(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala na…“Karla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin."Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila."Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa naging de
"MAYA!"Napangiwi ako ng pingutin ni Senyora Lina ang tenga ko. Pinigil ko ang aking sarili na huwag umiyak dahil mas lalo lamang ako masasaktan kapag umiyak ako. Hanggang sa makarating kami sa kusina ay hawak pa rin niya ng madiin ang tenga ko. Sobra ang pagpipigil ko na kahit mahinang d***g ay huwag lumabas sa labi ko."Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag na huwag kang lalabas? Peste ka talagang bata ka wala kang kadala-dala!" Saka lamang ako binitiwan nito ng maisara nito ang pinto ng kusina."Sorry po!" Hingi ko ng tawad habang hawak ang tenga ko na napakasakit. Iniyuko ko ang ulo ng magsimula itong itulak ang noo ko gamit ang matulis nitong kuko, halos bumaon sa noo ko ito at talaga namang nagdudulot ng sakit subalit tiniis ko ito."Puro ka 'sorry! Pero hindi ka naman nakikinig? Ang tigas-tigas ng ulo mong peste ka!" Ang alam ko ay insekto ang peste, kaya naman hindi ko alam kung bakit paborito itong itawag sa akin ni Senyora. Hindi naman ako isang insekto."Senyora Lina!" Agad n
(Maya pov)ABALA ang lahat sa loob ng mansion dahil ngayong araw ang dating ni Hannah galing ng america. Sampong taon na magmula ng umalis ito sa mansion. Naalala ko noong nawala si nanay ay agad na umalis din si Hannah patungo ng ibang bansa pagkalipas lamang ng dalawang araw."Maya! Dalian mo ri'yan at tulungan mo akong maghiwa ng mga ito! Naku naman, kung kailan sandamakmak ang aking gagawin ay ngayon pa nabasag ang aking salamin!" Tawag ni Aling Berta sa akin habang inirereklamo ang nangyari sa salamin nito.Pagkatapos kong magdilig ng mga bulaklak at alisin ang mga sobrang damo ay nagtungo agad ako sa kusina para tulungan si Aling Berta. Ang daming lulutuin ngayon. Parang may piyesta. Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa ngayon. Ang iba ay nasa kwarto sa itaas upang linisin ang kwarto ni Hannah, dahil ang gusto ni Senyora ay malinis ang lahat sa pag-uwi ng nag-iisa nitong apo, ang iba ay nasa sala para alisin maski katuldok na alikabok, ang iba ay nasa garahe, basta lahat ay
(Hannah pov)Hindi ako papayag na ipakasal nina Lolo at Lola at maging asawa ng lalaking hindi ko naman kilala at hindi ko mahal. Bukod sa ayaw ko pang mag asawa ay gusto ko pang tuparin ang lahat ng pangarap ko sa buhay, at hindi kasama doon ang pag aasawa. Hindi naman talaga ko umuwi ng Pilipinas dahil sa gusto nila. Umuwi ako dahil may offer sa akin ang GMC Network na isang soap opera na pagbibidahan ko. Hindi ako tumanggi dahil matagal ko ng pangarap na maging artista, napilitan lang naman akong umalis ng bansa no'ng ten years ako dahil sa nangyari noon.Inalis ko sa isip ang gabing iyon. Hindi ko na dapat isipin iyon. Kinuha ko nalang ang cellphone para tawagan si Suzy, ang matalik kong kaibigan na kapatid ng isang sikat na Director ng GMC Network. Si Suzy ang daan kaya mabibigyan agad ako ng big break sa telebisyon. Hihinto muna ako sa pag-aaral para tuparin ang matagal ko ng pangarap. Ito na ang chance ko kaya bakit ko palalagpasin?"Suzy, kailan ko ba makikilala ang Kuya Delvin
(Maya pov)"Maya, ipinapatawag ka ni Senyorita Hannah." Sabi ni Karen na isa ring katulad ko na kasambahay dito sa mansion, kasing edad ko din si Karen, ang kanyang ina ay matagal na din naninibilhan dito.Lumapit sina Aling Berta at Ate Mae sa akin ng may pang-uusig na tingin. "May ginawa ka na naman bang mali, ha, Maya?" Agad na umiling ako kay Aling Berta. "Wala po." Maski ako ay nagtataka rin kung bakit ako ipinatawag."Bakit ka pinapatawag ni Senyorita? Aba'y ayaw na ayaw nga no'n na nakikita ka kahit no'ng mga bata pa kayo." Kahit si Ate Mae ay nagtataka din sa biglaang pagtawag sa akin."Mabuti pa po ay aakyat na ako sa kwarto niya. Baka mapagalitan pa ako kapag di agad ako umakyat." "Mabuti pa nga, Maya. Sige na, umakyat ka na sa itaas. Ayaw na ayaw ng bata na yon na pinaghihintay siya, na ugaling namana niya sa kanyang Lola." Dahil sa sinabi ni Aling berta ay binilisan ko ang pag-akyat sa ikalawang palapag ng mansion. Napahinto ako dahil nakasalubong ko si Ma'am Lorna kasam