natatakot na ako kay Delvin. Hindi ko matanggap ang kanyang ginawang paghalik sa aking leeg. Mali iyon kahit sabihin pa na lasing ito. Hindi iyon dahilan para bastusin niya ako. Palagi akong nagpapahuli sa pagkain para iwasan lang siya. Paglipas ng apat na araw ay dumating si Tyler. Nais ko man na sabihin sa kanya ang ginawa ni Delvin ay natatakot ako. Baka hindi niya ako paniwalaan at ako pa ang mapasama."Maya, hindi mo ba nagustuhan? Dapat pala ay tinanong kita kung anong design ang gusto mo. Na- excite kasi ako kaya agad na kitang binilhan." Pukaw sa akin ni Tyler habang hawak ang aking kamay na may nakasuot na isang mamahaling singsing na binili pa niya sa Japan. Mukhang nalungkot ito dahil akala niya ay hindi ko nagustuhan ang kanyang mga regalo."Nagustuhan ko, Tyler. Maganda lahat ng binili mo sa akin. Pero kasi... hindi ko kailangan ng mga ganito. Sampo lang naman ang daliri ko, pero dose itong binili mong singsing. Ano ang gagawin ko sa i
(Maya pov)Iyak ako ng iyak habang hila ni Suzy ang aking buhok habang pababa kami ng hagdan. Gusto ko siyang gantihan pero pinigil ko ang sarili ko dahil baka lalong magalit sa akin si Tyler. Ayokong dagdagan ang galit niya sa akin dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa."Lumayas ka na, Maya! Ang kapal naman ng mukha mo kung mananatili ka pa dito matapos mong nakawan si kuya!" Saka lamang ako binitiwan ni Suzy ng makarating kami sa maindoor ng mansion.Hiyang- hiya ako dahil nakatingin na sa amin ang mga tauhan ng mansion. Naaawa din ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko. Ang masaklap ay wala akong magawa para labanan ang mga kasinungalingan na bintang sa akin ni Suzy na alam kong gawa- gawa lang niya.Gusto kong tawagin ang pangalan ni Tyler para magmakaawa na pakinggan niya ako. Pero alam ko na wala akong laban dahil kapatid niya si Suzy at mas paniniwalaan niya ito.Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak ng umiyak. Naririnig ko pa si Suzy na ti
[Maya pov]Isang buwan na akong pumapasok sa ekwelahan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maitago ang excitement ko sa tuwing papasok ako. Nakakahabol na ako sa mga lessons dahil may tutor pa rin na nagtuturo sa akin araw-araw tuwing hapon pagkagaling ko sa school. Mababait naman ang mga kaklase ko sa akin kaya hindi na ako sobrang kabado tulad ng una. Namumula na nagyuko ako ng ulo ng halikan ako ni Tyler sa labi. Pitong buwan na kaming kasal pero hindi pa rin ako masanay- sanay sa tuwing ganito siya sa akin. Pero aaminin ko na kinikilig ako sa mga ginagawa niya. Hinintay muna niya ako na makapasok ako ng gate bago siya tuluyang umalis. Ganito ang routine niya araw-araw simula ng mag- aral na ako. Ihahatid niya ako at susunduin. Hindi lumalabas ng kotse si Tyler para hindi ito makita ng mga students at dahil sa pakiusap ko na rin. Ayoko na malaman nila na ako ang asawa ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Ayoko kase na mag- iba ang trato nila sa akin kapag nalaman nila na asawa
(Hannah pov)Abot langit ang ngisi namin ni Suzy habang binabasa ang mga hate comments para kay Maya sa halos lahat ng social media platforms.Oo, plano namin ang lahat. Dahil sikat at kilala na ako sa industriya ng showbiz at marami na akong fans at mga followers ay naging sisiw na lamang sa amin ang sirain ang imahe ni Maya sa lahat ng tao.Nagpatawag ako ng conference at nagtahi- tahi ng mga kasinungalingan. Itinodo ko ang aking pagda- drama para mas kapani- paniwala at mas maraming maniwala sa mga sinabi ko. Sigurado mas dadami pa ang mga magiging tagahanga ko at syempre ay dadami din ang mga taong makiki- simpatya sa akin. Gano'n naman ang mga tao ngayon, mga uto- uto at madaling maniwala. Sinabi ko sa interview sa akin na kinupkop ng pamilya namin silang mag- ina, binigyan ng trabaho, pinakain, at pinakitaan ng kabutihan. Pero sa bandang huli ay nagawa kaming nakawan ng ina ni Maya, hindi lang 'yon ang mga sinabi ko. Pinalabas ko din na nagpanggap na isang Gustin si Maya para maa
[Hannah pov]"ANO ANG IBIG MONG SABIHIN na na-cancel lahat ng shoots ko ngayong araw?!" Galit na tanong ko kay Percy. Namumula ako sa galit dahil pagdating namin sa shooting location namin ngayong araw ay walang katao- tao. Sanay akong hinihintay ng lahat simula ng mag- artista ako. Pero ngayon ay maski isang tao ay wala kaming nadatnan."M-Miss Hannah, ang totoo n'yan ay ito ang gusto namin sabihin sa'yo kanina ni Mr. Precy. L-Lahat ng shootings mo ay cancel, maging ang mga commercial shoots mo ay gano'n din." Paliwanag ni Vanjie..... Pinuntahan ko at kinausap ang management tungkol sa mga na-cancel kong mga projects, pero wala silang malinaw na sagot sa akin. Lahat sila ay tikom ang bibig. Lahat ng contract ko ay bigla na lamang na- terminate lahat. Maging sa kaliit- liitan na projects na mayro'n ako ay nawala."Waaahhhhh!!!!" Nagwawala ako sa labis na galit. Lahat ng mga gamit, props, at mga designers clothes at bags ko ay pinagtatapon ko. Hindi ko matatanggap na ganito nalang
(Hannah pov)Oo, ako ang pumatay sa nanay ni Maya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon... kasalanan niya naman kaya siya namatay. Kung hindi niya ako pinilit na sumama sa kanya ay hindi ko siya matutulak sa hagdan. Hindi ko matanggap na ang isang katulad niya ang aking ina... hindi ko matanggap na isang hampaslupa lamang ang taong nagluwal sa akin sa mundo.Tama... Magkapatid kami ni Maya. Fraternal twins kami kumbaga, kaya magkaiba ang aming mukha.Naalala ko pa ang tagpong naganap sa amin ng nanay ni Maya.Kaarawan ko ng araw na 'yon. Napagod ako sa pagbukas ng mga regalong natanggap ko mula sa aking mayayaman din na mga kaibigan. Sa edad kong sampo ay sunod ako sa layaw. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Binibigay nila sa akin ang lahat, mapa- sapatos man 'yan, damit, mga bagong labas na limited edition na mga laruan, basta name it 'at kanilang ibibigay sa akin iyon.Tumayo ako at binuksan ang pinto ng aking kwarto ng may kumatok. Umismid ako kay Maria. Tama, Maria lamang
[Hannah pov]Katulad ng gusto ni Lolo ay nagpunta kami ni Lola sa Villa ng Montemayor. Tinaasan ko lang ng kilay si aling Berta at aling Mae ng makita ko na sobrang sama ng tingin nila sa akin. Hindi ko alam na dito na pala lumipat ng trabaho ang mga ito. Akala ba nila ay asensado sila kaya kung makairap ay wagas. Tskkk... kasambahay pa rin naman sila... hahaha... Mga basura at hampaslupa."Senyora Lina... Senyorita Hannah..." Halatang nagulat si Maya ng makita kami. Sabagay, sinong hindi magugulat kung nasa harapan niya mismo ang dahilan kung bakit naghirap siya ng maraming taon."Ano ang kailangan niyo sa akin?" Tanong ni Maya sa amin. Ng bumaling siya sa akin ay nakita ko na parang naiiyak siya. Alam ko na galit siya sa ginawa ko at mga pinagsasabi ko sa press conference pero wala akong pakialam. Kung hindi lang talaga dahil sa utos ni Lolo ay hinding-hindi ako pupunta dito. Hindi namin ni Lola matanggap na hihingi kami ng tawad sa mababang uri na katulad ni Maya.Lumaki akong hind
[Tyler pov]Galit na galit ako sa mga nalaman ko. Nang magpasagawa akong muli ng malalim na imbestigasyon tungkol sa pamilyang Gustin ay hindi ko inasahan ang malalaman ko.Si Maya ay isa palang tunay na Gustin. Ang anak ni Mrs. Gustin na si Patrick ay lumayas noon para lumayo kasama ang nobya na si Maria. Pero hinanap ang dalawa ng mag- asawang Gustin ng magsimulang bumagsak ang mga negosyo nito. Nais gamitin ng mga ito ang sariling anak para isalba ang naluluging negosyo. Hindi pumayag si Patrick na ipakasal sa iba ng magulang dahil ikakasal na ito kay Maria na nagdadalantao na. Na-aksidente at namatay si Patrick. Ang sinisi ng mga Gustin sa pagkamatay ng kanilang anak ay si Maria na noon ay buntis. Sapilitan na kinuha ng mga ito ang isa sa kambal na si Hannah at naiwan si Maya sa ina. Dahil sa ayaw ni Maria na malayo sa isa pang anak ay namasukan ito bilang kasambahay sa mansion ng mga Gustin at tiniis ang pagmamalupit ng mga ito.Kuyom ang aking kamao kanina pa simula ng umalis ang